40

272 10 1
                                    

Rebeca's POV



Habang nag luluto ako ng breakfast ko biglang tumunog yung phone ko at alam ko na agad kung sino yung tumatawag.



Niloudspeaker ko ito para hindi ako mahirapan "Good Morning Tita!" Masayang bati ni Amanda sa akin.





"Wow taas ng energy!"





"Wow Tita wala man lang GOOD MORNING SWEETIE jan?" Sarcastic na sabi nya.





"Ayy sorry naman, Good Morning Amandapot!" Bati ko na may halong pang aasar.




"Yuck bakit may pot? Amanda lang dapat Tita." Sabi nya.






"Osige na Amanda." Sabi ko.





"Tita may lakad ka po ba mamaya? Pwede bang tumambay ulit ako sa shop mo? Tsaka may ipapakilala din pala ako sayo."






"Wala naman akong lakad mamaya, gusto mo magroad trip tayo?" Tanong ko sa kanya. "And wait ipapakilala? May boyfriend kana?" Pahabol ko.






"Tita naman, porket may ipapakilala boyfriend agad, hindi ba pwedeng friend lang?" Sabi nya.




"Hay nako, sige na magready kana at susunduin kita jan sa bahay nyo. Kakain lang ako ng breakfast ok?"



"Yes Tita! Ingat ka. I love you."





"Thank you and I love you too." Sabi ko at ibinaba ko na yung cellphone ko.





Habang nagluluto ako hindi ko maiwasang hindi mapangiti, araw araw nalang akong pinapangiti ni Amanda. Hindi nya nakakalimutang bumati sa akin tuwing umaga ng Good Morning.


Maswerte ako dahil nakatagpo ako ng batang kagaya nya, nawalan man ako ng anak dumating naman si Amanda at pinapasaya nya ako.




Naalala ko noong una ko syang nakita, napaka inosente ng mukha nya at napaka amo din, akala ko hindi na kami ulit magkikita pero mabuti nalang at nakita ko ulit sya sa isang exhibit, isa sya sa may ari ng isang painting. Napaka ganda ng kanya ipininta,  mother and child ang kanyang ipininta.




Akala ko noong una foreigner sya pero mali ako, isa pala syang Filipino.




After ng exhibit inaya ko sya sa coffee shop ko at mabuti nalang ay sumama sya sa akin, nakipagkwentuhan sya sa akin at inexplain nya sa akin kung bakit mother and child yung ipininta nya.




Habang ikinukwento ni Amanda sa akin yung story ng painting na iyon, hindi ko na naiwasang hindi maluha, hindi ko kinaya yung sitwasyon ni Amanda dati.



Sana pala matagal ko na syang nakilala para naalagaan ko sya, pero masaya na ako dahil kasama ko sya ngayon, siguro pinagtagpo kaming dalawa para mahalin namin ang isa't isa bilang mag ina.




At magmula noong ininvite ko syang mag coffee, nagtuloy tuloy na yon hanggang sa nakuha ko na ang loob ni Amanda, tama nga ako, napakabait na bata ni Amanda kaya hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang galit ng mommy nya sa kanya.




Habang tumatagal mas minamahal ko pa lalo si Amanda, day by day madami akong nadidiscover sa kanya. Nakakatuwa lang isipin na napaka unexpected ng lahat.





Amanda is Calling........




Sinagot ko yung tawag nya agad, "Yes Sweetie?" Tanong ko.





"Where are you?" Tanong nya.




"Nasa bahay pa."




"What? Kanina pa kami naka ayos Tita tapos ikaw di ka pa ready?" Inis na sabi nya.




"Wow ha, may dalaw ka te? Sungit." Sabi ko.






"Bilisan mo na Tita, naiinip na ako."  Sabi nya at bunabaan ko na sya ng cellphone.





Tumakbo ako panungong bathroom at naligo lang ako ng mabilis, pagkatapos ko nagbihis agad ako at umalis na ako ng bahay.




Habang nagmamaneho ako tumatawag na naman ulit si Amanda pero hindi ko na sinagot ito dahil nagmamaneho ako.





Ang kulit talaga ng batang yon, hindi makapag hintay.





After 25 minutes nakarating na din ako sa bahay nila, nakasimangot na sumakay si Amanda sa kotse ko.






"Amanda ipakilala mo naman sa akin yang magandang kasama mo." Sabi ko pero hindi pa din sya kumikibo.



"My name is Gabriela Alvarez but you can call me Gab." Sabi ng  kaibigan ni Amanda.






"My name is Rebaca Villanueva, you can call me Tita Beca or kahit saang komportable kang tawagin ako." Sabi ko at nakipag beso naman sya.





Dahil hindi umiimik si Amanda naisipan kong dalhin muna sila sa shop ko at igagawa ko sila ng maiinom.






Pagdating namin sa shop ko humanap agad sila Gab at Amanda ng mauupuan at ako naman ay pumasok sa kitchen at iginawa ko sila ng Hot Chocolate, kumuha na din ako ng blueberry cheesacake.






Nang makita na ako ni Amanda na may dalang hot chocolate biglang umaliwalas ang mukha nya, kung kanina nakasimangot sya ngayon hindi na.




Ibinigay ko sa kanila yung drinks nila pati na din yung blueberry cheesecake.






"Tita ikaw po ba ang gumawa nitong bluberry cheese cake?" Tanong ni Gab.






"Yes, masarap ba?" Tanong ko.




"Super." Sabi ni Gab.





"Alam mo ba Gab isa si Tita Rebeca sa pinaka magaling gumawa ng blueberry cheese cake dito sa San Francisco."






"Really? Ang galing mo naman Tita." Puri sa akin ni Gab.





"At alam mo ba? Sya ang nagturo sa akin na magluto, kaya ngayon madami na din akong alam na lutuin unlike dati konti lang ang alam kong lutuin." Sabi ni Amanda.







After nilang maubos yung kinakain nila nagroadtrip na kaming tatlo, buo na naman ang araw ko dahil kasama ko si Amanda, wala ng mas hihigit pa sa sayang nararamdaman ko ngayon, sana hanggang dulo kasama ko si Amanda kahit imposibleng mangyari yon.

Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon