17

310 13 1
                                    

Gab's POV

Iniwanan ko muna sila Amanda at Patrick sa Milktea shop dahil kailangan kong mag CR muna, dahil nagmamadali ako hindi ko naiwasan yung babae kaya nabangga ko at natapos yung dala nyang Milktea.




"ANO BA MISS! Hindi kaba natingin sa dinadaanan mo? Tignan mo yung nangyari natapunan ako!" Galit na sabi nung babae.










"Sorry miss! Hindi ko sinasadya, pasensya na talaga, kung gusto mo bibilhan kita ng damit sa department store or kahit saang brand pa na gusto mo. ihing ihi na talaga ako" Sabi ko.












"TATANGA TANGA KASI EH!" Sabi nya kaya mas lalo akong nainis.




"What did you say?!" Inis na sabi ko.











"BINGI KABA? ANG SABI KO TATANGA TANGA KA KASI!" Taas kilay nyang sabi.








Napaka antipatika ng babaeng to, kinuha ko yung wallet ko sa sling bag ko at kumuha ako ng Five Thousand sabay hagis sa babae at pumasok na ako sa CR. Kung hindi lang talaga ako ihing ihi makikipag away talaga ako. Mas madami ngang nabuhos sa damit ko tapos sya pa ang may ganang magalit.






Paglabas ko ng Cr wala na yung babaeng antipatika mabuti nalang dahil kung naabutan ko sya ulit aawayin ko pa sya ng todo.




Bumalik na ako sa milktea shop dahil naghihintay na sila Amanda.






"Girl anyare sa damit mo?" Tanong ni Pat.





"May nabangga akong antipatika na babae, nako kung hindi lang talaga ako ihing ihi aawayin ko pa yon." Inis na sabi ko.






"Easy kalang girl." Sabi ni Patrick habang si Amanda ay tumatawa. Tinignan ko nalang sila ng masama para tumigil sila sa kakatawa.






"Tara na kala Mama hinihintay na nila tayo." Sabi ko at nauna na akong maglakad.





"Gab wait lang! Ang bilis mong maglakad." Sabi ni Amanda.






Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanila.






"Ayan sasabayan ko na kayo." Nakangiting sabi ko.







Sabay sabay kaming pumasok sa department store at agad din naman naming nakita sila Mama.





"Hey bakit ganyan damit mo?"  Tanong ni Mama.







"Eh kasi kanina nagmamadali akong pumasok sa CR eh may nabangga akong babae." Sabi ko kay Mama.







"Halika muna ibibili muna kitang damit para makapagpalit kana." Hinila ako ni Mama papunta sa mga t-shirt section at pumili naman agad ako at nagbayad na kami. "Go magpalit kana hihintayin kita dito." Sabi ni Mama at kunuha nya yung gamit ko.








After kong magpalit binalikan na namin sila Tita Aileen.








"Guys kumuha lang kayo ng gusto nyo." Sabi ni Mama.







Humiwalay ulit kami kala Mama at Tita Aileen, nagpunta kami nila Pat at Amanda sa shoes section.
Humanap ako ng pinaka magandang sapatos.







Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon