58

248 10 0
                                    

Samantha's POV



Nandito ako ngayon sa burol ni Ate Amanda, yes alam ko na ang totoo kaya ako nawala dahil hinanap ko muna yung sarili ko at inalam ko yung buong pagkatao ko. Ako pala ang tunay na Sabrrina at hindi talaga Samantha ang pangalan ko.







Magmula ng pumasok ako sa office ni Tito Chrostopher doon ko napagtanto na ako pala si Sabrrina na anak nila dahil sa picture na nakita ko sa office. Kamukhang kamukha ko yung picture na nasa office ni Tito Chrostopher at alam ko sa sarili ko na ako yon noong bata pa ako.






Nagtago ako ng ilang linggo para dahil gusto ko talagang alamin ang lahat tungkol sa buong pagkatao ko, naghire ako ng private investigator at pinaimbestigahan ko lahat lahat ng tungkol kala Ate Amanda.









Kaya pala umpisa palang magaan na ang loob ko kay Ate Amanda at hindi lang kay Ate Amanda kundi kala Kuya Andrew,Mommy Elizabeth at Daddy Christopher.






"Sam saan ka nanggaling? Alam mo bang ilang linggo kana naming hinahanap?" Sabi ni Gab.







"Nagbaksyon lang ako." Sabi ko.









Tumabi sa akin si Gab at kinwentuhan nya ako tungkol sa mga nangyari noong wala ako. "Alam mo bang pagdating ni Amanda dito sa Pilipinas ikaw agad ang una nyang hinanap, nagpunta kami sa restaurant nyo, at pati na din sa bagong unit mo pero wala ka. Sayang lang at hindi mo sya naabutan, gustong gusto ka nyang makita."








"Gustong gusto ko din syang makita pero nahuli na ako. Umalis na sya at wala ng kasiguraduhan kung babalik pa ba sya" Malungkot na sabi ko.









"Mahal na mahal ka ni Amanda alam mo ba iyon?"








"Alam ko dahil ayon yung lagi nyang pinaparamdam sa akin, mamimiss ko yung mga yakap at pangingiliti nya sa akin." Umiiyak na sabi ko.






Sayang lang talaga dahil nahuli ako ng dating, kung sana ay lumutang agad ako edi sana buhay pa ngayon si Ate Amanda.









"Wala syang ibang bukang bibig kundi ikaw Sam."









Umiyak lang ako ng umiyak dahil ayon ang alam kong tanging paraan para gumaan ang pakiramdam ko.







Nakatingin lang ako kay Mommy at Daddy, gusto kong sabihin sa kanila ang lahat ng totoo pero paano ko gagawin yon kung meron na akong kapalit? Gusto ko silang yakapin ng mahigpit at sabihing Mommy, Daddy nandito na po ako pero paano ko gagawin yon? Naguguluhan na ako.







"Sana pala bunalik nalang ako dito sa Manila." Sabi ko kay Gab.








Habang nakaupo kami ni Gab biglang dumaan yung pekeng Sabrrina sa gilid namin at niyakap nya si Mommy at Daddy. Ako dapat yung nandon pero wala akong ibang magawa kundi ang panoorin nalang yung pekeng Sabrrina na yon na inaagaw ang Mommy at Daddy ko.








Mas lalong lumakas ang buhos ng luha ko dahil sa nakikita ko ngayon. 







"Gab diba matalik na kaibigan mo si Amanda?" Tanong ko.







"Oo, magmula bata kami na ang magkasama, kapatid na ang turing ko sa kanya dati palang. Bakit mo naman naitanong?"







"Pwede bang lumabas tayo sandali?" Tanong ko ulit.







"Sure." Sabi nya at sabay kaming lumabas.







Nagpunta kaming dalawa ni Gab sa kotse ko at doon kami nag-usap.







"Sam bakit mo ako dinala dito?" Tanong ni Gab.








"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung sasabihin ko pero sana maniwala ka sa akin."








"Ano ba kasi yon Sam? kinakabahan tuloy ako." Sabi ni Gab.







"About sa pagkatao ko."








"Wait, wag mong sabihing tomboy ka?" Tumatawang sabi ni Gab.









"Gab seryoso ako, please makinig ka sa akin alam kong ikaw nalang ang makakatulong sa akin."









"Okay game, sabihin mo na yung sasabihin mo at makikinig na ako."













"Four weeks ago dinala ako ni Kuya Andrew sa bahay nila dahil ako yung sinama nya na kumain sa labas dahil nasa San Francisco ka that time. Pagdating namin sa bahay nila pinapunta ako ni Tito Christopher sa office nya para makipagkwentuhan at pagpasok ko sa office ni Tito nakita ko yung lumang family picture  nila."








"Anong meron sa family picture nila?" Nagtatakang tanong ni Gab.









"Yung batang nandon at ako ay iisa." Sabi ko at hinawakan ni Gab ang kamay ko.









"Alam ko nayon na ikaw at si Sabrrina na nawawalang anak nila ay iisa. Alam mo ba noong Birthday ni Tita Elizabeth naisipan namin na pasukin yung rest house nyo kasi nagbabakasakali kami na baka nandon ka. That time nagdadalawang isip kami ni Amanda na sumunod kay Pat sa loob pero may nagtutulak talaga sa akin na pumasok na kami. Hindi ko alam kung bakit ako umakyat sa taas at pinasok ko yung isa sa mga kwarto doon. Alam mo kung ano yung ikinagulat ko? Yung photo album na nakapatong sa center table binuksan ko yon at nakita ko yung mga laman non. That time sobrang saya ko kasi nahanap ko yung tunay na Sabrrina pero hindi ko sinabi muna kay Amanda yon dahil gusto ko syang isurprise pero huli na ang lahat, wala na si Amanda." Kwento ni Gab.











Niyakap ko si Gab at sinabing, "Tulungan mo akong malaman nila Mommy at Daddy ang totoo. Tulungan mo akong mahanap yung necklace ko na may picture ko noong bata pa ako. Alam kong nahulog sa kwarto ni Ate Amanda yon dati pero hindi ko na ulit nakuha dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya dati. Gab tulungan mo ako."








"Tutulungan kita basta para sainyo ni Amanda." Bulong sa akin ni Gab.










Ate malapit ng malaman nila Mommy at Daddy ang totoo, sana maging masaya ka kung nasaan ka man ngayon. Mahal na mahal kita.








Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon