Andrew's POV
Pupuntahan ko today si Amanda sa Laguna dahil gusto kong bumawi sa kanya, hindi na ako nag abala pang magpaalam kay Mommy or Daddy. Nagulat ako dahil nagmessage sa akin si Gab. Sinabi nyang napanaginipan daw ni Amanda yung mga ginagawa ni mommy sakanya before.
Miss na miss ko na ang kapatid ko na si Amanda, sana maayos lang sya.
Habang nasa byahe ako nagmessage sa akin si Gab, sabi nya sa Enchanted Kingdom na daw ako dumiretso dahil nandon na daw sila.
After 1 hour and 45 minutes nakarating na din ako sa Enchanted Kingdom. Agad akong pumila para makabili ng ticket. Nasa loob na daw sila at nakapwesto na daw sila doon sa my Carousel.
Mabilis ko naman silang nahanap, si Amanda ay nakatalikod samantalang sila Gab at Pat ay nakatingin na sa akin. Tinakpan ko yung mata ni Amanda.
"Hoy Patrick tigilan mo yan!" Sabi nya.
"Anong Patrick? Hello nandito ako sa gilid mo." Sabi ni Patrick.
Tinanggal ko na ang mga kamay ko sa mga mata nya "Kuya?" Gulat na sabi ni Amanda.
Niyakap ko sya at niyakap nya din naman ako.
"I miss you!" Bulong ko kay Amanda.
"I miss you too kuya!" Sabi nya at hinigpitan nya pa ang pagkakayakap sa akin.
"Let's go sakay na tayo!" Sabi nung isang babae, I think new friend nila ito.
"By the way Kuya this is Samantha Del Rosario." Sabi ni Amanda kaya nakipag shake hands ako.
"You can call me Kuya Andrew." Sabi ko.
"Ok Kuya Andrew! You can call me Sam nalang." Sabi nya.
Sumakay na kaming lahat sa carousel, kami ni Amanda ang magkalapit.
Enjoy na enjoy and bawat isa sa amin.
"Guys sa space shuttle muna tayo bago tayo magproceed sa ibang rides please." Sabi ni Pat.
"Ok tara!" Sigaw ni Gab at nagtakbuhan na kami.
"Kuya tabi tayo ha." Sabi ni Amanda.
"Sure." Sabi ko.
Nang makarating kami sa tapat ng space shuttle ay agad kaming pumila at nakasakay naman agad kami, mabuti nalang at konti lang ang tao ngayon.
Pagkaupo namin ni Amanda kinuha ko yung phone ko. "Amanda tingin ka sa phone ko pipicturan kita." Tumingin naman sya agad. "Ok, 1...2...3... smile!"
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉