Elizabeth's POV
Papunta na kami ngayon sa hotel kung nasaan si Samantha at Mari. Masaya kami dahil buo na ang pamilya namin at sinisigurado ko na hindi na kami muling magkakahiwalay.
Pero alam ko sa pag alis namin dito sa Quezon ay may isang tao na malulungkot, malulungkot si Mari dahil iiwanan na namin sya. Gusto ko syang isama sa Manila at ampunin dahil ayokong mangyari kay Mari ang nangyari sa anak ko na si Amanda.
Gusto kong bigyan ng isang maganda at malaking pamilya si Mari, yung mamahalin sya ng buo at tatanggapin maging sino man sya.
"Mommy nasa kwarto na po ba sila Sam at Mari?" Tanong ni Amanda na kanina pa nakayakap sa akin.
"Siguro nasa kwarto na sila kasi kanina nung tumawag ako kay Sam si Mari ang sumagot kasi naliligo pa si Sam." Sabi ko.
"Mommy si Mari pala pwede ba natin syang isama sa bahay natin sa Manila?" Tanong ni Amanda.
"Anak gusto din namin syang isama kaso iniisip lang namin ang parents nya. Dalawin nalang natin si Sam dito every week, ayos lang ba sayo yon?"
"Sige po." Sabi nya.
Habang nasa byahe kami panay ang kwento kay Amanda kung ano ang mga nangyari habang wala sya sa tabi namin. Si Christopher naman tumawa lang ng tumawa.
"Mommy pwede po ba tayong dumaan sa kulungan? Bago sana tayo bumalik ng Manila magpapaalam sana ako kay Tita Rebecca." Sabi nya, nagdalawang isip ako kung papayag ba ako or hindi. Pero para sa ikakabuti ni Amanda papayagan ko nalang sya. Magkakasama naman kami kaya alam kong safe sya.
"Hon daan tayo sa kulungan." Sabi ko at agad naman akong sinunod ni Christopher.
Pagdating namin sa kulungan agad nilang tinawag si Rebecca at dinala ito sa visiting area.
Hinayaan namin na silang dalawa nalang muna ni Amanda ang mag usap pero nasa kabilang table kami sa likod ni Amanda.
Rinig na rinig namin yung pinag uusapan nilang dalawa.
"Amanda I'm so sorry kung nagsinungaling ako sayo, sorry kung tinago ko ang lahat sayo at ipinagdamot kita sa sarili mong mga magulang. Pero maniwala ka mahal na mahal kita bilang anak ko." Umiiyak na sabi ni Rebecca.
"It's okay Tita, nangyari na po ang lahat. Pinapatawad na kita sa nagawa mo. Mahal din po kita bilang isang kaibigan po. Maraming salamat po sa pag aalaga sa akin ng ilang buwan. Salamat po kasi ng dahil sayo may mga bagay akong natutunan sayo na hindi ko pa alam dati. Hanggang sa muli po nating pagkikita Tita! Babalik na po kami sa Manila." Sabi ni Amanda at niyakap nya si Rebecca.
Napakalambot talaga ng puso ng anak ko, nagawa nya pa ding patawarin yung taong gumawa sa kanya ng masama.
"Let's go?" Tanong ko kay Amanda.
"Tara na po." At hinawakan nya ang kamay namin ni Christopher.
Habang papalayo kami kay Rebecca ay tinawag nya ako kaya pinauna ko na sila Amanda at Christopher sa sasakyan. Binalikan ko si Rebecca sa pwesto nila kanina.
"Why?" Tanong ko.
"Sorry sa nagawa kong kasalanan sa inyo, please alagaan nyo si Amanda at wag nyo na ulit syang sasaktan. Mahal na mahal kayo ni Amanda." Sabi nya at iniwanan na nya ako.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉