Andrew's POV
Halos lahat kami ay hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Amanda, lasing lang talaga siguro sya kaya nya nasabi ang mga ganong bagay.
Imposibleng hindi ko kapatid ang kasama naming Sabrrina ngayon dahil magkakasama kami noong nagpaDNA test sila nila Mommy at Daddy, kasama din ako noong kinuha namin yung result at legit na kapatid ko ang kasama naming Sabrrina ngayon.
"Are you ok sweetie?" Tanong ni Mommy kay Sab na kanina pa umiiyak dahil siguro sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Amanda.
"Christopher kausapin mo yang si Amanda, hindi tama yung ginawa nya sa kapatid nya." Sabi ni Mommy.
Biglang sumagot si Sab ng "Ayos lang po Mommy wag nyo nalang pong kausapin si Ate, lasing lang po talaga sya kaya nya nagawang sampalin ako."
"Hindi anak, kailangan kausapin ko ang Ate mo." Sabi ni Dad.
Palabas na sana si Daddy ng biglang pumasok si Gab at tinanong ko sya, "Nasaan si Amanda?"
"Umalis na." Sabi ni Gab.
"What? Bakit mo hinayaang makaalis sya alam mo namang nakainom yon." Inis na sabi ko.
"Sa tingin mo mapipigilan ko pa sya matapos ng nangyari kanina? Sinubukan ko syang pigilan pero ayaw nyang magpapigil." Iritableng sabi ni Gab at nagpunta na sya sa kwarto nila.
"Dad pahiram ng susi ng sasakyan, susundan ko lang si Amanda baka hindi pa sya nakakalayo at baka maaksidente sya." Natatarantang sabi ko.
"Sasama ako." Sabi ni Daddy.
"No Dad, ako nalang po mag isa. Samahan mo nalang sila mommy sa kwarto at magpahinga na kayo. Pagbalik ko kasama ko na si Amanda." At ibinigay naman agad ni Dad yung susi ng sasakyan.
Habang nagdadrive ako sinubukan kong tawagan si Amanda pero pinapatay nya yung tawag ko.
"Please answer your phone Amanda!" Inis na sabi ko habang tinatawagan ko sya ng paulit ulit.
Nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi nya pa din sinasagot at patuloy nya akong binababaan ng phone. Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo ng sasakyan para maabutan ko talaga sya.
Tinawagan ko ulit sya at mabuti nalang ay sinagot nya ito. "Amanda itigil mo yung sasakyan mo sabihin mo sa akin kung nasaang lugar kana, please huminto ka." Pagmamakaawa ko.
"Para saan pa kuya? Halos lahat kayo nabulag na sa kasinungalingan ng babaeng yon. Hindi na ako babalik at hinding hindi nyo na ako makikita pang muli." Magsasalita pa sana ako pero huli na ang lahat binaba na nya yung phone nya pero sinubukan ko pa din na tawagan sya pero out of coverage na yung phone nya.
"Bwisit!" Inis na sabi ko, sana maabutan ko si Amanda.
Habang papabilis ng papabilis ang pagpapaandar ko ng sasakyan unti unti ko ng natatanaw ang sasakyan ni Amanda kaya naman binusinahan ko ito, mabuti na lang at walang masyadong sasakyan.
Busina lang ako ng busina hanggang sa binilisan din ni Amanda ang pagpapatakbo ng sasakyang minamaneho nya. Hanggang sa isang iglap nabundol ng 10 wheeler truck ang sasakyan ni Amanda at nagpaikot ikot ito sa kalsada hanggang sa bumagsak ito sa bangin kaya napasigaw ako sa gulat ng mahulog ito sa bangin.
"Amandaaaaa!" Agad kong itinigil ang sasakyan na gamit ko sa gilid ng kalsada.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak at tignan ang nagliliyab na sasakyan ni Amanda, gusto kong bumaba sa bangin pero hindi ko alam kung papaano ko gagawin yon, gusto kong iligtas ang kapatid ko pero wala akong magawa.
"Tumawag kayo ng rescue!" Umiiyak na sigaw ko.
Tumakbo ako papunta sa sasakyan ko para kunin yung phone ko. Dinial ko yung number ni Daddy dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
"Anak nasundan mo ba si Amanda?" Tanong ni Dad pero tanging hikbi lang ang naisagot ko. "Hey bakit ka naiyak?" Tanong ulit ni Dad.
"Andrew answer me!" Galit na sabi ni Daddy.
Sinubukan kong kumalma kahit sandali lang para makausap ng maayos si Dad huminga ako ng malalim bago magsalita. "Dad si Amanda po."
"Anong si Amanda? Anong nangyari?" Inis na sabi ni Daddy.
"Nahulog yung sinasakyan nya sa bangin." At bumuhos na ulit ang luha ko sabay patay ng tawag.
Nandito pa din ako sa gilid ng bangin at tinitignan ko ang sasakyang nagliliyab. Alam kong imposible na makaligtas si Amanda dahil sunog na sunog na yung sasakyan at yupi yupi dahil sa pagkakahulog nito.
Dumating nadin ang rescue at binubuhusan nila ng tubig yung sasakyan para hindi na lumaki lalo yung apoy.
"Sir hanapin nyo po yung kapatid ko." Umiiyak na sabi ko.
"Sir mukhang imposible na pong mabuhay pa yung kapatid nyo dahil sa sama ng pagkakabundol at pagkakabagsak nito sa bangin, nagliyab pa po ang sasakyan nya sir, gagawin po namin ang lahat para marecover agad ang bangkay ng kapatid mo." Dahil sa sinabi ni kuyang nagrerescue mas lalo akong nanlambot. Hindi pwedeng mamatay ang kapatid ko, hindi sya pwedeng mawala sa amin.
Mayamaya pa ay dumating na din sila Daddy, Mommy at si Tita Charlotte, "Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Mommy.
"Mommy wala na si Amanda." Umiiyak na sabi ko.
"No! Nasaan sya! Hindi pa patay ang anak ko! Hindi pa patay si Amanda!" Sigaw ni Mommy kaya niyakap ko nalang sya.
Si Daddy naman ay kinakausap nya ang mga rescuer, hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari kay Mommy dahil sa nangyari kay Amanda.
Paulit ulit na sinasabi ni Mommy na hindi pa patay si Amanda, sana nga hindi pa sya patay pero imposibleng mabuhay pa sya dahil sa sinapit nyang aksidente.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉