Elizabeth's POV
Habang nilalambing ako ni Sabrrina napansin ko sila Gab at Amanda na pumasok sa kwarto kaya naman sinundon ko iton ng tingin dahil parang nagmamadali silang dalawa. Hindi ko alam kung bakit ko sinundan ko silang dalawa basta sabi ng isip ko sundan ko si Gab at Amanda kaya ayon ang ginawa ko.
Iniwan ko si Sabrrina sa living area ng rest house nila Charlotte at nagpunta ako sa tapat ng kwarto kung saan pumasok si Gab at Amanda.
Hindi ko narinig yung ibanl nilang pinag uusapan pero may sinabi si Gab na narinig ko. "Sabihin na kaya natin ang totoo?"
"Hon anong ginagawa mo jan? Tara na sa kitchen nag-aayos na sila Andrew." Sabi ni Christopher at hinila na nya ako papunta sa kitchen.
Naguguluhan ako sa sinabi ni Gab, anong ibig nyang sabihin na sabihin na ang totoo?
"Mommy bakit tulala kana naman? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Andrew sa akin.
Tumingin ako kay Andrew ng diretso at ngumiti sabay sabing "Ah wala naman anak, may naalala lang ako."
"Ganon po ba, sige po mommy sa living area ka po muna, samahan mo nalang po muna si Sab doon baka sumakit lang po ulo mo dito dahil sa init." Sabi ni Andrew.
"No, dito nalang ako kasi tutulungan ko kayo." Sabi ko.
Tinulungan ko nalang silang maghain hanggang sa matapos na lahat. Tinawag na ni Andrew sila Sab,Gab at Amanda. Naunang dumating si Sab sa dining area at sumunod naman sila Amanda at Gab.
Tinignan kong maigi si Amanda na namumula ang mata kaya naman nilapitan ko agad sya at tinanong ng, "Anak are you okay?"
"Yes po, si Gab kasi eh may pinanood sa akin video na nakakaiyak kaya ayan nadala tuloy ako." Sabi nya sabay tawa.
"Ganon ba."
"Opo Mommy, sige na po tara na sa table." Sabi ni Amanda at naglakad kami papalapit sa table na magkahawak kamay.
Magkatabi kami ni Amanda kahit simple lang yon na pagtabi sa akin ni Amanda sa hapag kainan masaya na ako dahil kasama ko sya.
Masaya kaming lahat na nagsalo salo, ito na yung pinakamagandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko. Buo kami at masaya kaming lahat.
After namin kumain nagpahinga lang kaming lahat at nagproceed na kami sa mga activities namin. Ang unang activity namin ay volleyball at ang kakampi ko ay si Amanda, Aileen. Samantalang sa kabilang group ang magkakasama ay si Sab,Gab at Charlotte.
"Go love!" Sigaw ni Andrew kay Gab kaya nagkatinginan kaming lahat at naghiyawan.
Si Andrew ang kinuha naming referee namin dahil may alam sya sa mga ball games.
Umpisa palang ng laban medyo mainit na ang laban, si Gab ay dating player ng volleyball kaya magaling sya ganon din si Amanda.
Mabuti nalang at parehas kaming naging player ni Amanda sa volleyball kaya may kaonti kaming alam.
Sa unang set lamang ang kabilang team pero sa pangalawang set namn kami na ang nangunguna. Nakay Amanda ang bola dahil sya ang magseserve nito.
Kanina ko pa napapansin na si Sab ang pinupuntirya nya na patamaan ng bola, kaya siguro ginagawa ni Amanda yon para makapuntos kami, hindi kasi maalam si Sab na maglaro ng volleyball.
"Go Amanda!" Sigaw ni Patrick kaya naman napangiti nalang si Amanda.
Dahil kami ang nanalo sa ikawalang set nagkaroon pa ng ikatlong set dahil parehas kaming nanalo sa magkaibang set. Ngayon magkakaalaman na kung sino talaga ang mananalo.
Kahit pagod na kaming lahat tuloy pa din ang laban sa gitna ng mainit na araw at mainit na laban. Si Amanda ulut ang magseserve ng bola at pinatama nya na naman ito kay Sab pero hindi ito nareceive ng ayos ni Sab kaya sa amin ang puntos.
Ilang minuto din kaming naglaro sa initan at kami nga ang nanalo sa ikatlong set, tuwang tuwa si Amanda dahil kami ang nanalo.
Tumakbo si Amanda papunta sa akin at sinabing "Mommy panalo tayo." At nagtatatalon sya na parang bata.
"Magaling ka kasi anak." Nakangiting sabi ko.
"Amanda! Elizabeth! dito na kayo mag usap." Sigaw ni Christopher kaya naman tumakbo kami ni Amanda papunta sa cottage.
"Guys ang galing ninyong lahat!" Puri sa amin ni Leandro.
Pumasok muna kami sa loob ng rest house at nagpahinga kami ng sandali lang. Ang next activity naman namin ay basketball pero ang maglalaro naman ay mga boys.
After 30 minutes nagpunta na kami sa half court ng resthouse nila charlotte. Ang magkakampi ay si Leandro at Elmo habang sa kabilang team naman ay ang mag ama ko na si Andrew at Christopher. Dahil sobra.
Napaka saya ng arawa na ito dahil kasama ko yung mga taong mahahalaga sa akin.
Iniwan ko muna silang lahat sa court at pumasok ako sa loob ng bahay upang uminom ng tubig, pagdating ko sa kitchen kumuha agad ako ng baso at tubig. Sakto namang nagvibrate ang phone ko hudyat na may natawag sa akin kaya naman tinignan ko agad kung sino yung caller. Si mommy pala kaya agad ko itong sinagot.
"Hi Mom!" Bati ko.
"Happy Birthday Anak! Sana masaya ka ngayon." Sabi ni Mommy.
"Hindi lang po ako basta masaya Mommy, kasi sobrang saya ko po ngayon kasi kasama ko ang anak ko na si Amanda, sayang lang po at hindi kayo nakasama dito." Sabi ko.
"Alam mo namang busy si Mommy sa business natin dito sa states diba, hayaan mo anak sa Christmas uuwi ako." Sabi ni Mommy.
Nagkwentuhan kaming dalawa ni Mommy hanggang sa inabot na kami ng 30 minutes mahigit sa pag uusap. Pabalik na sana ako sa court ng biglang dumating si Gab dito sa kitchen at naalala ko na naman yung sinabi nya kanina noong nasa kwarto sila ni Amanda.
"Gab can we talk?" Tanong ko.
"Yes Tita, tungkol po ba saan?" Tanong nya.
"About kanina, yung nasa kwarto kayo ni Amanda. Narinig ko kasing may pinag uusapan kayo at narinig ko yung sinabi mong Sabihin na kaya natin ang totoo? Gab anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina? Pwede bang sabihin mo sa akin kung ano yung totoong sinasabi mo kanina?"
"Sorry Tita pero hindi ko po pwedeng sabihin kasi nagpromise ako kay Amanda, mas maigi nalang po na si Amanda nalang ang tanungin nyo Tita." Sabi nya at nagmadali na syang lumabas.
Naguguluhan na ako, ano ba talaga yung totoong sinasabi ni Gab? Tungkol ba kanino iyon?
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉