22

346 14 3
                                    

Patrick's POV


Nandito pa din kami sa  bahay nila Tita Charlotte dahil matagal pang uuwi sila Daddy, kanina pa kami waiting sa text ni Amanda, siguro tulog pa sya kaya hindi pa nya kami na itetext.







Pupunta din daw si Sam ngayon dito dahil sinabihan namin sya ni Gab.








"Nasaan na daw si Sam?" Tanong sa akin ni Gab.









"Wag na daw natin syang sunduin, magpapahatid daw sya sa Tita nya, ibigay nalang  daw natin yung address ng bahay nyo." Sabi ko kay Gab.








"Eh si Amanda? Di pa ba nagrereply?" Tanong ni Gab.








"Hindi pa eh, baka tulog pa yon." Sabi ko.









"Hindi kaya ikinulong na naman sya ni Tita Elizabeth?" 










"Alam mo girl paranoid ka na naman, nandon si Tito tsaka yung Kuya nya, malamang hindi masasaktan ni Tita Elizabeth si Amanda." Sabi ko.










"Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Amanda last night baka tayo maghiwahiwalay? Aalis daw ang daddy nya dahil susunod yon kala Papa."









"Hindi kaya tama ang hinala mo girl? baka nga may nangyari na kay Amanda." Takot na sabi ko.









"Tawagan na nga natin si Amanda para di tayo nag aalala dito." Sabi ni Gab.








Kinuha nya ang phone nya at tinawagan na nya si Amanda, mabuti nalang at sumagot ito agad niloudspeaker ni Gab yung phone nya.










"Hello Amanda? Ayos kalang ba? sinaktan ka ba ulit ng Mommy mo?" Sunod sunod na tanong ni Gab.









"Hey calm down guys! Hindi ako sinaktan ni Mommy." Sabi ni Amanda.











"Eh bakit hindi ka nasagot sa text namin ni Gab?"









"Nagcharge lang ako tsaka nag paaraw sandali sa labas." Sabi nya.









"Ahh ganon ba, kala namin ikinulong kana ni Tita Elizabeth sa basement eh." Sabi ni Gab.









"Nako mali kayo ng iniisip, hindi ako sinaktan or ikinulong sa basement ni Mommy, sa katunayan nga pumasok sya sa kwarto ko kagabi at kinausap nya ako, humingi sya ng tawad sa akin." Kwento ni Amanda.






"So pinatawad mo si Tita?" Tanong ni Gab.








"Hindi ko man nasabi kagabi na napatawad ko na sya alam ko sa sarili ko na matagal ko na syang pinatawad Gab, sino ba naman ako para hindi magpatawad?" Seryosong sabi ni Amanda.










"Bakit hindi mo sinabi? chance mo na yon Amanda." Sabi ko.







"Dahil natakot ako, natakot ako na baka saktan nya ako ulit."








"Ikaw na mismo ang nagsabi na pumasok sya sa kwarto mo para kausapin ka hindi ba? bakit hindi mo sya kinausap?" Sabi ni Gab.








"Hindi naman ganon kadali yon Gab, basta may takot pa din akong nararamdaman everytime na nakikita ko si Mommy, feeling ko sasaktan nya ako everytime na makakasalubong ko sya dito sa bahay. Yes kinausap ako ni Mommy kagabi pero wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak nalang ng umiyak at mag magmakaawang wag saktan. Ewan ko ba kung bakit ganon nalang yung nangyari kagabi, gusto kong magsalita pero iba yung lumabas sa bibig ko. Kanina din bago kami magbreakfast ikikiss nya sana ako pero instead na mag stay ako para magpakiss kay Mommy, nagpunta nalang muna ako sa CR." 









"Alam namin na nag aadjust kapa, pero masaya kami kasi bumabalik na sa dati yung buhay mo." Sabi ko.







"By the way Amanda, on the way na nga pala si Sam. Anong oras ka namin susunduin?" Tanong ni Gab.








"Ayun nga ang problema ko eh, hindi pumayag si Daddy na mag-stay ulit ako jan sainyo. Sabi ni dad dito nalang daw muna ako sa bahay at makipagbonding daw muna ako kala Mommy,Kuya at Sab. Pasensya na kayo, gustuhin ko mang pumunta jan sainyo kaso bawal."









"Ayos lang Amanda, may ibang araw pa naman. Alam naming matagal mo ng hinihintay itong araw na ito, ang makabonding ulit ang Mommy mo at mga kapatid mo. Basta mag enjoy ka ha! wag mo muna kaming isipin nila Gab at Sam, yung sarili mo muna ang isipin mo!" Sabi ko.







"Salamat talaga! I have to go na maglilinis muna ako ng kwarto ko! See you soon! Paki sabi kay Sam miss ko na sya. Bye bye! I love you all!" Sabi ni Amanda.








"Bye Amanda!" Sabay naming sabi ni Gab.







"Hayssss tatlo lang tayo girl." Sabi ko kay Gab.








"Pat?" Tawag sa akin ni Gab na parang balisa.







"Oh bakit?"








"Hindi kaya may PTSD si Amanda?" Sabi ni Gab.










"Ano yon?" Tanong ko.









"Post Tarumatic Stress Disorder. Feeling ko meron sya eh, kasi nung nasa rest house tayo nanaginip sya after syang imessage ni Tita Elizabeth. Sabi kasi dun sa nabasa ko ang cause daw ng pagkakaroon ng PTSD ay Stressful experiences, including the amount and severity of trauma you've gone through in your life. Tsaka isa sa mga risk factors ng pagkakaroon ng PTSD ay Having experienced other trauma earlier in life, such as childhood abuse. Hindi kaya meron talaga si Amanda? sinabi nya din kanina na feeling nya everytime na makakasalubong nya si Tita Elizabeth ay sasaktan sya."








Hindi na ako umimik pa sa sinabi ni Gab, possible kayang may PTSD si Amanda? kung meron man sya sana maagapan, sana wag na syang saktan pang muli ng Mommy nya.





Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon