5

343 10 0
                                    

Gabriela's POV

Habang nanonood kami ng sunrise hindi maiwasang hindi maisip ang sitwasyon ni Amanda. Ilang years na kaming magkakilala ni Amanda pero ni minsan never ko syang nakitang masaya, yung tunay na saya. Palagi nalang syang umiiyak gabi gabi. I know hindi nya ginustong mawala si Sab, walang may gusto nung nangyari.



Palagi nalang sinasabi ni Amanda na ayos lang  sya pero hindi naman talaga. Kilala ko si Amanda alam kong hindi sya masaya kahit sabihin nyang masaya sya.





"Gab yung phone mo nagriring."  Sabi ni Pat.





Tumayo ako at lumayo ako sa kanila, si mama yung tumatawag sa akin.





"Ma nandito na po kami." Sabi ko kay mama.




"Mabuti naman at hindi kayo natraffic."






"Kaya nga po eh, mabuti at maaga po kaming umalis." Sabi ko.







"Anak si Amanda kamusta na?" Tanong ni mama.






"She's not ok ma." Sabi ko.






"Why?"






"Sinaktan na naman sya ni Tita Elizabeth last night kaya napa aga ang sundo namin kay Amanda last night."





Narinig ko namang nagmura si mama. Ayaw ni mama na marinig at makitang sinasaktan si Amanda dahil hindi deserve ni Amanda ang masaktan.








"Kinausap ko na yang nanay ni Amanda na wag na wag nya ng sasaktan pang muli si Amanda. Sinasagad talaga ako nyang ni Elizabeth." Galit na sabi ni Mama.








"Ma huminahon ka muna please baka mamaya mapaano ka jan."






"Paano ako hihinahon kung nalaman ko na namang sinaktan ng magaling kong kaibigan ang anak nya. I will call you Tita Aileen at pupuntahan namin yang si Elizabeth." Sabi ni mama.






"Ma hayaan na muna natin, isa pa nakita na nila si Sab baka pagbalik namin ayos na ang lahat." Sabi ko.






Huminga ng malalim si mama tsaka ulit sya nagsalita, "Ok palalagpasin ko muna sya ngayon, kapag nalaman ko na namang sinaktan nya si Amanda, sapilitan kong kukunin si Amanda sa kanila kahit hindi kami magkadugo." Banta ni mama.







Ramdam ko yung galit ni mama kay Tita Elizabeth, ayaw na ayaw ni mama na may taong nasasaktan lalo na kung malapit ito sa pamilya namin.







"Ma, malapit na po pala ang birthday ni Amanda." Sabi ko.







"Ok kami na ang bahala ng papa mo, mamimili na kami ng mga ihahanda natin para sa birthday ni Amanda bago kami pumunta jan." Sabi ni Mama.






"Ma may ipapabili po sana ako sayo na para kay Amanda."







"What is it?"  Tanong ni mama.








"Necklace po sana, isesend ko nalang po sa jewelry shop yung design then paki pick up nalang po at pakibayaran na din hehehehe." Tumatawang sabi ko kay mama.






"Ok, no problem basta para sainyo."







Nagpaalam na ako kay mama at binalikan ko na si Pat at Amanda na kakatapos lang maghabulan, parang mga bata talaga.








Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon