10

328 9 1
                                    

Sabrrina's POV


Nung nakaraan ko pa hinihintay na makasama si Ate Amanda pero hanggang ngayon wala pa din. Akala ko kapag nakabalik na ako sa kanila mauulit yung dati, mali pala. Madaming nagbago magmula ng mawala ako, pati si mommy nagbago na din.






Siguro kung hindi ako humitaw kay Ate Amanda masaya ang pamilya namin ngayon, siguro hindi galit si mommy kay Ate Amanda.






"Kuya?"




"Yes? May kailangan kaba?" Tanong nya sa akin.






"Gusto lang makipagkwentuhan sana." Sabi ko.







"Halika pasok ka." Sabi nya at pumasok na nga ako sa kwarto nya. Tinignan ko ang buong kwarto ni Kuya Andres at puro larawan nila ni Ate Amanda ang nakadisplay.





"Kung nagtataka ka kung bakit puro picture na lang ni Amanda ang nakadisplay kasi gusto kong iparamdam sa kanya na hindi sya nag iisa, na nandito pa din ako sa kabila ng lahat."




"Kuya siguro kung hindi ako nawala hindi magiging ganito ang pamilya natin no." Sabi ko.





"Siguro nga kung hindi ka bumitaw kay Amanda hindi nya mararanasan lahat ng sakit na mula kay mommy at daddy."







"I'm sorry." Sabi ko.







"Ayos lang, nanjan na eh pero sana pagbumalik si Amanda dito maayos na ang lahat, sana kausapin mo si mommy na makipag ayos na sya kay Amanda, patawarin nya na si Amanda dahil wala naman syang kasalanan sa pagkawala mo."






"Sige Kuya kakausapin ko si Mommy na makipag ayos kay Ate, hindi ko maipapangako na maaayos ko sila pero gagawin ko ang lahat para bumalik yung dating sigla ng pamilya natin at yung pagmamahal ni mommy kay ate Amnda." Sabi ko at lumabas na ako ng kwarto ni Kuya.






Pagka galing ko sa kwarto ni Kuya ay agad naman akong nagtungo sa pool area para magpahangin. Hindi ko namalayang sinundan na pala ako ni mommy.







"Anak bakit gising kapa?" Tanong nya.






"Naalala ko lang po si Ate Amanda, kamusta na kaya sya?" Sabi ko pero si mommy hindi umiimik. "Mommy wala na po ba talagang pag-asa na magkaayos kayo ni Ate?"







"Hindi ko alam."










"Mom bakit hindi mo po alam? Mom sapat na siguro yung mahabang panahon na paghihirap ni Ate Amanda, panahon na siguro ngayon para patawarin mo sya. Nandito na po ako hindi na ulit ako mawawala, nakabalik na ako sainyo kaya dapat ibalik nyo na din kay Ate yung pagmamahal nyo at yung tiwala nyo. Wag mo pong hintayin na pati si ate mawala sa atin ng tuluyan." Seryosong sabi ko.








" Hindi mo kasi ako naiintindihan eh, nawala ka ng mahabang panahon dahil sa Ate mo."








"Mom hindi si Ate ang may kasalanan kundi ako, bumitaw ako sa kanya that time ilang beses ko po bang ieexplain sayo ito."







"Pero kung hinawakan ka nya ng mahigpit hindi ka tuluyang mawawala sa amin."







"Alam mo mommy wag sanang dumating sa punto na magsawa nalang sa atin si Ate." Sabi k, tatayo na sana ako para bumalik sa kwarto ko pero niyakap lang ako ni mommy.







"Mahal na mahal ko naman ang Ate Amanda mo, pero hindi ko makalimutan yung kasalanan nya." Umiiyak na sabi ni Mommy.







"Wala syang kasalanan mommy, kung tutuusin ako ang may kasalanan dahil ako yung bumitaw."







"Darating din yung araw na mapapatawad ko ang Ate Amanda, maghintay lang kayo." Sabi ni Mommy.





"Pero kailan pa mommy? Kapag wala na si Ate? Mom wag kang magbulagbulagan mahal na mahal ka ni Ate, hindi nya deserve na masaktan."









Umiyak lang ng umiyak si Mommy at hinayaan ko nalang syang nakasandal sa balikat ko.







"Birthday ni Ate Amanda bukas wala kabang balak hanapin sya Mommy?"






"Hindi ko alam, hindi pa ako handang harapin sya. Pakisabi nalang Happy Birthday." At iniwanan nya akong nakanganga nalang.







Napakatigas ng puso ni Mommy, sana dumating na yung tamang oras, sana pagdumating yung tamang oras na yon maging maayos na ang lahat.







Ilang minuto din akong nagstay sa pool area, ilang beses ko ng sinusubukang tawagan si Ate pero hindi sya nasagot. Pagckeck ko sa messenger ko naka online sya kaya naman minessage ko sya.










 Pagckeck ko sa messenger ko naka online sya kaya naman minessage ko sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Masaya akong malaman na ayos lang si Ate Amanda, pero mas magiging masaya ako kapag umuwi sya dito at magkaayos sila ni mommy.








Umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga pero biglang tumawag si Tita Anika sya yung kumopkop sa akin.






Nagkwentuhan lang kami at nabanggit ko yung sitwasyon ni Ate at mommy. Nalulungkot nga din sya kasi ganon ang nangyari.







After namin mag usap ni Tita Anika naisipan ko na punasok sa kwarto ni Ate Amanda, may kalakihan ang kwarto ni Ate at napaka simple lang.






Lumapit ako sa cabinet ni Ate na may nakapatong na mga pictures. May baby pictures din na nakadisplay at mas madaming pictures na kasama ni Ate ang mga kaibigan nya.






Napakaganda ng mga ngiti nya pero sana totoo ang mga ngiting yon.

Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon