55

235 9 0
                                    

Amanda's POV

Natapos na namin lahat ng activities namin kaya naman nandito na kaming lahat sa beach at nagsuswimming na. Ang mga Tito's at Daddy naman ang naggigrilled na ng pagkain namin para sa dinner. Habang sila mommy at ang mga Tita naman ay kasama din namin dito sa pagligo.





Habang lumalangoy ako kanina ko pa napapansin si Gab na tahimik at parang wala sa sarili dahil nakatulala sya. Hindi ko alam kung bakit sya nagkaganon basta pagbalik nya sa amin galing sa kitchen naging tulala na sya at mukhang kinakabahan.








Nilapitan ko sya sa dalampasihlgan kung saan sya nakaupo. "Psssst! Ang tahimik mo." Sabi ko at nginitian nya lang ako. "Tara na langoy na tayo kanina kapa jan."







"Mamaya nalang Amanda." Sabi nya.







"Ano bang nangyayari sayo Gabriela?" Tanong ko ulit.








"Wala naman Amanda, basta masaya lang ako kasi masaya din kayo si Sab nalang talaga ang kulang." Sabi nya.






"Sure ka wala kang problema?" Tanong ko.







"Oo nga, haynako ang kulit mo talaga. Tara na magswimming nalang tayo." Sabi nya at tumayo na sya.






Sumunod naman ako Gab at nagswimming nalang kaming dalawa, nakakamiss din pala yung ganito sayang lang at wala si Sam mas masaya kung nandito sya. Nasaang lumpalop na kaya sya?






"Amanda! Gab!" Sigaw sa amin ni Pat kaya umahon kami at nilapitan namin si Pat.







Pagdating namin sa pwesto  ni Pat agad naman nya kaming binigyan ng beer at ininom namin ito.







"Wow Amanda ikaw ba talaga yan?" Gulat na tanong ni Pat.







"Yes, why?" Nagtatakang tanong ko.







"Kasi di ka naman nainom dati hindi ba?"






"Dati yon, nagbago na ko eh." Sabi ko.







"Alam nyo maglakad lakad nalang muna tayo, puntahan natin yung rest house nila Sam malay natin nandon sya?" Pabirong sabi ni Gab.






"Tama ka Gab, malay talaga natin nandon si Sam. Miss ko na yung bruhang yon." Tumatawang sabi ni Pat.





Nagpaalam kaming lahat kala mommy at pinayagan naman nila kami, ewan ko ba kung bakit ako naeexcite na mapuntahan yung rest house nila Sam. Alam kong malabong nandon si Sam dahil napuntahan na namin yon ni Gab dati pero wala talagang tao.












Pagdating namin sa tapat ng rest house nila Sam walang kailaw ilaw sign na wala talagang tao kaya inaya ko na din sila pabalik pero si Pat nagpumilit na pasukin namin yung bahay.










"Umuwi na tayo baka makasuhan pa tayo dito ng trespassing eh." Inis na sabi ko.








"Malay natin nandito si Sam nagtatago lang." sabi ni Pat at isa isa nyang sinubukang buksan yung mga bintana.







"See? walang tao kasi nakalock lahat." Sabi ni Gab.






"Kahit kailan talaga ang kulit mo Pat!" Sabi ko.







Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon