Aileen's POV
Kanina pa kami nag aantay sa mga bata, nakaluto na kami ni Ate para sa dinner namin pero di pa din sila nakakabalik.
"Ai, Tawagan mo na nga sila kanina pa sila umalis sabi nila kukunin lang nila ung necklace ni Sam, pero hanggang ngayon di na pa din nabalik." Kinakabahang sabi ni Ate.
"Baka tumambay muna sila don, malay mo nagkwentuhan pa sila, wag kang kabahan jan ate." Sabi ko.
"Basta tawagan mo sila or kahit si Patrick nalang ang tawagan mo." Sabi ni Ate Charlotte.
"ok, magrelax ka lang jan." Sabi ko at tinawagan ko na din si Patrick.
Mabuti nalang at agad na sinagot ni Patrick ang tawag ko.
"Hello anak? Nasaan na kayo?" Tanong ko.
"Hi Ma!" Masayang bati ni Patrick.
"Nasaan na kayo? sabi nyo sandali lang kayo." Sabi ko.
"Ahhh.... eh..... ano po..... mom kasi...." Utal na sabi ni Patrick.
"Anak ayusin mo ang pagsasalita mo, sa pagkakaalam ko hindi ka ganyan magsalita. Nasaan na kayo?" Sabi ko.
"Kasi po mom..."
"Ano nga Patrick! kanina ka pa hah!" Inis na sabi ko.
" Si Amanda po kasi."
"Anong si Amanda?" Kinakabahang sabi ko.
"Nasa ospital po kami mommy, may nangyari po kasi kay Amanda." Sabi ni Patrick.
"WHAT! ANONG NANGYARI KAY AMANDA?" Sigaw ko kay Patrick kaya naman nagulat si Ate Charlotte at hinablot nya yung phone ko at niloudspeaker nya ito.
"Patrick anong nangyari kay Amanda?" Mahinahong tanong ni Ate.
"Tita kasi po pagdating namin sa tapat ng bahay nila Amanda naabutan po naming nakabukas yung gate kaya po pumasok na ng tuluyan si Sam sa loob, pero po pagpasok ni Sam sa bahay nila Amanda, naabutan nya pong may mga dugo sa hagdanan po. Tumakbo po pabalik sa amin si Sam at dun po pumasok kaming tatlo sa loob ng bahay at umakyat po kami sa taas nila at naabutan po naming basag yung flower base sa hallway, nang makarating po kami sa kwarto ni Amanda, doon na po namin sya nakita na nakaupo sa sahig at puno na po ng dugo yung kamay nya. Malaki po yung sugat ni Amanda sa kamay kaya po kinailangan po itong tahiin. Nandito po kaming tatlo sa waiting area Tita."
"Saang hospital yan?" Tanong ni ate.
"Sa Fatima Hospital po Tita." Sabi ni Patrick.
"Ok papunta na kami." sabi ni Ate.
Kinuha ni Ate yung gamit nya sa kwarto at inaya na nya ako.
"Isa lang ang makakagawa non kay Amanda, si Elizabeth lang ang may kakayahang makagawa non kay Amanda." Galit na sabi ni Ate, mabuti nalang at ako yung nagmamaneho.
"Ate baka naman hindi si Elizabeth ang gumawa non." Sabi ko.
"Tignan natin." Sabi ni ate at kinuha nya ang cellphone nya sa bag nya at tinawagan nya si Elizabeth.
Niloudspeaker ni Ate yung tawag para marinig ko. "Hello?" Sabi ni Elizabeth.
"Anong ginawa mo kay Amanda?" Galit na tanong ni Ate Charlotte kay Elizabeth.
"Bakit hindi sya ang tanungin mo Charlotte?" Sabi ni Elizabeth.
"Ikaw ang gusto kong tanungin, wag mong ipasa yung tanong ko sayo kay Amanda."
"Gusto mong malaman kung ginawa ko kay Amanda? tinulak ko lang sya, bakit ano bang sumbong sayo ng magaling kong anak?" Matapang na sabi ni Elizabeth.
"Wala ka talagang kwentang ina Elizabeth, sarili mong anak sinasaktan mo."
"Wala kang alam Charlotte!" Sigaw ni Elizabeth.
"Madami akong alam Elizabeth." Sarcastic na sabi ni Ate.
"Gusto mong malaman yung totoo? tinulak lang naman ni Amanda si Sab sa hagdan kaya nahulog si Sab at kaya nandito din kami sa hospital!"
"Hindi magagawa yan ni Amanda." Giit ni Ate at pinatayan na nya ito ng tawag.
"Tama ka ate, hindi magagawa ni Amanda yung paratang ni Elizabeth unless may ginawa si Sab na nakapagpatriggered kay Amanda." Sabi ko.
After 10 mimutes nakarating na din kami sa hospital kung saan nakaconfine si Amanda, agad naman naming nakita sila Gab.
"Mama!" Tawag ni Gab kay Ate.
"Shhhh wag ka ng umiyak, magiging maayos din si Amanda." Sabi ni Ate.
"Ma paano na si Amanda? Alam kong pagod na sya Ma hindi nya deserve itong nangyayari sa kanya." Sabi ni Gab.
"Panahon na siguro para kunin natin si Amanda sa kanila." Sabi ko.
"Pero paano Tita?" Tanong ni Gab.
"Sapilitan nating kukunin si Amanda." Sabi ko.
"Pero paano kung hindi pumayag si Amanda sa gusto natin Tita?"
"Kami na ang bahala ng Tita Aileen mo anak, sige na umuwi na muna kayo at magpahinga na sa bahay, kami nalang muna ng Tita Aileen mo ang magbabantay kay Amanda." Sabi ni Ate.
"Pero Ma..."
"Sige na Gab, sumumod kana sa Mama mo kami na ang bahala kay Amanda tatawagan nalang namin kayo kapag nailipat na si Amanda sa private room. Maglock kayo ng pintuan pagdating nyo sa bahay ok?" Sabi ko.
"Ok po." Sabi ni Gab at lumabas na sila ng hospital.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉