Gabriela's POV
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina sa resthouse nila Sam, sana nga totoo yung nakita ko at hindi imahinasyon lamang. Ayaw mawala sa isip ko yung nakita ko kanina hanggang ngayon paulit ulit pa din na bumabalik sa isip ko yung nakita ko kanina.
"Ang lalim ng iniisip mo love." Sabi ni Andrew sa akin.
"Namiss kita." Pag iiba ko ng usapan.
"Namiss din kita, hindi ka pa din nagbabago magaling ka pa din maglaro ng volleyball. Ikaw lang talaga ang nag iisang MVP ko."
"At ikaw lang din ang nag iisang MVP ko." Sabi ko.
"Saan pala kayo galing kanina at nagtatakbuhan pa kayo nila Amanda at Pat." Tanong ni Andrew.
"Nagpunta kami sa rest house nila Sam nagbakasakali lang kami na baka nandon sya pero wala naman pala." Sabi ko.
"Nakakamiss yung batang iyon, alam mo ba nagdate kaming dalawa noong nasa San Francisco ka. Siya yung sinama ko dahil no choice na talaga ako, wala naman si Sab noon sa bahay kaya si Sam ang nahila ko." Kwento ni Andrew.
"Tama ka nakakamiss nga si Sam, walang masyadong nangungulit sa atin. Siya ang nag iisang fan ng love team natin." Sabi ko sabay tawa.
"Alam mo kung wala lang talagang parents yang si Sam matagal na akong nagduda sa pagkatao nya."
"Bakit naman?"
"Kasi unang beses pa lang na nakita ko sya at nakasama ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya." Sabi ni Andrew.
"Kahit sino naman gagaan talaga ang loob kay Sam dahil sobrang bait nyang bata." Sabi ko.
"Gab come here!" Tawag sa akin ni Pat na nasa balcony.
"Love wait lang tawag lang ako ng pinsan ko, panira talaga ng moment." Sabi ko sabay tawa at takbo papunta sa balcony.
"Bakit Pat?" Tanong ko.
"Si Amanda lasing na." Sabi ni Pat.
"Paanong hindi malalasing yan eh nakailang bottle yan ng beer, mahigit lima na ata ang naiinom nya magmula ng bigyan mo kami kanina." Sabi ko.
"Nako Gab awatin mo na yang kaibigan natin baka mamaya kung ano pang gawin nyan." Kinakabahang sabi ni Pat.
Bumaba ako at nilapitan ko si Amanda, "Girl tara na sa kwarto natin madami ka ng naiinom." Sabi ko.
"Hende pa ako lashing Gab."
"Anong hindi ka pa lasing? Hello Amanda Mari naririnig mo ba yang sinasabi mo? Nauutal kana nga sa pagsasalita di ka pa din lasing. Alam mo tara na sa kwarto papaliguan kita di kapa nagbabanlaw magmula kanina." Sabi ko at inakay ko sya pero dala nya pa din yung beer.
"Ubushin ko lang to, lash na talaga ito Gab." Sabi ni Amanda kaya hinayaan ko nalang na ubusin nya ito.
Inakay ko sya papunta sa kwarto namin at nakasalubong naman kami ni Tita Elizabeth.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉