62

240 10 0
                                    

Elizabeth's POV



Mabilis akong natapos magluto dahil tinulungan ako ni Sam at sa totoo lang napaka gaan ng loob ko sa batang yon. Sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti nya nakikita ko si Amanda.



Para syang si Amanda lalo na kapag nagkukwento sya, yung mga halakhak nya parang si Amanda talaga. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko si Amanda sa pagkatao ni Sam.



"I'm home!" Sigaw ni Christopher.





"Hon nandito kami sa kitchen!" Sigaw ko.





Ilang segundo lang ay pumasok na din si Christopher sa kitchen. "Sam nandito ka pala?" Gulat na sabi ni Christopher.




"Hi Tito!" At nakipagbeso naman si Sam kay Christopher.





"Nakita ko kasi sya sa puntod ni Amanda kaya inaya ko na sya na dito na kumain." Sabi ko.





"Well that's good, magpapalit lang ako ng damit." Sabi ni Christopher at iniwan nya na kami ni Sam dito sa kitchen.




Si Andrew kasi sinundo si Gab sa office nito at si Sab naman ay nasa kwarto nya nagpapahinga.





Habang nagkukwento si Sam nakatitig lang ako sa mga mata nya dahil nakikita ko talaga si Amanda sa kanya, hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nakita ang pagkaka parehas nila ni Amanda.






"Tita nakikinig ka po ba?" Tanong ni Sam, napansin nya sigurong nakatulala ako sa kanya.





"Yes nakikinig ako, sige lang magkwento kapa love." Sabi ko.






"Tapos Tita alam mo ba noong nasa Laguna kami nagpunta kami sa Enchanted Kingdom si Ate Amanda sumuka pati na din si Ate Gab at si Pat kaya tawa kami ng tawa ni Kuya Andrew. Sayang nga po at hindi na nasundan yung trip namin eh."





Sukahin talaga si Amanda, naalala ko noong dinala kami ni Christopher sa peryahan sa probinsya sumakay kami sa horror train ewan ko ba kung bakit sumuka si Amanda eh napaka bagal naman ng takbo ng train.






"Tapos after namin magrides nagfoodtrip kami sa harapan ng Enchanted Kingdom kasi madaming nagtitinda doon ng fishball, kwek kwek at kung ano ano pang street foods."





Hindi talaga maarte ang anak ko, kahit anong pagkain kinakain nya talaga.






"Mom?" Sabi ni Sab kaya napatigil sa pagkukwento si Sam.





"Yes anak? May gusto kabang kainin? Hintayin na natin ang Kuya at Ate Gab mo pabalik na din sila." Sabi ko. "By the way binilihan kita ng paborito mong brazo de mercedes mamaya natin kainin after natin kumain ng lunch ok?"

Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon