66

235 8 2
                                    

Rebeca's POV

Matagal ko ng pangarap na mapasaakin sya at ngayon kasama ko na sya. Halos tatlong buwan na ang lumipas at sa wakas gising na din sya. Kay tagal kong hinintay itong pagkakataon na ito at ngayon nangyari na nga ang gusto ng hindi ako nahihirapan man lang.



"Ma nasaan si Papa?" Tanong ni Amanda.




Yes nasa akin si Amanda dahil sinundan ko si Gab kaya nalaman ko kung nasaan ba talaga si Amanda at kapag nga naman sinuswerte ka natagpuan ko si Amanda at ako ang nakakuha sa kanya. Yung bangkay na nakuha nila ay hindi si Amanda sapagkat kumuha ako ng ibang katawan at ayon ang ipinalabas na si Amanda.




"Iniwan tayo ng Papa mo anak noong bata ka palang iniwanan nya na tayo." Sabi ko.




Nakatalon si Amanda kaya buhay na buhay sya ngayon, konting galos lang ang natamo nya pero bahagyang naapektuhan ang ulo nya dahil sa pagkakatalon nya sa sasakyan. Nakita ko sya sa pinaka mababaw na bahagi ng bangin at mabuti nalamang hindi sya kasama doon sa nahulog na sasakyan.



"Ma bakit po pala Sophia Ann Claire ang ipinangalan mo sa akin? Pasensya na po hindi ko na maalala."




"Sophia Ann Claire ang ipinangalan ko sayo kasi ayan ang napagkasunduan namin ng Papa mo. Yung Sophia Ann galing yan sa baby sister ng papa mo na namatay at ang Claire naman ay galing sa paborito kong artist."






Lumapit sa akin si Amanda at niyakap ako. "Nawala man po yung mga alaala ko, pero alam kong hindi kayo nawala dito sa puso ko. I love you Mama." Malambing na pagkakasabi sa akin ni Amanda.








"I love you too." Sabi ko.








Dito kami ngayon nakatira sa  Province ng pinsan ko, malayo sa tunay na pamilya ni Amanda. Mas pinili kong dumito nalang para makasama ko si Amanda. Chance ko na ito para mapasaakin na talaga ng tuluyan si Amanda.






"Anak tara na sa kitchen ipagluluto kita ng gusto mo."





"Sige po." At sabay kaming nagpunta ni Amanda sa kitchen.





Mabuti nalang at may bahay ang pinsan ko dito , gustong gusto dito ni Amanda dahil nasa tabing dagat lang kami. Palagi ko syang dinadala sa dalampasigan at kinukwentuhan ng kung ano ano.





Habang nagluluto ako ng paborito nyang ulam nakatingin lang sya sa akin. Napaka ganda ng mga mata ni Amanda.




"Ma bakit po pala tayo naaksidente?" Tanong ni Amanda.




"Papunta sana tayo sa Manila that time para umattend ng seminar kaso noong nasa highway tayo nabundol tayo ng truck kaya naaksidente tayo at ikaw ang napuruhan."





"Mabuti nalang po at walang ibang nagyari sa atin Ma." Sabi ni Amanda.





"Binisita po ba ako ni Papa?"





"Hindi, dahil hindi nya alam ang nangyari sa atin." Sabi ko.





"Gusto kong makilala si Papa kaso baka may iba na syang pamilya. Ma puntahan kaya natin si Papa?"






"No! Hinding hindi tayo magpapakita sa Papa mo kahit kailan!" Sigaw ko kaya naman nagulat si Amanda at parang naluha sya. Nilapitan ko sya at sinabing, "Sorry hindi ko sinasadyang masigawan ka."






"Sorry din po kasi ang dami kong tanong, gusto ko lang po kasing malaman kung sino ba ako dati noong hindi pa tayo naaksidente."






"Isa kang simple at mabait na anak ko, kung ano ka ngayon ganon ka din dati ang pinagkaiba lang ngayon nawalan ka ng alaala." Sabi ko.






Niyakap ako ni Amanda ng mahigpit, "Ma pupunta lang po muna ako sa dalampasigan."






"Sure." Sabi ko at humiwalay na sya sa pagkakayakap sa akin at lumabas na sya sa bahay namin.






Maswerte ako dahil ako ang nakakuha kay Amanda, may kasama na ako palagi at may anak na din ako.
Aalagaan ko si Amanda at hindi ko hahayaang mawala ulit sya sa akin. Gagawin ko ang lahat para hindi na nya maalala ang lahat sa nakaraan.






Habang nagluluto ako tinawagan ko ang pinsan ko dahil malapit ng maubos ang stock naming pagkain. Nagpabili ako ng mga pagkaing kinakain talaga dati ni Amanda.





After kong makausap ang pinsan ko at matapos sa pagluluto ay pinuntahan ko na din si Amanda sa dalampasigan. Napansin ko naman syang may kasamang mga bata at nakikipaghabulan sila kay Amanda.






"Claire! Kakain na tayo!" Sigaw ko sa hindi kalayuan.






"Ma maya maya na po!" Sigaw nya kaya lumapit na din ako.





Napakahilig talaga nya sa mga bata sya pa din yung Amandang nakilala ko sa San Francisco.






"Anak tara na pagpapawisan ka lang eh." Sabi ko pero tumakbo ulit si Amanda kaya hinabol ko na sya hanggang sa maabutan ko ulit sya. "Anak wag ng matigas ang ulo, umuwi na tayo."






Umikot si Amanda at naglakad na kami sandali papunta sa bahay namin ng biglang nagsalita si Amanda "Mama habulin mo ako."  At hinabol ko nalang sya hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin.




Sana hindi na bumalik ang dating mga alaala ni Amanda.

Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon