Elizabeth's POV
After kong magshower paglabas ko ng bathroom tulog na si Christopher, bago ako bumaba sa kitchen sinilip ko muna si Andrew at Sab, tulog na sila, dumaan din ako sa kwarto ni Amanda pero nakalock ito alam kong gising pa sya dahil sa music na naririnig ko, mabuti nalang at may susi sa drawer madali kong mabubuksan ang pinto ng kwarto ni Amanda.
Bumaba ako sa kitchen para ipagtimpla ng gatas si Amanda, matagal ko na itong hindi nagagawa kay Amanda, magmula kasi ng mawala sa amin si Sab sya nalang ang nagtitimpla ng gatas nya.
Pagkatapos kong magtimpla ay ibinalik ko sa cabinet yung mga ginamit ko.Dinala ko yung isang basong gatas at umakyat na ako sa taas pero bago ako magtungo sa kwarto ni Amanda ay kinuha ko muna yung susi ng kwarto nya sa drawer na nasa hallway ng bahay namin.
Dahan dahan ko itong binuksan at sinarado, naabutan ko syang nakaupo sa lapag at nakasandal sya sa kama nya. Patay ang mga ilaw at ang liwanag sa labas ang nagmimistulang ilaw ni Amanda. Ipinatong kp yung isang basp ng gatas sa table at hindi ako gumawa ng kahit anong ingay, dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nakatungo lang sya kaya hindi nya ako napansin na nakatayo na ako sa gilid nya.
"Amanda?" Tawag ko dito.
tumingala sya at tumingin sa akin, bakas sa mga mata nya ang takot.
"Mommy, don't hurt me please?" Umiiyak na sabi nya.
Natulala nalang ako sa inasta nya, takot na takot sa akin si Amanda. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko tanging mga iyak at hinaing nalang ni Amanda ang naririnig ko.
"Mommy please wag mo na po akong sasaktan, ayoko na mommy please stop!" Mahinang sabi nya.
Hindi ko na napigilan pa ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, ganon na ba ako kasama kay Amanda?
Nakatingin lang sa akin si Amanda at umiiyak ito habang nagmamakaawa sa akin.
Lumuhod ako at niyakap ko sya, pero inalis nya yung mga kamay ko.
"Don't hurt me please!" Paulit ulit nyang sinasabi kaya mas lalo pang lumakas ang agos ng mga luha ko.
"Shhhhh! I won't hurt you." Sabi ko habang nakatingin ako sa kanya.
"Liar! Sasaktan mo lang ulit ako kagaya ng dati! Leave me alone please!" Umiiyak nyang sabi.
"Hindi kita sasaktan anak! maniwala ka sa akin. Hindi na kita sasaktan pang muli. Mahal na mahal kita Amanda!" Sabi ko.
Nakatingin lang ako kay Amanda, grabe yung trauma na naibigay ko kay Amanda napakasama kong ina.
Tumungo nalang ulit si Amanda at umiyak ng umiyak. Tinabihan ko sya at hinayaan ko syang umiyak nalang.
"Alam mo everytime na sinasaktan kita, para ko na ding sinasaktan ang sarili ko. Nadala lang talaga ako ng galit dahil sa pagkawala ni Sab. Mahal na mahal kita anak kung alam mo lang. Pinagsisisihan ko ang lahat ng ginawa ko sayo. Alam mo sana hindi nalang ako yung naging nanay mo kasi hindi ako naging mabuting ina sayo, pero alam mo maswerte ako kasi kahit paulit ulit na kitang nasasaktan nanjan ka pa din at hindi ka sumusuko. Alam mo you will always have a place in my heart anak, kahit na anong mangyari. Kung inaakala mo noon na hindi kita mahal nagkakamali ka anak, kahit kailan hindi ka nawala sa puso ko, palagi kang nandito sa puso ko anak and you know what? I'am the luckiest mother in the world because I have you."Pinunasan ko yung luhang umaagos sa pisngi ko. "Anak can we just forget the past and create new happiness? I want to see your beautiful smile again, yung totoong ngiti mo anak." Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. "Nabasa ko yung letter na ginawa mo para sa akin anak at ang dami kong narealize. Sana pagbigyan mo si mommy na makabawi sayo."
Tanging mga iyak nalang ni Amanda ang naririnig ko sa buong kwarto. Hindi ko sya mapatahan, alam kong sobrang sama ng loob nya sa akin. Sinubukan ko ulit syang yakapin mabuti nalang at hindi nya na ito tinanggal pa. "Matagal ko na itong gustong gawin sayo anak, matagal ko ng gustong mayakap ka ng mahigpit na mahigpit kagaya ng dati. Pwede bang bumalik na tayo katulad ng dati? Miss na miss ko na yung dating tayo anak, miss na miss ko na yung sigla ng buhay natin kagaya ng dati. I miss your hugs, laugh and everything."
Hinayaan nya nalang akong nakayakap sa kanya hanggang sa nakatulog sya. Kinuha ko yung unan nya pero basa ito, humiga siguro sya kanina after nyang maligo. Yung stuff toy nya nalang ang kinuha ko para may unan sya, mabuti nalang at may carpet ang kwarto ni Amanda.
Inihiga ko si Amanda at tinabihan ko ito. "Good night anak! I love you so much!" Hinalikan ko ito sa noo bago ako tuluyang humiga sa tabi nya.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉