Samantha's POV
Parehas kaming hindi nakatulog ng maayos ni Mommy dahil sa nangyari kagabi sa may dalampasigan. Kamukhang kamukha nya talaga si Ate Amanda ang nagkaiba lang eh may peklat sya sa may noo at mahaba lang ng kaunti ang buhok nya kesa kay Ate Amanda.
Iyak ng iyak si Mommy kagabi at hindi ko alam kung paano sya patahanin. Naaawa ako kay Mommy dahil alam kong sabik na sabik sya kay Ate. Baka talaga hindi si Ate Amanda yon, baka kamukha nya lang talaga.
Gusto kong bumalik sa lugar kung saan namin nakita ang kahawig ni Ate kaso baka magalit lang yung babae kapag nagpumilit akong makipagusap sa kanya. Si Mari nalang ang tanging pag asa para makausap namin yung kahawig ni Ate.
"Anak puntahan ulit natin yung babae, gusto ko syang makausap please."
"Mom alam mo naman pong hindi pwede, baka makasuhan pa tayo kapag nagpumilit tayo na makipag usap don sa babaeng kahawig ni Ate." Sabi ko.
Iniwan ko muna si Mommy sa kwarto at bumili ako ng pagkain namin pang breakfast. Hinihintay ko din si Ate Gab dahil kinwento ko yung nangyari kagabi sa amin. After kong mag order ng pagkain namin ni Mommy nakasalubong ko si Mari na naglalakad lakad kasama ang aso nya.
"Good morning Ate Ganda!" Masayang sabi sa akin ni Mari.
"Good Morning Mari, tara breakfast tayo kahapon kapa hinahanap ni Mommy."
"Talaga Ate hinahanap ako ni Mommy Sexy?" Masayang tanong nya.
"Oo naman, kaya tara na sa hotel." At hinawakan ko na ang kamay nya at sabay kaming naglakad papunta sa hotel na tinutuluyan namin.
Pagdating namin sa kwarto namin ay naabutan namin si Mommy na nagbibihis at mukhang lalabas sya. " Mom saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Pupuntahan ko yung Ate mo."
"Mommy mamaya nalang po tsaka kasama ko din si Mari ngayon oh iiwanan mo kami?"
"Good morning Mommy sexy!" Bati ni Mari kay Mommy at niyakap nya ito.
"Ok mamaya nalang." Sabi ni Mommy at tinulungan nya nalang akong mag ayos ng pagkakainan namin.
Ayoko munang palabasin si Mommy hanggat wala pa si Ate Gab at Kuya Andrew. Natatakot kasi ako baka mamaya biglang magwala si Mommy hindi pa naman ako maalam magpakalma ng mga tao.
"Mari matagal mo na bang kilala yung Ate Claire mo?" Tanong ni Mommy.
"Hindi naman po masyado, halos kakalipat ko lang din po kasi dito eh, pero sabi ni Nana matagal na daw pong nakatira dito sila Ate Claire pero nagpunta daw po sila sa America at nagstay po doon ng ilang taon tapos ayun bumalik din sila dito." Kwento sa amin ni Mari.
"Kilala mo ba kung sino yung Mommy at Daddy ni Ate Claire mo?" Tanong ulit ni Mommy.
"Si Ms. Bec po yung Mommy nya tapos yung Daddy nya hindi ko po kilala, bakit nyo po naitanong?"
"Wala lang trip lang ni Mommy magtanong, sige na kumain kapa." Sabi ko.
Ilang saglit lang ay nakatanggap ako ng message galing kay Kuya malapit na daw sila sa hotel.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉