76

301 9 1
                                    

Amanda's POV




Nandito na kami ngayon sa bahay namin sa Manila and to be honest namiss ko yung buong bahay. Matagal man akong nawala pero yung mga gamit ko nandito pa din. Hindi nila inalis yung mga gamit ko sa kwarto ko at dinagdagan pa nila ito.






Nakakatuwa lang isipin na sa sobrang dami ng pagsubok na dinaanan ko eto pa din ako nandito at patuloy na lumalaban kasama ang buong pamilya ko.








Napakasarap pagmasdan ng pamilya ko dahil kitang kita ko kung gaano sila kasaya at kung gaano nila ako namiss. Tanging mga halakhak lang nila ang naririnig ko sa ngayon. Bawat isa sa amin ay may masasayang kwento na ibinabahagi. Nahihiya tuloy ako dahil wala akong maibahagi sa kanila.







Habang nagkukwento kami si Dad ay nagpaalam ako na pupunta lang ako sa garden para magpahangin at para na din masilip ang tanim ko na Alstroemeria.
Pagdating ko sa garden namin nakita kong napakadami na nitong bulaklak kaya nilapitan ko ito at kinausap.







"Kahit nawala ako ng ilang taon nandito pa din kayo. Ang galing lang no kasi kahit paulit ulit akong nawala eh nanjan pa din kayo."









"Parang kami, kahit paulit ulit kang nawawala nandito pa din kami at hinding hindi ka namin iiwan." Lumingon ako at nakita ko si Mommy.







"Mom." Sabi ko at lumapit naman sya sa akin.





"Inalagaan namin yan kasi alam naming may babalik pang Amanda. Yung pag aalagang hindi ko naibigay sayo dati, jan sa halaman na yan ko ibinuhos lahat ng pagkukulang ko sayo." Sabi ni Mommy.






"Thank you Mom." Sabi ko at niyakap ko sya. "Sorry din po sa mga nagawa ko sayong kasalanan, siguro kung naging matapang lang po ako dati hindi sana tayo aabot sa ganito."






"Wala kang dapat ikasorry anak, ako dapat ang magsorry sayo kasi kung una palang naniwala na ako edi sana hindi ka maaksidente. Hindi ka sana mawawala ulit sa amin kung nakinig lang talaga ako sayo. Sorry anak hinding hindi na mauulit yon." Sabi ni Mommy.








"At hinding hindi na din po ako mawawala sainyo. Kahit na anong mangyari dito lang ako." At mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko kay mommy.








Habang yakap yakap ko si Mommy pakiramdam ko safe na safe na talaga ako, naririnig ko din ang pagtibok ng puso nya. Matagal kong hinintay na mangyari to at napaka worth it ng paghihintay ko ng ilang taon.








Wala ng  makakasira pa sa pamilya ko at wala na ding dahilan para magkawatak watak kami.







"Tara na sa loob." Sabi ni Mommy.





"Mauna na po kayo Mommy at susunod nalang po ako." Sabi ko at umalis na din si Mommy.







Mga limang minuto na ang nakalipas magmula ng iwanan ako ni Mommy dito sa garden ng bigla namang dumating si Sam at umupo ito sa damuhan kaya naman tinabihan ko sya.








"From now on Sab na ang itatawag ko sayo." Sabi ko.







"At ikaw naman Ate Mari na ang itatawag ko sayo." Sabi naman nya.







"Alam mo ba unang beses palang kitang nakita ang gaan gaan na talaga ng loob ko sayo tapos hiling ko pa na sana ikaw nalang yung kapatid ko at nagkatotoo nga yung sinabi ko. Nagkatotoong ikaw talaga ang tunay na Sabrrina."

...

"And ng malaman ko na ako at si Sabrrina ay iisa lang sobrang saya ko ate dahil hiniling ko din na sana magkaroon ako ng Ate na kagaya mo. Sobrang swerte ko lang kasi nagkalayo man tayo ng maraming taon nagkatagpo naman ulit tayo. Mabuti nalang talaga at nakita kita sa Batangas at nakilala kita." Sabi ni Sab.
.






Hinawakan ko ang kamay nya at sinabing, "Thank you dahil bumalik ka sa amin. Wag kana ulit bibitaw sa kamay ko okay?"







"Yes Ate, hinding hindi na ako bibitaw sa mga kamay nyo." Malambing na sabi nya.











Isinandal ni Sab ang ulo nya sa balikat ko habang magkahawak kamay kaming dalawa. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil kasama ko na ulit ang kapatid kong nawalay sa amin ng matagal.








"Andito lang pala ang dalawa kong prinsesa." Sabi ni Dad sa likod namin.






"Wait lang may kukunin lang ako sa kwarto." Sabi ni Dad.




After 3 minutes bumalik din sya sa amin at may iniabot syang isang maliit na box. "Dad ano pong laman nito?" Sabay naming tanong ni Sab.



"Buksan nyo." Sabi nya kaya agad naming binuksan ito ni Sab at nagulat kami sa laman nito. "Nagustuhan nyo ba?" Tanong ni Daddy.



"Yes Dad!" Sabi namin.


Kinuha ni Daddy yung ring at sya ang nagsuot sa amin non. "Gusto ko ako ang unang magbibigay sa inyo ng ring." Seryosong sabi ni Daddy.


"Thank you Dad!" At niyakap namin si Daddy ng mahigpit bilang sukli sa ibinigay nya sa amin.



Hindi ko ineexpect na sa pagbabalik ko grabe pala yung pagmamahal na ibibigay nila sa akin. Akala ko kapag bumalik ako kagaya pa din ng dati pero nagkamali ako. Iba ngayon dahil mas minahal pa nila ako at ganon din ako.


Siguro nga binigyan ako ni lord ng matinding pagsubok para maging handa ako sa darating na future ko. Alam kong may mga pagsubok pang dadating at sana malagpasan ko ito kagaya sa mga nauna kong pagsubok. Hindi na ako yung mahinang Amanda dahil ako na ngayon ang bagong Amanda na matapang at handang ipaglaban kung ano ang nararapat.

Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon