Amanda's POV
Five days na ang nakalipas magmula ng magkasagutan kami ni Gab, sa totoo lang nagiguilty din ako sa nagawa ko kay mommy, oo mahal ko pa din sya at hindi magbabago yon dahil mommy ko siya.
Natatakot lang ako na ibigay ulit yung tiwala ko baka maulit na naman yung nangyari dati at ayoko na ulit na mangyari yon. Until now hindi pa din sila nagigising sa katotohanan, ang tagal ko ng naghihintay pero ni isa sa kanila hindi pa din nagigising sa katotohanang peke ang kasama nilang Sabrrina.
Naiinis ako sa kanila kasi nagbubulag bulagan sila, gusto kong sabihin lahat pero natatakot ako na baka hindi sila maniwala kaya hinayaan ko nalang na sila mismo ang makadiscover ng panloloko ng Sabrrina na yon.
"Apo ang lalim ng iniisip mo ah." Sabi ni Lola nakakapasok palang sa kitchen.
"May naalala lang po ako." Sabi ko.
"Sino? Ang mommy mo?" Tanong niya.
Ngumiti lang ako kay Lola.
"Alam mo apo, mahal na mahal ka ng mommy mo, tumatawag sila sa akin palagi at gusto ka nilang kausapin pero alam kong ayaw mo silang kausapin, kaya sinasabi ko nalang na nasa labas ka or natutulog ka." Kwento ni Lola at nakinig nalang ako. "Tumawag nga ulit ang daddy mo sa akin kanina eh, kakauwi lang nila galing hospital dahil may follow up check up ang mommy mo, hindi mo ba sila namimiss?"
"Namimiss ko naman po sila, palagi po silang nandito." Turo ko sa puso ko. "Never ko po silang nakalimutan lola, natatakot lang po talaga akong makipag usap sa kanila lalo na kay mommy."
"Bakit ka natatakot sa mommy mo?" Tanong ni Lola.
"Natatakot po ako na baka maulit na naman yung mga nangyari dati."
"Hindi ka na masasaktan ng mommy mo Amanda, nagbago na siya. Kung lagi mong iisipin na sasaktan ka nya, hindi mawawala yang takot na nararamdaman mo jan sa puso mo, bigyan mo ng chance ang mommy mo para mapatunayan nyang nagbago na talaga siya."
"Pero paano lola?" Tanong ko.
"Magbakasyon ka sa Pilipinas, kahit one week lang tsaka birthday na din naman ng mommy mo next week. Panahon na siguro para umuwi ka ng Pilipinas, tatlong taon na din naman ang nakalipas magmula ng tumira ka dito at yung nangyari sainyo."
"Hindi ganon kadali yon lola." Sabi ko.
"Bakit hindi mo subukan? One week lang Amanda, kapag hindi nagwork babalik ka dito agad agad." Sabi ni Lola.
"Pag iisipan ko po, hintayin nyo po yung sagot ko bukas." Sabi ko at iniwan ko na si lola sa kitchen.
Pumasok ako sa kwarto ko at humiga muna, naguguluhan ako sa sitwasyon ko ngayon. Gusto kong makita si mommy at makasama ng matagal pero napapangunahan ako ng takot, takot na masaktan nya ulit ako.
Ilang araw na din akong binabagabag ng konsensya ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Gab noong nakaraang nagkasagutan kami.
Nakahanap na ba talaga ako ng kapalit ni mommy? Pero mahal ko pa naman si Mommy at hindi nawala yon. Ang nahanap ko lang ay yung pagmamahal na gusto kong maibigay sa akin ni mommy at natagpuan ko yon kay Tita Rebeca.
Nahihirapan ako sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil gulong gulo na ako sa sitwasyon ko ngayon.
"Oras na ba para bumalik ako ng Pilipinas at harapin sila Mommy?" Tanong ko sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim at nagpunta ako sa lwarto ni Lola.
"Akala ko matutulog kana?" Tanong ni lola sa akin.
"Nakapagdesisyon na po ako, uuwi na po ako ng Pilipinas, pero kapag hindi naging maganda yung sitwasyon ko doon, babalik din po ako dito." Sabi ko.
"That's good, sige ipapaayos ko na yung ticket mo para this week makalipad kana din papuntang Pilipinas."
"Hindi ka sasama?" Tanong ko.
"Hindi, gusto kong makapagbonding kayong mag anak ng maayos, tsaka may business matters ako dito hindi ko pwedeng iwanan yon." Sabi ni Lola at tumayo sya para lumapit sa akin. "Mag enjoy ka pagdating mo sa Pilipinas, mag usap kayo ng maayos ng mommy mo ha."
"Yes la, I will." Sabi ko at lumabas na ako sa kwarto nya.
Pagpasok ko sa kwarto ko agad kong kinuha yung phone ko para tawagan si Gab, wapa na sya dito sa bahay dahil doon na sya sa kamag anak nya nag stay.
"Hello Gab?"
"Napatawag ka?" Tanong nya.
"Galit ka pa din ba? Sorry na." Sabi ko.
"Anong nakain mo?" Sabi nya sabay tawa.
"Sorry talaga." Sincere na sabi ko.
"Ano kaba ayos na, nangyari na eh hayaan na natin nakalipas na yon, bakit ka napatawag?"
"Uuwi na ako ng Pilipinas." Sabi ko.
"Eh? Hindi nga? Joke time ba to? Tatawa na ako hahahahaha."
"Seryoso ako Gab, uuwi na ako next week. Haharapin ko na sila."
"Buti naman at nagising kana sa katotohanan Amanda Mari." Sabi nya.
"Utang na loob Gab tigilan mo ako sa pagsasalita mo ng ganyan, umayos ka nga." Inis na sabi ko.
"Woah ang init ng ulo, sige na aayusin ko na hahaha."
"This week babalik na ako sa Pilipinas baka gusto mong sumabay na sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"Sure sabay tayo." Sabi nya.
"Gab wag mo muna sanang banggitin kala kuya na darating ako this week sa Pilipinas."
"Wow naman isusurprise mo sila?" Sabi nya sabay tawa.
"Ewan ko sayo, sige na bye na. Bumalik kana dito sa bahay miss na kita." Sabi ko at pinatayan ko na sya ng tawag.
Eto na talaga yung tamang panahon para bumalik ako sa Pilipinas. Handa na akong harapin sila.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉