48

244 8 0
                                    

Christopher's POV


Nandito ako ngayon sa Batangas dahil naghahanap ako ng resort na pwedeng pagdausan ng Birthday ni Elizabeth. Gustong gusto ni Elizabeth na mag celebrate ng birthday nya sa beach para daw mag enjoy ang iba naming kaibigan at kamag anak.



Habang naglalakad lakad ako dito sa dalampasigan, may isang pamilyar na babae akong nakita na nakupo sa buhangin at ninanamnam ang hampas ng hangin. Pamilyar na pamilyar yung babaeng yon at hindi ako pwedeng magkamali dahil nasa tapat sya ng rest house nila Leandro at Charlotte.





Dahan dahan akong lumapit sa babaeng nakaupo at nagsalita ako ng "Dito lang pala kita ulit matatagpuan." 




Tumingala sya at nagulat sya sa akin. "Daddy?"




Ngumiti ako at sinabing " Ako nga." Tumayo sya at niyakap nya ako.





"I miss you so much anak." Bulong ko sa kanya.




"I miss you more Dad!" Sabi nya habang umiiyak.





"Shhhh don't cry na papangit ka nyan." Biro ko sa kanya.





"Daddy naman eh, basag trip ka talaga kahit kailan." Sabi nya at humiwalay na sya sa pagkakayakap nya sa akin.





"Kailan kapa dumating?" Tanong ko.





"Last night lang po." Magalang na sabi nya.




"Ang laki na ng pinagbago mo anak, mas lalo kang gumanda." Sabi ko at hinawakan ko ang mukha nya.




Ngumiti lang sya sa akin bilang sagot nya.





"Kaya pala noong tinatawagan ko ang Lola Caroline mo nung nakaraan hindi nya ako sinasagot kasi nandito kana pala. Sino bang kasama mo dito?" 





"Opo Dad, kasama ko po sila Gab, Tito Leandro at Tita Charlotte. Sa unit po ako ni Gab tumuloy noong dumating ako dito sa Pilipinas." Sabi ni Amanda.





"Bakit hindi ka man lang tumawag sa akin or kahit sa Kuya mo na nandito kana pala?" 




"Gusto ko po munang mag isa para nakapag isip ng maayos."





"Hindi pa ba sapat yung Three years na pag iisip mo sa San Francisco?" Pabirong tanong ko.






"Dad hindi naman kasi ganon kadali kalimutan yung nangyari eh, araw araw kong sinusubukang kalimutan yung mga nangyari sa akin dati pero wala eh kakambal ko na ata yon kaya ayaw mawala." Sabi nya sabay tawa.





"Puro ka talaga kalokohan." Sabi ko.




"Mana lang po sayo dad." Sabi nya.




Inaya ako ni Amanda na umupo sa buhangin at pumayag naman ako. Sinandal ni Amanda ang ulo nya sa balikat ko. Hindi pa pala nawawala kay Amanda yung hilig nyang pagsandal ng ulo sa balikat ng iba.




Naririnig ko syang kumakanta kahit mahina lang yon, hindi pa pala nya nakakalimutan yung kantang kinakanta sa kanila ng mommy nya.





"Hindi mo pa pala nakakalimutan yang kantang yan." Sabi ko.





"Dala ko po ito hanggang San Francisco, isa po ito sa nagpapakalma sa akin. Buti nalang din po at nandon si Tita Rebeca, isa din sya sa dahilan ng pagbangon ko mula sa kalungkutan."





"Sino sya?" Tanong ko.





"Isang mabuting kaibigan po."






"Kaibigan lang ba talaga?"




Ngumiti sya at sinabing "Parang mommy ko na din po."





Huminga ako ng malalim at sinabi ding "Uwi kana sa bahay, hinahanap kana ng mommy mo, miss na miiss kana nya sana alam mo yon."






"Pag iisipan ko po kung kaya kong mag-stay sa bahay natin ng ilang araw. Binigyan po ako ni Lola Caroline ng 1 month para maayos ang lahat at kapag hindi naayos, lilipad agad ako papuntang San Francisco."





"Akala ko one week kalang dito? Pero buti nalang one month."




"Akala ko din po one week eh, pero binago pala ni Lola."





"Hayaan mo anak, susulitin natin yung one week. Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat mabuo lang ulit tayo." Sabi ko at hinalikan ko sya sa noo.






Habang ineenjoy ko ang bawat sandali na kasama ko si Amanda bigla namang dumating si Gab, halatang nagulat si Gab dahil nakita nyang magkasama kami ni Amanda.





Tumayo kami parehas ni Amanda.






"Tito?"




Nginitian ko nalang sya at binati ko sya. "Hi Gab!"






"Hello po, paano nyo po nalaman na nandito si Amanda?" Tanong nya.






"Actually wala akong idea na nandito kayo, naghahanap lang talaga ako ng resort oara sa birthday ni Elizabeth, habang naglalakad lakad ako nagdecide ako na dumaan dito sa rest house nyo sakto namang nakita ko si Amanda kaya ayon."





"Amazing!" Masayang sabi nya.





"Teka nasa loob ba ang Mama at Papa mo?" Tanong ko.





"Yes Tito nasa loob po sila nag aayos po ng gamit."





"Iwanan ko muna kayo, kakausapin ko lang si Charlotte at Leandro." Sabi ko at iniwanan ko na silang dalawa sa dalampasigan.





Pagpasok ko sa loob ng bahay nagulat si Charlotte dahil hindi nya inaasahang nandito din ako.




"Parang ganito din yung nangyari dati ah." Sabi ni Charlotte.



Tama sya ganito din yung nangyari dati noong birthday ni Amanda, napaka unexpected ng lahat.





"Bro napagawi ka dito?" Tanong sa akin ni Leandro.






"Kailangan ko ng tulong nyo." Seryosong sabi ko.






"Alam namin." Sabi ni Charlotte.




"Tungkol kay Amanda hindi ba?" Tanong ni Leandro.







"Yes, tulungan nyo akong pigilan si Amanda na wag ng bumalik sa San Francisco."






"Sige basta para sa ikabubuti ng pamilya nyo tutulong kami." Sabi ni Charlotte.






Sana talaga maging maagos na ang lahat sa tulong ng mga kaibigan ko.

Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon