47

239 9 1
                                    

Amanda's POV


Sobrang excited na akong makasama si Sam at Pat dahil ilang taon din akong nawalay sa kanila, habang papalapit kami ng papalapit sa Restaurant nila Sam mas lalo akong naeexcite, may halong kaba at excitement akong nararamdaman ngayon.





Sana masurprise ko ng bongga si Sam dahil ang laki ng atraso ko sa kanya, umalis ako ng bansa at hindi ako nagparamdam sa kanya ng ilang taon.






"Girl nakangiti ka jan? Para kang loka loka." Sabi ni Gab.







Inirapan ko sya at sinabing "Excited lang akong makita si Sam."





"Nako matutuwa yon kapag nakita ka nya, lagi kaya  akong kinukulit non."







"Ngayon,magsawa sya sa face ko." Pabirong sabi ko kay  Gab.






After 1 hour and 45 minutes nakarating na din kami sa tapat ng restaurant nila Sam.






"Amanda ikaw nalang ang pumasok sa loob, mukhang madaming tao eh."  Sabi ni Gab.






"Sure." Sabi ko at nagmadali na akong bumaba ng sasakyan at pumasol na ako sa loob ng restaurant.





Pagpasok ko medyo madaming customer, mukha talagang masarap ang menu nila dito dahil madaming tao na nakain.






"Hi Ma'am! Table for?" Bati at tanong sa akin ng isa sa mga staff ng restaurant.






"Hello!" Masayang bati ko. "Itatanong ko sana kung nandito ba si Samanta?" Tanong ko.





"Ahh Ma'am ilang weeks na din pong hindi nagagawi dito si Ms. Samantha, ano po bang sadya nyo?" Sabi nya.





"Bibisitahin ko lang sana sya, kaso wala naman pala sya dito. Alam mo ba kung nasaan sya?" Tanong ko.






"Grace sino yang kausap mo?" Sabi ng babae na nasa kitchen.






"Ayy Ma'am Cyn may naghahanap po kay Ms. Sam kaibigan nya po ata." Sabi nung staff.





Lumabas yung babae at nagulat sya sa akin, "Amanda?"





"Hi Tita Cynthia!" Masayang bati ko at niyakap ko sya.





"Kailan kapa dumating?"  Tanong nya.





"Last night lang po." Magalang na sabi ko.





"Halika doon tayo sa office mag usap." Sabi nya at hinawakan nya ako sa wrist at dinala nya ako sa office nya.






Pagdating namin sa office nya nakita ko yung mga pictures na naka display, isa na dito ang toga picture ni Sam.



Pagdating namin sa office nya nakita ko yung mga pictures na naka display, isa na dito ang toga picture ni Sam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Wala pa ding pinagbago si Sam, ang ganda nya pa din." Sabi ko.






"Ikaw din walang pinagbago." Sabi ni Tita. "By the way bakit ka pala napapunta dito?" Tanong ni Tita Cynthia sa akin.






"Susurpresahin ko po sana si Sam kaso wala po pala sya dito, alam mo po ba kung nasaan sya?"






"Nako ilang weeks na ngang hindi napunta yon dito, mukhang busy  sa company nila, try mong puntahan sa office nya or sa unit nya." Sabi ni Tita.





"Ok Tita, sige po mauna na po ako. Thank you po." Sabi ko at niyakap ko sya.





"Sige ingat ka!"






Pagbalik ko sa kotse nila Tita Charlotte nakatingin silang lahat sa akin.




"Nasaan si Sam?" Tanong nila.






"Tita, Tito, pwede po bang puntahan natin si Sam sa office nya at sa unit nya?" Tanong ko.





"Sige, wala naman kaming ibang lakad ni Tita mo eh" Sabi ni Tito.






"Thank you po." Sabi ko.






Pagdating namin sa office ni Sam hinarang kami ng guard.





"Hi Ma'am! Sino pong sadya natin?" Tanong sa akin ni Manong guard.







"Kuya Guard nanjan ba si Samantha?" Tanong ko.





"Sino pong Samantha? Madami po kasing  Samantha dito eh, pasensya na po."





"Samantha Del Rosario po." Sabi ko.





"Ay nako Ma'am, ilang araw na pong hindi napasok  si Ma'am Samantha." Sabi ni Kuyang Guard.






"Ganon po ba, alam nyo po ba kung bakit?" Tanong ko.





"Hindi po eh,pasensya na po."





"Sige po, salamat po." Sabi ko at bumalik na ako sa sasakyan.







"Wala sya?" Tanong ni Tita.






"Opo, sabi po ni Kuyang Guard ilang araw na daw na gindi napasok si Sam."







"Baka may sakit." Sabi ni Gab.







"Puntahan na natin sya sa unit nya,Amanda akin na yung address." Sabi ni Tita at ibinigay ko na ito.







Pagdating namin sa building ng unit ni Gab, nagtanong agad kami sa may lobby, sabi naman ng isang staff don wala si Sam. Nakita nya daw si Sam noong nakaraang araw na may dala dalang mga maleta at nagmamadali.





"Saan kaya nagpunta si Sam?" Tanong ko sa sarili ko.






Bumyahe nalang kami papuntang Batangas, akala ko makakasama ko na ngayon si sam pero wala  naman pala sya sa Laguna.






Pagdating namin sa Rest house nila Gab, dumiretso agad ako sa dalampasiga, mabuti nalang at hindi masyadong maaraw ngayon kaya makakapagstay ako ng matagal dito sa dalampasigan.





Umupo ako sa malacrystal na buhangin at sinulit ko ang masasarap na hangin na humahampas sa mga balat ko. Napakasarap pakinggan ng mga hampas ng alon.





Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga masasayang alaala.





Dito ko nakilala si Samantha at dito din kami nagka ayos ni Daddy, napakasarap ulit ulitin yung mga pangyayaring magaganda dati.



Kailan kaya ulit mauulit yon?




Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon