Christopher's POV
After tumakbo ni Amanda ay hindi ko na tinapos ang pagkain ko, nawalan na ako ng gana dahil sa inasta ni Elizabeth kay Amanda. Akala ko ayos na ang lahat pagbalik ni Amanda, hindi pa pala.
Sinubukan kong pumasok sa kwarto ni Amanda pero nakalock ito, hindi na ako nag abala pang mangulit kay Amanda, nagpunta nalang ako sa garden para magpahangin.
Iniisip ko kung aalis ba ako bukas or hindi, baka kasi kapag iniwanan ko sila ay masaktan na naman ni Elizabeth si Amanda, ayoko ng maulit pa yung mga nangyari dati, ayoko ng masaktan pang muli si Amanda ni Elizabeth.
"Dad?" Tawag sa akin ni Andrew.
"Yes anak?" Sabi ko at lumapit ito sa akin.
"Aalis ka pa po ba bukas?" Tanong nya.
"Iniisip ko nga anak kung susunod pa ako kala Tito Leandro mo." Sabi ko.
"Big client yon Dad kaya dapat pumunta ka." Sabi ni Andrew.
"Iniisip ko kasi ang Mommy mo at si Amanda, baka masaktan na naman ng Mommy mo si Amanda alam mo namang ayoko ng maulit yung dati diba."
"Nandito naman po ako Dad, hindi ko hahayaang masaktan pa ni Mommy si Amanda, poprotektahan ko po si Amanda, hindi ko po sya hahayaang masaktan ni Mommy." Sabi ni Andrew.
"Promise?"
"Yes Dad! Promise, poprotektahan ko si Amanda mula kay Mommy." Sabi nya.
"Thank you Anak!" Sabi ko at niyakap ko sya.
"Mauna na po ako sa kwarto ko Dad, pero dadaanan ko muna si Amanda bago ako tumuloy sa kwarto ko."
"Wag kana pumunta sa kwarto ni Amanda, nagpapahinga na sya tsaka nakalock na yung pintuan nya hindi ka din makakapasok." Sabi ko.
"Ganon po ba? Sige po Dad, diretso na po ako sa kwarto ko para magpahinga. Good night po!" Sabi nya at tuluyan na syang pumasok sa loob ng bahay.
Habang nagpapahangin ako dito sa garden lumapit naman sa akin si Elizabeth.
"Akala ko ba ayos na Elizabeth? Bakit mo ginanon ang anak mo?" Inis na sabi ko.
"Sorry, pagod lang ako kaya ko nasabi yon, hayaan mo mamaya pupuntahan ko sya sa kwarto nya." Sabi ni Elizabeth.
"Alam mo kung papatagalin mo yang galit jan sa puso mo walang mangyayaring maganda. Gusto mo bang ilayo ko sayo si Amanda? Sabihin mo lang at gagawin ko." Sabi ko at iniwanan ko sya sa garden.
Umakyat ako sa kwarto namin at kinuha ko yung kumot ko, sa guest room ako matutulog ngayon dahil masama ang loob ko kay Elizabeth.
"Hon saan ka pupunta?" Sabi ni Elizabeth.
"Sa guest room muna ako matutulog." Sabi ko.
"Dito kana matulog." Sabi nya at niyakap nya ako.
Alam na alam nya talaga kung anong magpapalambot sa akin.
"Ok fine! Dito na ako matutulog, but make sure na kakausapin mo si Amanda tonight." Sabi ko.
"Yes kakausapin ko sya." Sabi ni Elizabeth.
Ibinalik ko yung mga kinuha kong gamit.
"Hon nakahanap kana ba ng school para kay Sab?" Tanong ko kay Elizabeth.
"Siguro same school nalang sila ni Amanda." Sabi nya.
"That's good, atleast mababantayan nila ang isa't isa." Sabi ko.
"Graduating na si Amanda right? Ano kayang magandang regalo ang maibigay sa kanya?"
"Matutuwa yon kung ibabalik mo yung pagmamahal mo sa kanya. Kahit yon lang Elizabeth masaya na ang anak natin, hindi nya kailangan ng mga materyal na bagay. Nung birthday nya binigyan ko sya ng card para incase na kailanganin nya ng pera may mapagkukunan sya, pero hanggang ngayon hindi nya pa din ginagalaw yung laman non kaya sobrang proud ako sa anak natin. Hindi man natin sya nasubaybayan dati ng maayos nagawa nya pa ding magsikap."Sabi ko kay Elizabeth.
Tumahimik nalang si Elizabeth at tumabi ito sa akin. "Napaka laki ng pagkukulang ko kay Amanda, nasaktan ko sya dati ng sobra sobra, sana kapag kinausap ko sya mamaya mapatawad nya ako."
"Mapapatawad ka ng anak mo, mabuting bata si Amanda at may mabuti itong puso." Sabi ko.
"Hon ihahatid nga pala kita bukas." Sabi ni Elizabeth.
"Wag na Hon samahan mo nalang ang mga anak natin dito."
"May kukunin din kasi ako sa labas bukas."
"Ah ganon ba." Sabi ko.
"Sige na, matulog kana at magshoshower na ako, after kong magshower pupuntahan ko na si Amanda. Good night! Ilove you!" Sabi nya at hinalikan nya ako.
"I love you too! Good Night!"
Tuluyan ng pumasok si Elizabeth sa bathroom, sana bukas maayos na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉