Samantha's POV
Habang nagpapahinga kami nila Gab dito sa kwarto, kinapa ko yung necklace na binigay sa akin ni Daddy, pero wala yung necklace ko, kaya tumakbo ako papunta sa bag ko.
"Sam anyare sayo?" Tanong ni Gab.
"Yung necklace ko nawawala." Kinakabahang sabi ko
"Anong necklace?" Tanong ni Patrick.
"Yung may bilog na pendant na may nakaukit na S sa unahan, may picture yon sa loob, hindi pwedeng mawala yon." Sabi ko at inilabas ko lahat ng laman ng bag ko.
"Baka naiwanan mo sa bahay nyo." Sabi ni Gab.
"Hindi ko naiwan yon dahil sinuot ko yon bago ako umalis sa bahay." Sabi ko.
"Wait lang check ko sa kotse ko baka nahulog yon don pagsakay mo." Sabi ni Gab at lumabas na ito.
Inaayos ko na yung mga gamit ko at ibinalik ko sa bag ko. Sinundan ko si Gab sa labas para tulungan sya sa paghahanap ng necklace ko.
"Gab nanjan ba?" Tanong ko.
"Wala eh, baka naman nahulog sa kwarto ni Amanda yung necklace mo." Sabi ni Gab.
"Tama ka, baka kala Amanda nahulog yung necklace ko dahil naghampasan kami kanina ng pillow, baka nasa kwarto nya yung necklace ko. Gab pwede bang kunin natin yon ngayon?"
"Oo pwede naman, teka lang magpapaalam muna ako kay Mama." Sabi ni Gab at tumakbo sya papasok ng bahay.
Bumalik naman agad si Gab at kasama na nya si Pat.
"Let's go." Sabi ni Gab at sumakay na kaming tatlo sa sasakyan.
After 15 minutes nakarating na din kami sa bahay nila Mari, mabuti nalabmng at hindi traffic kaya agad naman kaming nakarating sa bahay nila Mari.
Dahil bukas yung gate nila pumasok na ako sa loob, hindi na pumasok sila Gab at Pat sa loib dahil sandali lang naman ako.
Bukas din yung pintuan kaya nagdirediretso na ako sa loob. Pagpasok ko may dugo sa may hagdanan kaya natakot ako at tumakbo ako palabas para tawagin sila Gab at Pat.
"Gab! Pat!" Tawag ko.
"Girl bakit parang nakakita ka mg multo?" Sabi ni Pat.
Huminga ako ng malalim at sinabing, "May dugo!" Sabi ko.
"Anong may dugo?" Kinakabahang sabi ni Gab. "Teka nga huminga ka muna ng malalim Sam, eto tubig uminom ka muna." Kinuha ko yung tubig at ininom ko yon.
Takot ako sa dugo kaya ganon nalamang ang reaction ko, ayokong ayoko na nakakakita ng madaming dugo.
"Sam, ikwento mo yung nakita mo." Mahinahong sabi ni Gab.
"May dugo sa may hagdanan at nakabukas yung pinto, madaming dugo Gab, baka kung ano na ang nangyari kala Mari." Sabi ko.
"WHAT!" sigaw ni Pat.
"Tara sa loob, Pat abutin mo yung baseball bat ko sa likod."
Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila Mari.
"Anong nangyari dito?" Mahinang sabi ni Gab.
"Tara sa taas." Sabi ko at dahan dahan kaming umakyat.
Pagdating namin sa may hall way basag yung flower vase at may kaunting dugo din.
"Gab, ang daming dugo." Natatakot na sabi ko.
"Shhhh wag kang matakot, nandito lang kami ni Pat, tara sa kwarto ni Amanda." Sabi ni Gab.
Habang papalapit kami sa kwarto ni Mari ay mas lalo akong kinakabahan.
Dahan dahang binuksan ni Pat ang pintuan ng kwarto ni Mari at natagpuan naming nakaupo si Mari sa sahig at nagdudugo ako kamay.
Tumakbo kami patungo kay Mari, "Amanda!" Sigaw ni Gab perp hindi nasagot si Amanda.
"Gusto ko ng mawala." Mahinang sabi ni Mari.
"NO! HINDI KA PWEDENG MAWALA AMANDA! DITO KA LANG HINDI KA MAWAWALA, DADALHIN KA NAMIN SA HOSPITAL." May galit at inis na sabi ni Gab.
Tanging pag iyak nalang ang nagawa ko nung nakita ko si Mari na nasa ganong sitwasyon. Napakadaming dugo ang umaagos sa kamay ni Mari kahit na may gauze pad yon hindi pa din sapat yon para tumigil yung pagdurugo ng kamay ni Mari.
Binuhat ni Pat si Mari at dinala sa kotse, agad kaming nagpunta sa hospital para maagapan yung pagdurugo ng kamay ni Mari.
"Hindi ka mawawala Mari, mahal na mahal ka namin." Bulong ko kay Mari.
Pagkadating namin sa hospital agad namang inasikaso si Mari, si Gab naman hindi namin makausap dahil sa sobrang galit sa gumawa non kay Mari.
Nilapitan ko si Gab para pakalmahin sya. "Gab, kumalma ka lang, magiging maayos din si Mari at makakasama pa natin sya, alam ko makakarma din ang gumawa nito kay Mari."
"Sana nga makarma yung gumawa nyan kay Amanda, sisiguraduhin kong pagbabayaran nya yung ginawa nya kay Amanda." Umiiyak na sabi ni Gab.
Niyakap ko ng mahigpit si Gab dahil ayon lang ang alam kong tanging paraan para gumaan yung pakiramdam nya. Sana umayos na din ang lagay ni Mari.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉