7

339 10 0
                                    

Charlotte's POV


After kong malaman yung ginawa ni Elizabeth kay Amanda, tinawagan ko agad si Aileen para sabihin kung ano na namang ginawa ni Elizabeth kay Amanda. Sinasagad na talaga ako ng babaeng yon, akala ko kapag nahanap na nila si Sabrrina eh magiging maayos na ang lahat pero hindi pa pala. Kukunin ko talaga si Amanda kapag sinaktan na naman ni Elizabeth ito.





Awang awa na kami nila Aileen kay Amanda dahil hindi nya deserve ang masaktan. Kung pwede lang talagang kunin si Amanda ngayon nakuha ko na ito kay Elizabeth. Aalagaan ko sya gaya ng pag aalaga ko kay Gabriela kung mapapasaamin si Amanda.






"Hon ang lalim na naman ng iniisip mo jan halika nga dito." Lumapit ako sa kanya at niyakap nya ako.







"Iniisip ko lang kasi si Amanda, sinaktan na naman  kasi sya ni Elizabeth eh. Hon what if kunin na natin sya. Hindi ko na kaya pang makita si Amanda na nahihirapan. Awang awa na ako sa bata. Nasa legal age naman na sya eh kaya pwede na siguro natin syang kunin." Sabi ko kay Leandro.







"Gustuhin man natin kunin si Amanda mula sa parents nya, alam mo namang mahirap gawin yon. Isa pa nakay Amanda ang final answer." Sabi ni Leandro.






"Sana makumbinsi sya ni Gab na dito nalang sya sa atin, hindi ko kakayanin kapag naulit na naman ang pananakit nila kay Amanda."






"Hon puntahan na kaya natin sila ngayon, tapos naman na ang meeting natin eh." Sabi ni Leandro.






"Bukas nalang ng umaga Hon, mamili nalang tayo ng mga dadalhin natin don. Tsaka may pinabili sa akin si Gab na para kay Amanda."







"Sige Hon maggrocery nalang tayo ngayon."








"Daanan na natin si Aileen at Elmo sa bahay nila, tapos na din naman daw yung mga trabaho nila eh." Sabi ko at nag ayos na din kami ni Leandro.








After 8 minutes nakadating na din kami sa bahay nila Aileen, isinakay na namin ang mga gamit nila sa sasakyan namin. Hindi na sila nagdala ng sasakyan dahil kasya  naman kami sa sasakyan namin isa pa may dala ni Gab ang sasakyan nya.








"Ate daan tayo sa may jewelry shop, may ipinapabili sa akin si Patrick eh." Sabi ni Aileen.








"Sure, sakto may kukunin din ako sa jewelry shop, may ipinagawa kasi si Gab na necklace para kay Amanda."







"Bracelet naman ang ipinabili ni Patrick sa akin para din kay Amanda." Sabi ni Aileen.








Pagdating namin sa jewelry shop agad ko namang kinuha yung pinabili ni Gab at binayaran ko ito. Si Aileen naman ay pumilo ng pinaka magandang bracelet para kay Amanda.







After namin manggaling sa jewelry shop nagpunta na kami sa super market at naghanap na kami ng pwede naming dalhin sa Batangas.








Kaming dalawa ni Aileen ang magkasama at si Elmo at Leandro naman ang magkasama.









"Ate anong ihahanda natin para sa birthday ni Amanda?" Tanong ni Aileen.








"Syempre yung paborito nya ang ihahain natin." Sabi ko.








Habang naglalakad kami ni Aileen papunta sa mga pasta section biglang nagsalita si Aileen. "Ate look." Turo nya sa may gawing kanan. "Si Christopher ypn hindi ba?."








Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon