Gabriela's POV
Habang naghihintay ako kay Amanda nakita ko ulit si Tita Elizabeth at kasama na nya si Sab. Nakalabas na pala si Sab ng hospital.
Naalala ko na naman yung reaction ni Tita Elizabeth kanina, gulat na gulat sya ng makita nya si Amanda na may cast ang right hand. Mukhang guilty sya sa nakita nya kanina.
"Gab tara na sa sea side, pero lagay muna natin sa kotse mo yung mga pinamili natin."
"Sure." Sabi ko at binuhat ko na din yung pinamili ni Amanda.
Habang naglalakad kami papunta sa parking area ng mall biglang nagsalita si Amanda. "I saw them."
"Who?" Tanong ko.
"Si Mommy at Sab, masaya silang dalawa, sana kasama din nila ako at parte ako ng kasiyahan ni Mommy ngayon."
"Hindi mo sila deserve Amanda, kung mahal ka nila hahabulin ka nila pabalik sa kanila, pero wala eh, hinayaan ka lang nila na umalis tanging si Tito lang ang humahabol sayo." Sabi ko.
"Tama ka nga siguro Gab, hindi ko sila deserve dahil kayo ang deserve ko,kayo na ang pamilya ko ngayon." Sabi ni Amanda.
Nginitian ko nalang sya.
Pagdating namin sa Parking area agad naman naming hinanap ang kotse ko at mabilis lang naman namin yon nakita dahil nasa bukana lang ito.
Habang nilalagay namin yung mga pinamili namin sa kotse ko may tumawag kay Amanda at alam kong si Tita yon dahil kilala ko ang boses nya.
"Amanda can we talk?" Tanong ni Tita Elizabeth kay Amanda.
Hinawakan ko ang kamay ni Amanda at tumingin sya sa akin, "Ako na ang bahala." Sabi nya sabay ngiti.
Nakatingin lang ako kay Amanda habang papalapit sya kay Tita Elizabeth.
"Ano pong pag uusapan natin?" Tanong ni Amanda.
"Bumalik kana sa bahay natin, gusto ni Sab na makasama kana, sinabi nya na ang lahat sa akin." Sabi ni Tita
"Really mom? sinabi nya lahat ng totoo? " Sarcastic na sabi ni Amanda.
"Oo anak sinabi nya na hindi mo daw sya tinulak sa katunayan daw hinawakan mo pa daw sya para hindi sya mahulog pero madulas daw ang kamay mo kaya napabitaw sya."
"Wow! at naniwala naman kayo sa kanya mommy?"
"Please anak, umuwi kana sa bahay natin."
"No mommy! hinding hindi na ako babalik sa mala impyernong bahay na yon, sawang sawa na ako sa mga sakit na nararanasan ko mula sa mga kamay nyo. Nakikita nyo ba ito! kayo ang dahilan kung bakit may ganyan ang kamay ko, dahil sa sobrang pagmamahal ko sainyo mommy nakalimutan ko na yung sarili ko, nakalimutan ko ng magtira ng pagmamahal para sa sarili ko dahil kayo lagi yung binibigyan ko pero kahit kailan hindi nyo sinuklian ng kahit konti. Habang tumatagal hindi ko na namamalayang wala na palang natitira sa akin.Ngayon pipiliin ko naman yung sarili ko, gusto ko din sumaya Mommy. Pasensya na po pagod na po ako sainyo, sana po magising na kayo sa katotohanan. Mauna na po ako." Sabi ni Amanda at bumalik na sya sa akin at hinila na nya ang kamay ko papalabas ng Parking area.
"Wow ang intense non girl! i'm so happy for you dahil naipaglaban mo yung sarili mo. Hindi na ikaw ang Amanda na mahina! iba kana girl." Masayang sabi ko kay Amanda.
"Natuto lang kasi ako." sabi nya.
Pagdating namin sa sea side naghanap muna kami ng street foods para may kapartner yung milk tea namin.
"Gab ayun may kwek kwek." Turo ni Amanda kaya naman pinuntahan namin agad yung nagtitinda.
Bumili kami ng 30 pesos na kwek kwek at 20 pesos na kikiam. Naghanap kami ng mauupuan namin.
Pagkaupo namin ni Amanda nakatanaw lang sya sa malayo, I know iniisip na naman nya ang mommy nya.
"Amanda ano pala yung ibig sabihin mo kanina yung sinabi mo kay Tita yung sana magsing na kayo sa katotohanan? May alam kaba na hindi ko alam?" Curious na tanong ko.
"Basta Gab magpromise ka sa akin na hinding hindi malalaman ito nila Tita Charlotte, sa ating dalawa lang to."
"Yes, pangako walang ibang makakaalam ng sasabihin mo sa akin." Sabi ko.
"Bago mangyari yung pagkakahulog ni Sab sa hagdan nahuli ko sya, nahuli ko sya na may kausap sa phone. Sinabi nyang hindi sya si Sab at nagpapanggap lang sya."
"What?" Gulat na sabi ko.
"Hindi din ako makapaniwala na hindi sya si Sab dahil may pagkakatulad silang dalawa ni Sab. Pero umpisa palang may napansin na akong kakaiba sa kanya, yung first dinner namin together hindi sya kumain ng hipon."
"Ehhh diba paborito ni Sab yon." Sabi ko
"Oo kaya ako nagtaka umpisa palang."
"Magaling din palang magpanggap yang fake Sabrrina na yan."
"Tinulak nya ako kaya may sugat ako sa kamay, yung sinabi kanina ni mommy, hindi totoo yon dahil ang totoo hinabol ko yung fake na Sabrrina na yon at naabutan ko sya sa hagdanan, hawak ko yung buhok nya para di sya makatakas pero sinampal nya ako kaya nabitawan ko sya at nahulog sya sa hagdan, sinadya nyang magpahulog sa hagdan para makuha nya ang atensyon ni mommy at kuya, kaya ako yung nagmukhang masama, kaya din siguro ako naitulak ni Mommy dahil sa galit at inakala nyang tinulak ko yung fake na Sabrrina na yon. Kaya eto ang napala ko kay mommy, nadislocate ang buto ko." Kwento ni Amanda.
"Hayop talaga yung babaeng yon, pagbabayaran nya yung ginawa nya sayo."
"Easy ka lang, hayaan mo day by day malalaman din nila yung totoo. Tsaka mau karma din naman" Nakangiting sabi ni Amanda.
"Wala ka bang balak sabihin sa kanila yung totoo?" Tanong ko.
"Wala, dahil gusto ko sila ang makadiscover non." Sabi ni Amanda.
Hindi na ako muli pang nakapagsalita dahil nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman ni Amanda. Alam ko kung gaano kabait si Amanda pero sagad na si Amanda at suko na sya sa mommy nya.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉