Gabriela's POV
Habang nakayakap ako kay Mama nagulat ako sa tanong nya, dapat ba na malaman na ni Mama yung totoo or dapat kong itago muna?
Ayokong magsalita dahil nagpromise ako kay Amanda na walang ibang makakaalm ng secret naming dalawa, lalabas lamang ang secret namin kapag handa na si Amanda at kapag kailangan na talagang ilabas ito.
Ito naba ang tamang oras para sabihin ko kay Mama?
"Ma mas mabuting kay Amanda mo nalang po itanong, ayoko po kasing sa akin manggaling. Pasensya na po." Sabi ko.
"Ok last question ko na ito, may nakikita kabang pagkakaparehas ni Amanda at ni Sab? Or kahit kay Elizabeth?" Tanong ni Mama, I think nahahalata na din ni Mama dahil ngayon lang kami ulit nagkasama sama kaya ngayon nya lang din napansin na parang may iba sa pagkatao ng faje na Sabrrina na iyon.
"Wala po akong nakikita na pagkakaparehas nila, siguro Ma dahil matured na si Sab kaya hindi natin makita yung ibang pagkakahawig nila Tita Elizabeth kay Sab. Bakit nyo po naitanong Ma?" Pagpapalusot ko.
Nahalata na talaga ni Mama na parang may iba sa Sabrrina na iyon. Sana malaman na nila Tita Elizabeth yung totoo, gusto ko mang sabihin kay Mama yung totoo pero ayoko namang sirain yung promise ko kay Amanda.
"Wala lang, para kasing may iba kay Sab. Tara nalang sa loob at tulungan natin sila Amanda na mag ayos ng kakainan natin." Sabi ni Mama at hinila na nya ako papasok sa resthouse.
Pagpasok namin sa rest house naabutan namin ni Mama na magkayakap si Tita Elizabeth at Sab.
Napaka galing talagang magpanggap ng babaeng yon, imbis na tumutulong sya sa kitchen nagpapakasarap sya. Malayong malayo talaga sya kay Amanda at Andrew.
"Girl saan kaba galing?" Tanong sa akin ni Pat.
"Jan lang sa dalampasigan sinamahan ko si Mama na magpahangin." Sabi ko at tinulungan ko na silang mag ayos ng table.
"Gab nakita mo ba sila Mommy?" Tanong ni Amanda.
"Nasa living area sila kanina." Sabi ko.
"Samahan mo naman ako oh." Sabi ni Amanda.
"Sure." Sabi ko at iniwanan na namin si Patrick na mag ayos ng table.
Pagdating namin sa living area naabutan pa din namin na nakayap si Sab kay Tita Elizabeth kaya naman tinignan ko si Amanda at tinanong ko sya ng "Ok ka lang?" Bigla kasi syang napatigil ng makita nya sila Tita Elizabeth at Sab na magkayakap.
"Yes, ok lang ako. Samahan mo nalang ako sa kwarto." Sabi nya at nagpunta na kami sa kwarto.
Pagpasok namin sa kwarto agad namang humiga si Amanda, I know nagseselos sya dahil sa nakita nya.
"Ang kapal ng mukha." Mahinang sabi nya pero narinig ko yon. Nilapitan ko sya at sinabing, "Sabihin na kaya natin ang totoo? Nahihirapan kana Amanda. Ikaw dapat yung nandon at hindi yung fake na Sabrrina na yon."
"Hindi ganon kadali yon Gab, nahanap lang talaga ako ng magandang oras para sabihin yung totoo."
"Magandang oras Amanda? Kailan kapa makakahanap ng magandang oras? Kapag huli na ang lahat? Kapag napalapit na talaga ng tuluyan ang Mommy mo sa fake na Sabrrina na iyon.Pinapahirapan mo lang yung sarili mo Amanda! Wake up!" Inis na sabi ko.
"Sa tingin mo kapag sinabi ko yung totoo na hindi ayon si Sab magiging maganda pa din yung pakikitungo sa akin ni Mommy? Baka kapag nalaman pa ni Mommy yung totoo bumalik na naman yung dati. Baka itakwil nya na naman ako kagaya ng dati."
"Hindi na magagawa ni Tita yon dahil nagbago na sya Amanda, iba na sya, hindi na sya yung dati na Mommy mo na mahilig manakit." Sabi ko.
"Kung madali lang sanang gawin yung pinapagawa mo Gab, matagal ko na sigurong nagawa yon." Sabi nya sabay punas ng luha nya.
"Kung mahahanap lang talaga agad natin si Sabrrina, yung totoong Sabrrina edi sana hindi tayp nagkakaganito." Sabi ko.
"Sana kasi hindi sya bumitaw sa kamay ko noong mga araw na iyon edi sana masaya kami ngayon at walang nakikisali."
"Nasaan na ba kasi yung totoong Sabrrina?" Tanong ko.
"Hindi ko din alam." Mahinang sabi ni Amanda.
Niyakap ko nalang si Amanda dahil alam ko na ayon ang tangi nyang kailangan, naawa na ako kay Amanda dahil alam ko na gusto nya na ulit na mabuo ang pamilya nya at bumalik ang dating sigla ng pamilya nila.
Buti nalang at nagkaroon ng time si Amanda sa pamilya nya. Wala na din nanggugulo kay Amanda dahil effective yung plano ko na pagtanggal ng number ni Amanda sa phone ni Tita Rebeca.
Habang yakap ko si Amanda ramdam ko yung bigat ng paghinga ni Amanda. Gusto ko na talagang malaman nila yung totoo pero mas maganda na siguro na kay Amanda talaga manggaling kesa sa akin.
"Magiging maayos din ang lahat." Bulong ko kay Amanda.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉