Andrew's POV
Nagulat ako dahil biglang lumabas si Mommy ng funeral homes after nilang mag usap ni Gab. Gusto kong tanungin si Gab kung anong pinag usapan nila ni Mommy at bakit nagkaganon si Mommy. Alam kong sobrang lungkot ni Mommy ngayon dahil nawala na ng tuluyan sa amin si Amanda.
Akala ko pagbumalik dito sa Pilipinas si Amanda ay magiging maayos na ulit ang lahat pero nagkamali ako. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa sinabi ni Amanda na hindi si Sabrrina ang kasama namin ng ilang taon kundi fake ang kasama naming Sabrrina ngayon.
Gusto kong paniwalaan si Amanda pero may hawak kaming DNA at positive ang result noon.
Gusto kong ibalik ang lahat sa nakaraan kung saan masaya at buo ang pamilya ko pero alam kong malabo ng mangyari ulit iyon.
"Love are you ok?" Tanong ni Gab.
"Yes ok lang ako kasi ayun ang kailangan, alam kong ayaw ni Amanda ng nahihirapan kami kaya kailangan kong ipakita kay Amanda kahit wala na sya sa tabi namin na ok lang talaga ako."
"Sayang akala ko makakasama na natin ng matagal si Amanda pero hindi din pala. Maaga syang kinuha sa atin love. Kaya pala sobrang saya nya noong nasa rest house tayo kasi kukunin na pala sya sa atin." Sabi ni Gab.
"Kung alam ko lang na mawawala sya edi sana sinulit ko na." Hinawakan naman ni Gab ang kamay ko.
"Love alam mo ba bago sya umalis sa rest house iba yung mga ngiti nya, ayun na pala yung huling ngiting masisilayan ko mula kay Amanda. Sana pinigilan ko nalang sya ng todo at hindi ko nalang sana pinaheram yung sasakyan namin sa kanya."
"Wala namang may gusto ng mga nangyari eh, aksidente ang lahat at walang may gusto non." Sabi ko.
Sinandal ni Gab ang ulo nya sa balikat ko at sabay sabing "Walang ibang gusto si Amanda kundi ang mabuo kayo at tuluyan ng maging masaya."
"Gusto kong malama kung katotohanan love, please alam kong may alam ka sabihin mo na sa akin."
"Gusto mo ba talagang malaman yung totoo?" Tanong ni Gab.
"Yes Love, gustong gusto."
"Pumunta tayo sa bahay nyo." Diretsong sabi ni Gab at hinila na nya ako papalabas ng funeral homes.
"Wait bakit ngayon pa Love? Walang kasama sila Mommy." Sabi ko.
"Kailan pa? Kapag huli na ang lahat? Kapag nabulag na kayong lahat sa kasinungalingan ha Andrew? Wake up! Nawala na si Amanda kailangan nyo ng malaman yung katotohanan!" Galit na sabi ni Gab.
Pumunta kami sa parking lot at nakita ko si Mommy sa kotse namin kaya naman tumakbo ako patungo kung nasaan si Mommy.
Binuksan ko agad yung pinto dahil nakita ko syang lumuluha at basang basa ng pawis pero tulog sya kaya tinangka ko syang gisingin.
"Mom!" Tapik ko sa balikat nya.
"Amanda baby please don't go." Mahinang sabi ni Mommy kaya mas nilakasan ko yung pagkakatapik ko sa balikat ni Mommy upang magising na sya ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉