Elizabeth's POV
Hindi ko akalain na darating si Amanda ngayong gabi at wala akong idea na nandito na sya sa Pilipinas. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon, basta ang gusto ko lang ayokong humiwalay kay Amanda, gusto ko dito lang sya sa tabi ko, ayokong mawala pa sya ulit sa amin.
Habng nagkukwentuhan sila masaya kong pinapanood si Amanda, yung mga napakatamis na ngiti nya muli kong nasaksihan, yung mala anghel nyang tawa ay muli ko din narinig.
Pinapanood ko lang sila dahil natutuwa ako at magkakasama na ulit kami, sana kung panaginip man talaga ito wag na sana akong magising.
"Mom sumali ka naman sa amin." Sabi ni Andrew.
"Ayos lang masaya na akong pinapanood ko lang kayo." Sabi ko.
Malapit ng mag 10:00 pm pero hindi pa din sila dinadalaw ng antok, matataas pa din ang energy nila. Si Sab naman kanina pa pumasok sa kwarto nya dahil inaantok na daw sya kaya naman nagdecide ako na icheck sya kung tulog na ba talaga sya.
Umakyat ako sa kwarto nya, nang nasa pintuan na ako naririnig kong may kausap sya pero hindi ko maintindahn yung pinag uusapan nila dahil may kahinaan ang boses ni Sab.
Kumatok ako bago ako pumasok, "Mom!" Gulat na sabi nya.
"Akala ko matutulog kana?" Malambing na tanong ko.
"Matutulog na po sana ako kaso tumawag si Tita eh." Sabi nya.
"Ganon ba, sige na matulog kana." Sabi ko, bago ako lumabas ng kwarto ni Sab hinalikan ko sya sa noo at niyakap ko sya sabay sabing, "Good night! I love you so much."
"I love you too mom." Malambing na sabi nya.
Naglakad na ako palabas ng kwarto ni Sab pero hinabol nya ako at hinawakan nya ang wrist ko sabay sabing, "Thank you for everything, sana po masaya ka ngayon, good night mom!" Ngumiti ako at tuluyan na akong lumabas sa kwarto ni Sab.
Pabalik na sana ako sa dining area ng makasalubong ko si Andrew sa hagdan dala ang gamit ni Amanda. "Tapos na kayong magkwentuhan?" Tanong ko.
"Yes Mom, paakyat na din po sila." Sabi ni Andrew.
"Sige puntahan ko lang sila." Sabi ko.
Nang malapit na ako sa dining area narinig kong nag uusap ang mag ama ko.
"Thank you dahil pinagbigyan mo ako sa gusto ko, I promise magiging masaya ang pagstay mo dito." Sabi ni Christopher kay Amanda.
"Basta para sa inyo Dad gagawin ko." Sabi ni Amanda at niyakap nya ang Daddy nya.
"Pwede ba akong sumali sa inyo?" Tanong ko.
"Yes po." Malambing na sabi ni Amanda at lumaoit na ako sa kanila.
"I miss this." Mahinang sabi ko.
After naming magyakapan umakyat na si Christopher sa kwarto namin at kami nalang ni Amanda ang naiwan dito sa dining area.
"Anak gusto mo ba ng milk?"Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉