Amanda's POV
Iniwanan ko muna si Gab sa movie room dahil may kukunin ako sa kwarto namin, pero napatigil ako dahil nakita ko si Tita at Tito na magkayakap. Pinicturan ko silang dalawa at ipapakita ko yung litrato na kuha ko kay Gab.
Pinagmasdan ko muna silang dalawa, sana ganon pa din ang mommy at daddy, sana hindi nawala yung sweetness nila sa isa't isa kahit wala na ako.
Nakakatuwang pagmasdan sila Tito at Tita dahil para pa din silang teenager, napaka swerte ni Gab sa parents nya.
Dahan dahan na akong umalis sa pwesto ko at umakyat na ako sa kwarto namin ni Gab, kinuha ko yung powerbank ko at bumalik na din ako sa movie room.
"Gab may ipapakita ako sayo." Sabi ko at kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. "Look." Sabi ko at itinapat ko kay Gab yung screen ng phone ko, pinakita ko sa kanya yung tatlong kuha ko.
"Omg, wala pa ding kupas ang parents ko, ang sweet." Kinikilig na sabi ni Gab.
"Tama ka Gab, napaka sweet nila sa isa't isa." Masayang sabi ko.
After 10 minutes pumasok na din sila Tito at Tita dito sa movie room at pinlay na ni Tita yung bagong movie.
Magkatabi sila Tita at Tito at kami naman si Gab ang magkatabi.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉