24

339 13 3
                                    

Samantha's POV


Nandito na kami ngayon sa tapa ng bahay nila Mari, kanina pa ako excited na makita sya kahit ilang araw palang kaming nagkakahiwalay.



"Girl! Ayan na lumabas na si Amanda." Sabi ni Pat.






"Tara na." Sabi ni Gab at sabay sabay kaming bumaba ng sasakyan, dinala namin yung niluto ni Tita Charlotte.






"Sam!" Masayang salubong sa akin ni Mari at niyakap nya ako ng mahigpit.






"Wow ha! Magseselos na ba kami ni Pat?" Sabi ni Gab, kaya bumitaw na si Mari sa pagkakayakap sa akin at niyakap nya sila Gab and Pat.





"Namiss ko din kaya kayo ni Pat, nako tara na sa loob at naghihintay si Kuya." Sabi ni Mari at hinila nya na kami papasok ng bahay nila.





Pagpasok namin picture ng Mommy at Daddy ni Mari ang sumalubong sa amin, napaka laki ng bahay nila kahit simple lang.





"Nandito na pala kayo." Sabi ni Kuya Andrew at lumapit sya sa amin.






"Hi Kuya!" Masayang bati namin ni Pat.



I smell something fishy kay Gab and Kuya Andrew, nung nasa Enchanted Kingdom palang kami feel ko na may something sila, but anyway kung ano man meron silang dalawa, sa kanila nalang yon.







"Tara sa dining area, maghahain na ako para makakain na din tayo." Sabi ni Mari.






"Sige Amanda mauna na kayo sa dining area, sasalubungin ko lang si Mommy, nasa gate na daw sya ng subdivision." Sabi ni Kuya Andrew.







Habang papunta kami sa dining area nila Mari, nakita ko naman yung isang malaking painting.





"Mari? Sinong nagpaint nito?" Tanong ko.



"Ahhh ayan ba? Si mommy ang nagpaint nyan. Bakit mo naitanong?"




"Parang nakita ko na kasi dati yang painting na yan."  Sabi ko.





"Ganon ba? Baka magkakilala yung parents natin kaya nasabi mong nakita mo na yan dati. Malay mo magkaklase yung mommy natin dati sa art class.". Sabi ni Mari.






"Tama ka nga, baka magkaklase nga si Mommy at ang Mommy mo dati." Sabi ko at pumasok na kami sa dining area nila.






Tinulungan namin na maglagay ng mga plate si Mari para mapadali.





"Umupo na kayo, kukuha lang ako ng juice." Sabi ni Mari.







Bumalik din naman agad si Mari at umupo na din sya sa tabi ko.






"Hi guys!" Masayang bati sa amin ng isang babae, I think sya ang Mommy ni Mari.





"Hello po!" Bati namin at nakipagbeso kami.






"Who are you young lady?" Nagtatakang tanong ng Mommy ni Mari.






"My name is Samantha Del Rosario, but you can call me Sam nalang po." Magalang na sabi ko.



"By the way my name is Elizabeth, you can call me Tita Beth. Sige na guys kumain na kayo" Sabi nya at inilapag nya yung dala nyang pagkain.






Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon