Amanda's POVMalapit ng magdilim pero nandito pa din kami nila Tita sa mall, magdidinner daw muna kami bago nila ako ihatid sa bahay.
"Amanda where do you want to eat?" Tanong sa akin ni Tita Charlotte.
"Sa paborito nalang po nating restaurant Tita." Sabi ko.
Habang naglalakad kami nila Tita biglang nagring ang phone ko, si Daddy natawag sa akin. "Tita wait lang po sagutin ko lang si Dad."
"Sige hintayin ka namin dito." Sabi ni Tita Charlotte.
Sinagot ko na yung tawag ni Daddy. "Hello Dad?"
"Where are you?" Tanong ni Daddy sa akin.
"Nasa mall po kasama sila Tita Charlotte." Sabi ko.
"Pwede bang umuwi kana ngayon? Aalis kasi ako eh, gusto kong makita muna kita bago ako umalis ng bahay." Sabi ni Dad
"Saan po ba kayo pupunta?"
"Susunod ako kala Tito Leandro mo. Magpahatid kana ngayon kala Tita Charlotte mo ok?"
"Yes Dad!"
"Ok! Ingat kayo. I love you."
"I love you too Dad!" Binaba ko na yung tawag.
Lumapit ako kala Tita Charlotte "Anong sabi ng Daddy mo?" Tanong ni Tita.
""Pinapauwi na po ni Daddy dahil susunod daw po sya kala Tito Leandro, gusto daw po akong makita ni Dad bago sya umalis ng bahay." Sabi ko.
"Sige magtake out nalang tayo,tapos sa kotse nalang natin kainin." Sabi ni Tita Charlotte.
Pumasok agad si Tita Aileen sa restaurant at nagorder na din sya. After 15 minutes nakuha na din ni Tita yung pagkain namin.
"Tara na sa parking lot." Sabi ni Tita Aileen.
"Tita ako na po ang magmamaneho." Sabi ni Gab.
Habang nasa byahe kami patungo sa bahay namin ay kumakain din kami. Si Gab ay sinusubuan ni Tita Charlotte.
"Amanda anong oras ka pala namin susunduin bukas?" Tanong sa akin ni Tita Charlotte.
"Magpapaalam po muna ako kay Daddy, message ko nalang po si Gab or Pat kung anong oras." Sabi ko.
"Ok." Sabi ni Tita.
After 25 minutes nakarating din kami sa bahay, hindi na bumaba sila Tita dahil gabi na din daw baka magtagal pa sila.
"Thank you Tita's! Gab and Pat! Bukas nalang, Good night!" Sabi ko at kiniss ko silang apat.
"Bye!" Sabi ni Gab at Pat.
"Amanda, tawagan mo nalang kami kapag nagkaproblema ha." Sabi ni Tita Aileen.
"Yes Tita, I will!"
"Sige na pumasok kana sa loob, kanina ka pa siguro hinihintay ng daddy mo. Bye!" Sabi sa akin ni Tita Charlotte.
Hinintay nila akong makapasok sa bahay bago sila umalis ng tuluyan.
Pagpasok ko ng bahay bukas ang lahat ng ilaw, dahan dahan akong naglakad patungo sa hagdan pero nakita agad ako ni Daddy.
"Amanda!"
"Sh*t." Malakas na sabi ko.
"Watch your word!" Galit na sabi ni Daddy.
"I'm sorry Dad, nagulat lang po ako. Hindi na po mauulit." Sabi ko.
"Kumain kana ba?" Tanong ni dad.
"Yes po, nagtake po kami nila Tita." Sabi ko.
"Tara sa dining area kanina kapa hinihintay ng mga kapatid mo at ng mommy mo." Sabi ni Dad.
"P--po?" Utal na sabi ko.
"You heard me right?" Sabi ni Dad kaya naman hinila nya ako papunta sa dining area.
Pagdating namin sa dining area nakaupo na sila Kuya at Sab pati na din si Mommy. Mukhang ako nalang talaga ang hinihintay nila.
"Ate let's eat!" Sabi ni Sab at nginitian ko nalang sya.
Tumabi ako kay Kuya dahil doon naman talaga ang pwesto ko.
"Saan ka galing?" Mahinang tanong ni Kuya.
"Nagmall kami nila Tita." Sabi ko.
"Sab lead the prayer." Seryosong sabi ni mommy.
"We thank You Lord, for all you give; the food we eat, the lives we live; and to our loved ones far away, please send your blessings, Lord we pray. And help us all to live our days with thankful hearts and loving ways. Amen."
Lahat ng nakahain ay paborito ko, nilagyan ako ni Kuya ng ulam at kanin sa plato ko pero hindi ko ito ginagalaw.
"Masamang pinaghihintay ang pagkain." Seryosonf sabi ni Mommy.
"Busog pa po kasi ako tsaka kakatapos lang din po namin kumaim nila Tita Charlotte, mamaya nalang po siguro ako kakain." Sabi ko at tumayo na ako.
"Hinanda namin lahat ng gusto mo tapos hindi ka kakain Amanda?" Sabi ni Mommy kaya natakot ako bigla.
"Hayaan mo na sya Elizabeth, busog pa sya wag nating pilitin, sige na Amanda umakyat kana sa kwarto mo." Sabi ni Dad kaya naman tumakbo na agad ako palabas ng dining area. Kinuha ko muna yung mga gamit ko na nasa hagdanan tsaka ako umakyat sa kwarto ko.
Nilock ko yung pintuan ng kwarto ko para walang ibang makapasok. Hindi ko na binuksan yung ilaw dahil sapat na yung liwanag na ng gagaliling sa labas.Hinagis ko yung mga gamit ko at nagpunta ako sa CR para magshower.
Bawat buhos ng tubig na nagmumula sa shower ay sinasabayan naman ito ng mga luha ko.
Akala ko maayos na ang lahat pagbalik ko, ganon pa din pala.
Pagtapos kong magshower ay nagbihis na agad ako ng pantulog ko at humiga na ako sa kama ko. Hindi na ako nag abalang magpatuyo pa ng buhok. Bahala na kung magkasakit ako.
Sana pala hindi na muna ako umuwi, malulungkot na naman ako dito sa bahay nato.
Sana mawala na itong takot at lungkot na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉