Charlotte's POV
Nandito kaming lahat sa rest house namin dahil ngayong araw ang celebration ng birthday ni Elizabeth, inoffer namin itong rest house namin dahil hindi naman masyadong nagagamit ito at minsan lang din naman kami magbakasyon dito.
Hindi na nag imbita pa ng ibang tao sila Elizabeth at Christopher, kami kami lang din ang bisita nila.
Habang hinihintay namin sila Gab, Amanda at Patrick lumabas kami ni Aileen at iniwan muna namin sila Elizabeth sa loob. One week na din ang nakalipas magmula ng naglunch kami ng sabay sabay sa bahay nila Elizabeth at one week na din akong nag iisip tungkol sa mga sinasabi ni Amanda.
"Ate bakit mo ako dinala dito?" Inis na tanong ni Aileen, alam ko na kung bakit sya naiinis kasi meron sya at bigla ko nalang syang hinila palabas.
"Dahil ngayon nalang ulit tayo nagkasama, ngayon ko na din sasabihin sayo ito kaya wag ka ng mainis." Sabi ko.
"Wait! Buntis ka ate?" Sabi ni Aileen kaya nanlaki ang mata ko at sinabing "NO!"
"Wow makasigaw ka, go sabihin mo na yung sasabihin mo ate." Sabi nya.
"Ok, naaalala mo pa ba noong naglunch tayo kala Elizabeth last week?"
"Oh anong meron don ate?" Tanong nya.
"Parang may mali kay Amanda, remember noong nagbibiruan tayo about sa mga bagay wala syang ibang bukang bibig kung hindi fake fake fake fake basta ewan ko feeling ko may something." Sabi ko.
"Napansin ko din yan eh pero di ko nalang pinuna, I know may something talaga, nahuli ko nga si Amanda na masama ang tingin kay Sab ewan ko ba kung bakit ganon tumingin si Amanda." Sabi ni Aileen.
"Kilala ko si Amanda, hindi kung mag aaway man sila panandalian lang at di na aabot sa ganon na magpaparinigan."
"Baka malalim yung pinaga awayan ni Sab at Amanda?" Duda ni Aileen.
"Yung mga anak lang natin ang makakasagot nyan." Sabi ko.
"Ate what if hindi talaga ayon yung tunay na Sab, malay natin nagpapanggap lang yon."
"Imposible yang sinasabi mo Aileen, kasama ako nung nagpaDNA sila kaya imposible talaga yang sinasabi mo na nagpapanggap lang si Sab."
"Pero bakit nagkakaganon si Amanda?" Tanong ni Aileen.
"Hindi ko din alam, mabuti pa tanungin nalang natin ang mga anak natin siguro may alam sila dahil lagi silang magkakasama." Sabi ko at hinila ko na si Aileen pabalik sa resthouse.
Pagpasok namin naabutan namin si Elizabeth at Sabrrina na nagkukwentuhan, pinagmasdan ko lang ng maigi si Sab at Elizabeth.
Hindi kaya tama ang hinala ni Aileen?
"Hon lalim ng iniisip mo." Sabi ni Leandro.
"Hon tignan mo ngang maigi kung magkamukha si Elizabeth at si Sab." Sabi ko.
"Why?" Tanong nya.
"Basta tignan mong maigi, sabihin mo sa akin kung may pagkakaparehas silang dalawa." Sabi ko.
Tinignan naman ng maigi ni Leandro ang mag ina at sinabing "Wala silang pagkakaparehas pero kay Christopher my ilan syang nakuha." Sabi ni Leandro.
"Sure ka?" Tanong ko.
"Oo naman, Hay nako Hon kung ano ano na yang pumapasok sa isip mo ha." Pang aasar ni Leandro kaya naman siniko ko sya at napaarat sya ng bahagya.
"You deserve it." Bulong ko sabay tawa at pinuntahan ko nalang si Aileen na nagluluto sa kitchen.
"Wala pa ba sila?" Tanong ni Aileen.
"Padating na siguro sila, baka may binili pang iba sa bayan kaya natagalan." Sabi ko at tinulungan ko nalang syang maghalo ng niluluto nya.
After kong tulungan si Aileen sa pagluluto nakita ko naman si Sab na lumabas at nagpunta sa dalampasigan kaya sinundan ko sya.
Mukhang malalim ang iniisip nya kaya di muna ako lumapit agad, mga limang minuto din ang nakalipas bago ako tuluyang lumapit kay Sab.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah, may problema kaba? Pwede mong ishare sa akin yan." Sabi ko.
"Nako Tita wala naman po, iniisip ko lang po si Mommy." Sabi nya.
"Bakit mo naman iniisip ang Mommy mo eh magkasama naman na kayo hindi ba?" Diretsong sabi ko kay Sab.
"Mahal na mahal ko sila Mommy at mas lalo ko pa silang mamahalin." Sabi nya.
Nagkwentuhan kaming dalawa ni Sab hanggang sa dumating na sila Amanda, Gab at Patrick. May ilang kwento si Sab na hindi tugma sa sinabi nya dati kaya bago pa man kami magkahiwalay ni Sab hinawakan ko yung wrist nya at sinabing. "Sino kaba talaga?" Mahinang sabi ko.
"Po?" Tanong ni Sab.
"Nevermind." At binitawan ko na ang wrist ni Sab. "Sige na mauna kana sa loob susunod na ako." Sabi ko at naiwanan nalang akong mag isa sa dalampasigan.
Feeling ko talaga may tinatago si Sab, sana mali ang hinala namin ni Aileen.
"Ma." Tawag sa akin ni Gab kaya nginitian ko sya at kinawayan kaya naman lumapit sya sa akin.
Niyakap ko sya at sinabing, "May dapat ba akong malaman about kay Amanda at Sabrrina?" Tanong ko kaya naman nagulat si Gab.
I knew it may alam si Gab dahil nag iba yung reaction nya. Sana masagot ni Gab yung mga tanong ko at sana matulungan ko sila kung ano man ang problema nilang magkapatid.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉