8

355 13 1
                                    

Christopher's POV

Matagal ko ng pinatawad si Amanda, mahal na mahal ko si Amanda. Oo nagawa ko syang saktan noon pero hindi na naulit yon magmula nung masaktan ko sya ng sobra. Nagsisisi ako sa mga nagawa ko kay Amanda, alam kong hindi nya deserve yung mga ginagawa namin dati sa kanya.




Napaisip ako sa mga sinabi ni Charlotte, nahanap na nga namin si Sabrrina pero si Amanda na nasa tabi lang namin palagi hindi namin napapansin. Nasasaktan din ako kapag napagbubuhatan ng kamay ni Elizabeth si Amanda. Gusto kong ipagtanggol ang anak ko kaso napangunahan ako ng inis dahil nawala nya si Sab.





Madaming birthdays na ni Amanda ang lumipas pero hindi kami nakakapagcelebrate ng buo kami. Mahal na mahal ko si Amanda higit pa sa akala ng iba.






Napangunahan lang talaga ako ng galit ko kaya ko sya nasaktan noon.






Miss na miss ko na ang Amanda ko, napakalambing nyang bata pero nawala yon dahil kasalanan din namin. Hindi lingid sa kaalaman ni Amanda tuwing malalim na ang gabi ay napunta ako sa kwarto nya at pinagmamasdan ko sya. Gabi gabi din akong humihingi ng tawad sa mga nagawa ko sa kanya.



Naalala ko nung mga nakakaraang gabi nung nakasalubong ko sya sa hallway ng bahay nakita ko syang nakayuko lang at hindi tumitingin sa akin. Alam kong iniiwasan nya ako dahil sa takot nya sa akin. Gustong gusto ko syang yakapin that time pero hindi ko nagawa.





"Dad nasaan po pala si Ate Amanda bakit kanina pa po sya hindi lumalabas sa kwarto nya. Nakaalis na po tayo't lahat hindi ko pa din sya nakikita sa bahay." Sabi ni  Sabrrina.






"Wala ang Ate Amanda mo, umalis sya magmula nung mahulog kayo sa pool." Sabi ko.







"Ganon po ba, sayang naman po dahil may binili pa naman ako sa kanyang regalo. Diba po malapit na yung birthhday nya?" Naaalala nya pa pala yung birthday ng Ate nya.








"Yes malapit na, pwede mo namang ibigay yan eh pag balik nya."






"Sige po dad itatabi ko nalang po muna ito. Mauna na po ako sa taas." Iniwan nya na ako sa living area.




Puntahan ko kaya si Amanda  sa Batangas? Alam ko naman yung address ng rest house nila Charlotte.




Umakyat ako sa kwarto namin at kumuha ako ng gamit. Tama na siguro kung two days lang ako magsstay doon. Alam kong hindi sapat yung bilang ng araw na yon para bumawi kay Amanda pagbalik nalang ni Amanda dito tsaka ko susulitin ang pagbawi ko sa kanya.





"Hon saan ka pupunta?" Tanong ni Elizabeth.






"Hon tumawag kasi yung isang client natin gusto nyang makipagmeeting ako sa kanya bukas ng umaga sa Batangas."






"Gusto mo bang sumama kami sayo?" Sabi nya.





"Hindi na hon, dito nalang muna kayo ni Sab, magbinding kayong dalawa. Babalik din ako agad after ng meeting namim ok?" Sabi ko at tinulungan nya akong mag impake.





Hinatid nila ako sa garahe namin. "Hon mag iingat ka don, tumawag ka kapag nandon kana. I love you!" Sabi ni Elizabeth at kiniss nya ako.





"Ingat Dad!" Sabi ni Andrew at Sab.






"Bye!" Sabi ko sa kanila.







Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon