59

240 10 0
                                    

Elizabeth's POV




Nandito pa din kami funeral homes at huling araw na ni Amanda ngayon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, nagsisisi ako sa nagawa ko kay Amanda dahil ilang beses ko na syang nasaktan. Sana pala hindi ko sya sinampal edi sana hindi sya umalis at hindi sana sya naaksidente. Wala sana kami ngayon dito sa funeral homes.





Gusto kong paniwalain ang sarili ko na buhay pa si Amanda at hindi sya ang nakahimlay ngayon dito sa kabaong na nasa harapan ko pero paano ko paniniwalaan yon kung ako mismo ang nakakita kung paano narecover ang bangkay ni Amanda.








Matagal man ang naging operasyon bago makuha ang bangkay ni Amanda kitang kita ko kung paano nila hinila ang katawang sunog ni Amanda papalabas sa kotseng gamit nya. Tanging yung mga gamit na dala ni Amanda at yung necklace  na bigay ng daddy nya ang naging basehan namin para matukoy na si Amanda talaga yung babaeng nasunog.





Pinili naming wag pabuksan ang kabaong dahil sunog na sunog ang katawan ni Amanda. Hindi na namin sya makilala dahil grabe ang pinsalang natamo nya.





Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak nalang, nawala na talaga ng tuluyan ang anak ko, nawala ko na ng tuluyan si Amanda.







Ngayon nakatayo si Sam sa harapan namin dahil gusto nyang magbigay ng last message kay Amanda.






"Gusto kong magthank you sayo Amanda kasi andami kong natutunan sayo, kung paano ka lumaban sa buhay mo at ayan ang isa sa mga bagay na hinahangaan ko sayo. Sobra kitang hinahangaan Amanda lalo na kung paano mo minamahal ang pamilya mo. Thank you kasi hindi mo pinagdamot sa akin yung pagmamahal mo, thank you kasi tinuring mo ako hindi lang basta kaibigan kundi bilang isang kapatid na din. Thank kasi nakilala kita. Mahal na mahal kita Amanda. Hanggang sa muli nating pagkikita!"  Umiiyak na sabi ni Amanda at bumalik na sya sa pwesto nila Charlotte.







"Amanda thank you sa lahat ng bagay na itinuro mo sa amin, napakadami mong pinagdaanan na laban pero nalagpasan mo yung iba. Thank you for your unconditional love. Thanks for being there for me when I really needed you. I appreciate you so much Amanda.You inspired me during a difficult time when I needed words of encouragement. Hinding hindi ka mawawala sa puso ko Amanda. Mahal na mahal din kita." Sabi ni Gab.






Halos lahat ng mga malalapit kay Amanda ay nagsalita sa unahan. Tanging ako nalang ang hindi pa nakakapagsalita sa harapan. Bago ako tumayo at magsalita ay huminga ako ng malalim.





"Anak alam kong huli na ang lahat para marinig mo itong sasabihin ko sayo. I'm so sorry kung hindi ko nagawa yung best ko para maalagaan ka ng maayos. Sorry sa lahat ng nagawa kong pagkakamali sayo. I'm really sorry for hurting you. I am sorry for letting you down before. Sorry kung hindi ako naging perfect mother sayo. Alam mo bang sobrang proud ako sayo? Sobrang tatag mo anak dahil sa dami ng pinagdaanan natin never kitang nakita na sumuko. Lumaban kapa din anak kaya sobrang proud ako sayo. I'm sorry for giving up at times when you needed me most, basta mahal na mahal kita anak. Sorry sa lahat." At bumuhos na naman ang luhang kanina ko pa pinipigilan.





Ayokong ihatid si Amanda sa libingan dahil hindi pa ako handa at hindi pa din ako makapaniwala na si Amanda ang nakahimlay sa kabaong na nasa harapan ko.






Lumapit sa akin si Gab at nagkwento sya about kay Amanda. "Alam mo Tita mahal na mahal ka ni Amanda, never ka nyang nakalimutan lalo na noong nasa San Francisco sya. Nahuli ko sya one time na tinitignan nya isa isa ang mga pictures mo sa phone nya. Lagi nyang bukang bibig na naguguluhan sya pero alam ko na sinasabi ng puso nya na mahal na mahal ka pa din nya sa kabila ng mga nangyari sa inyong dalawa. Yung binigay nya sayong gift sya mismo ang nagdesign non Tita dahil gusto nya na kakaiba ang ibibigay nya sayo kasi special ka para sa kanya."







"Mahal na mahal ko din si Amanda ang kaso lang nagpatong patong yung problema namin pero kahit kailan never nawala yung pagmamahal ko para sa kanya. Siya lang ang nag iisang butter scotch ko at walang kahit sino man ang makakapalit sa posisyon ni Amanda dito sa puso ko."







"Tita Sana naniwala nalang kayo sa sinabi ni Amanda last time, totoo naman kasi yung mga sinasabi nya eh hindi lang talaga kayo naniwala." Malungkot na sabi ni Gab. "Diba gusto mong malaman yung katotohanan? Nalaman mo na po yung katotohanan Tita pero hindi ka naniwala sa sarili mong anak. Totoo lahat ng ibinunyag ni Amanda Tita fake na Sabrrina ang kasama nyo, hindi nyo sya anak talaga Tita."







"Naguguluhan ako Gab please wag ka munang sumabay." Sabi ko.







"Okay fine kung ayaw mo pong maniwala sa sinasabi namin  ayos lang po Tita basta nasabi na namin yung katotohanang gusto mong malaman last time." At iniwanan na ako ni Gab sa pwesto ko.







Kung hindi si Sabrrina na tunay kong anak ang kasama namin ng ilang taon,  nasaan ang tunay na Sabrrina? Naguguluhan na ako.









Nang makaramdam ako ng antok ay lumabas ako ng funeral homes at sumakay muna ako sa sasakyan para matulog kahit sandali lamang, ang daming gumugulo sa isip ko ngayon hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.









Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon