21

348 10 0
                                    

Sabrrina's POV


Maaga akong nagising dahil maaga akong natulog kagabi, pupuntahan ko sana si Mommy sa kwarto nila ni Dad pero sabi ni Daddy hindi daw doon natulog si Mommy sa kwarto nila. Nagpunta ako sa guest room at sa kwarto ni Kuya Andrew at wala doon si Mommy. For sure nasa kwarto sya ni Ate Amanda kaya naman nagtungo na ako don.







Pagbukas ko ng pinto saktong kakabangon lang ni Mommy at si Ate Amanda naman ay mahimbing na natutulog pa, hinalikan ni mommy si Ate Amanda sa noo bago ito tuluyang lumapit sa akin.







"Good Morning Sab!"  Masayang bati sa akin ni Mommy at kiniss nya ako.







"Morning Mom!" Bati ko.







"Tara sa kitchen, tulungan mo akong magluto."Mahinang sabi ni mommy.







Hinawakan ni Mommy ang kamay ko att sabay kaming nagpunta sa kitchen.







"Mommy? Bakit  sa kwarto ka ni Ate Amanda natulog?" Tanong ko.







"Nag usap lang kami ng Ate mo kagabi eh napasarap ang pag uusap namin kaya doon na ako inabot ng antok." Sabi ni Mommy.







"Mom ano pong lulutuin mo for breakfast?" Tanong ko.








"Bacon, Egg, Longganisa and garlic rice, may gusto ka bang ipaluto anak?" Tanong ni mommy sa akin.







"Wala naman po." 






"Bakit pala ang aga mong nagising?" Tanong ni mommy sa akin.







"Maaga po kasi akong nakatulog kaya po siguro maaga din akong nagising."







"Anak pwede bang ikaw na ang magluto ng garlic rice? aasikasuhin ko muna ang daddy mo tsaka sasabay ako sa kanya eh." Sabi ni mommy.







"Sige po ako na ang magluluto." Sabi ko.







After maluto ni Mommy yung bacon, egg and longganisa umakyat na sya sa kwarto nila ni dad at ako nalang ang naiwanan dito sa kitchen. Sinalang ko na yung garlic at sinunod ko na yung rice, mabuti nalang naturuan akong magluto ng kumupkop sa akin. Pagkatapos kong magluto ay naghain na ako, nilagay ko yung mga ulam at rice sa table. Gumawa na din ako ng coffee para kala mommy at daddy first time kong ipagtimpla sila mommy at daddy ng coffee sana magustuhan nila yung timpla ko.






Umakyat ako sa taas para tawagin sila Mommy,Daddy.








Pagbukas ko ng pinto nakita kong inaayos ni Mommy ang damit na suot ni Daddy "Mommy, Daddy  breakfast is ready na po." Sabi ko.







"Sige anak susunod na kami ng Daddy mo." Sabi ni Mommy.







"Hintayin ko nalang po kayo para sabay sabay na tayong bumaba." 







"Sige ganito nalang anak gisingin mo na ang Ate at Kuya mo para sabay sabay na tayong bumaba." Sabi ni Daddy at nagthumbs up naman ako sabay labas sa kwarto nila.







Una kong pinuntahan ay ang kwarto ni Kuya Andrew, mabuti nalang at gising na sya hindi na ako nahirapan pang gisingin sya. "Kuya let's eat na daw." Sabi ko.








Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon