4

371 12 1
                                    

Amanda's POV

Nasa byahe na kami ngayon nila Gab at Pat, kung kanina ay napaka taas ng energy ni Pat ngayon ito ay wala na dahil nakaramdam na din sya ng antok. Katabi ko si Gab at hindi ko hinahayaang dalawin ako ng antok dahil ayokong iwan si Gab na magmaneho mag isa.








Naalala ko na naman yung nangyari sa amin ni Sab kanina, wala namang may gusto nung nangyari eh. Nagkukwentuhan lang kami at nagkakulitan kaya naitulak ako ni Sab sa pool at sakto namang nahatak ko sya kaya nahulog din sya.






Sobrang takot na takot na ako kay mommy magmula ng mawala si Sab, hindi ko alam kung bakit ganito ako. Everytime na makakasalubong or makikita ko si mommy at daddy, nanginginig ako sa takot pero minsan nilalakasan ko nalang ang loob ko. Mabuti nalang at kasama ko si Kuya sa bahay at hindi na din ako masyadong sinasaktan ni mommy at daddy.








Pero kahit sinasaktan nila ako at trinatratong parang hindi anak, mahal na mahal ko pa din sila dahil sila ang magulang ko na nagpalaki sa akin.








"Amanda CR muna tayo mahaba pa ang byahe natin." Sabi ni Gab kaya naman agad kaming tumigil sa isang gasoline station sa express way.






"Gab mauna kana sa CR bibili lang akong coffee." Sabi ko naman kay Gab.









"Samahan mo muna ako sa CR bago ka bumili ng coffee."








"Sige na nga, pero teka paano itong si Pat iiwanan nalang ba natin sya dito?" Tanong ko.






"Hayaan na natin sya jan, wala namang gagalaw jan kay Pat, lock ko nalang yung door." Sabi ni Gab at lumabas na kami parehas sa kotse nya.







Pagdating namin sa CR agad na pumasok si Gab sa isang cubicle habang ako naman ay nasa labas lang.






After ni Gab mag CR nagpunta na kami sa isang store at bumili ng coffee.







"Gab ano kayang gusto ni Pat?"







"Chocolate drink at hotdog lang gusto non." Kaya naman kumuha na agad ako ng gusto ni Pat at nagbayad na kami ni Gab.





Tumambay muna kami sa labas ng kotse ni Gab at inubos namin yung coffee na binili namin.






"Let's go?" Sabi ni Gab.






"Yup." Sabay kaming sumakay ni Gab sa kotse.








"Guys saan kayo galing?" Pupungay pungay na sabi ni Patrick.







"NagCR at bumili ng coffee, ito nga pala yung binili namin sayo." Inabot ko sa kanya yung paper bag na naglalaman ng pagkain nya.







"Thank you! Tulog muna ako ulit."






Kami nalang ulit dalawa ni Gab ang gising at nagkwentuhan nalang kami para hindi kami parehas antukin.









"Alam mo ba Amanda, I like you to be my sister." Nagulat ako kasi gusto nya pala akong maging kapatid.









Si Gab at Pat ay kaibigan ko na magmula pa noong bata ako, dati kaming magkapitbahay ni Gab pero nagdecide si Tita na lumipat malapit sa baha ng Lola ni Gab.








"Wow naman, napaka sweet naman ng best friend ko, pakiss nga." Sabi ko sa kanya pero tumawa lang sya.









"I'm serious Amanda."









"Alam mo gusto din naman kitang maging kapatid eh, isa pa napaka swerte mo kasi my mama at papa kang napakabait." Sabi ko.









"Why not magpaampon ka nalang kala mama at papa?" Masayang sabi ni Gab.









"Hindi ganon kadali yung sinasabi mo Gab, tsaka hello sa tingin mo papayag ang mommy at daddy ko? Isa pa kahit lagi nila akong sinasaktan hinding hindi ko sila iiwan kasi mahal na mahal ko sila." Seryosong sabi ko kay Gab.









"You love them, pero hindi ka naman nila mahal."







"They love me, nadadala lang sila ng galit nila sa akin kaya hindi nila maipakita yung pagmamahal nila para sa akin." Sabi ko.








"Kung ayan ang gusto mong paniwalaan go. Basta always remember na welcome ka sa family namin ni Pat. Hinding hindi namin ipaparamdam sayo yung pinaparamdam ng parents mo sayo."






"Thank you for everything Gab, mahal na mahal ko kayo." Sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya. "Alam mo ba gustong gusto kong bumalik sa panahong masaya pa ako."







"Bakit hindi kaba masaya ngayon?" Tanong ni Gab.








"Masaya naman, I mean yung totoong saya. Ngayon kasi parang napipilitan nalang akong sumaya."







"Alam mo Amanda happiness is a choice, hindi ka naman puno na para hindi ka gumalaw jan sa pwesto mo. Kung gusto mong sumaya go find ways. Don't waste your time on people's who don't appreciate you. Amanda Life is short. Be who you are, be happy, be free, be whatever you want to be. Basta if you need anything wag na wag kang mahihiyang lumapit sa amin ha."









"Alam mo Gab? Minsan nagdududa na ako sayo eh, hindi ko alam kung matanda ka na ba talaga or magka age lang tayo." Tumatawang sabi ko.







"Loka! Kaya ako ganito kasi mahal kita bilang kapatid ko at hindi bilang isang kaibigan."









"Swerte ko talaga sainyo." Nakangiting sabi ko.










"Maswerte din kami ni Pat kasi naging kaibigan ka namin." Sabi ni Gab.









Nagpatuloy nalang kami sa pagbyahe namin hanggang sa nakarating na nga kami sa rest house nila. Naabutan namin ang sunrise kaya naman nandito pa din kami sa dalampasigan.







"Napaka ganda dito Gab, matagal na din magmula ng magpunta ako dito."







"Kaya nga ikaw ang una naming naisip ni Patrick na isama dito eh kasi alam ko na magugustuhan mo itp at matagal ka na ding hindi nakakapagbakasyon ng malayo sa parents mo." Sabi nya.







Tama si Gab, magmula ng mawala si Sab never na akong nakapag bakasyon sa malayong lugar ngayon nalang ulit na ulit itong ganitong kasayang bakasyon.







"Kaya girl dapat sulitin mo ito dahil first time tong mangyayari na magkakasama tayong tatlo. Mabuti nalang at pinayagan ka ni Tita Elizabeth." Sabi ni Patrick.









"Hindi naman ako nagpaalam sa kanila eh, isa pa galit sila sa akin baka ikatuwa pa nila yung paglawala ko." Sabi ko.







"Diba sinabi ko naman sayo na magpaalam ka, nako naman Amanda Mari!" Kamot ulong sabi ni Gab.











"Don't worry Gab nabanggit ko naman kay kuya last night na sasama ako sainyo eh, baka mabanggit nya naman kala mommy at daddy. Ang mahalaga magkakasama tayong tatlo." Niyakap ko silang dalawa.

Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon