Charlotte's POV
Pagkasundo ko kala Gab at Amanda ay agad din naman kaming umuwi dahil malapit ng magdinner. Ipinagluto ko sila ng honey garlic chicken dahil ayon ang request ni Amanda.
Habang tumatagal dito sa amin si Amanda ay mas lalo ko syang nakikilala at mas lalo ko pa syang minamahal. Mabuti nalang talaga at mas pinili ni Amanda na dito nalang mag stay sa bahay namin.
Habang nagluluto ako dito sa kitchen naririnig ko na nagtatawanan sila Gab at Amanda. Halos araw araw ganyan silang dalawa parang tunay na magkapatid sila.
Iniwanan ko muna yung niluluto ko sa kitchen at pinuntahan ko silang dalawa.
"Ang saya ninyong dalawa ah." Sabi ko.
"Kasi po Tita may pinanood po kami ni Gab na clips na nakakatawa." Sabi no Amanda.
"Gusto mo bang panoodin mama?" Tanong ni Gab sa akin.
"Nako wag na, tara na sa kitchen at malapit ng maluto yung ulam natin, ang papa mo mamaya pa sya uuwi kaya mauuna na tayong kumain." Sabi ko.
"Susunod nalang po ako sa kitchen Ma, may kukunin lang po muna ako sa kwarto ko mauna na po kayo ni Amanda sa kitchen susunod din po agad ako." Sabi ni Gab.
"Tara na Amanda." Sabi ko at hinawakan ko ang kamay nya.
Pagdating namin sa kitchen ay agad namang umupo si Amanda."Tita?" Malambing na tawag nya.
"Yes Amanda?"
"Nagpunta po kanina si Mommy sa school." Sabi ni Amanda.
"May ginawa ba sayo ang mommy mo?" Tanong ko.
"Wala naman po, nagmamakaawa lang po sya sa akin kanina, sabi nya bumalik na daw ako sa bahay pero hindi ako pumayag." Sabi nya.
"Anak kung gusto mo ng bumalik sa bahay nyo papayagan kita."
"Kahit payagan mo po ako na bumalik sa bahay namin hindi na po talaga ako babalik don, nasa akin naman na po lahat ng gamit ko eh tsaka wala na pong dahilan para bumalik ako don, dito po masaya ako dahil may pamilya akong masasandalan kapag nandon po kasi ako feeling ko hindi ako safe, parang anytime may masamang mangyayari sa akin." Sabi ni Amanda.
"Masaya akong malaman na masaya ka dito sa bahay namin, pero kapag gusto mo ng umuwi sa inyo wag kang mahihiyang magsabi sa akin ha." Sabi ko at hinaplos ko ang buhok nya.
"Thank you Tita kasi kahit hindi mo ako kadugo pinatuloy mo pa din ako dito sa bahay nyo at minahal mo pa po ako." Malambing na sabi nya at niyakap nya ako ng mahigpit.
"Ang daya naman, sali naman ako." Pabirong sabi ni Gab at lumapit din naman sya sa amin at nakiyakap din sya.
"Tara na luto na yung ulam natin." Sabi ko sa kanila.
Naglagay na ng plate si Amanda at kumuha naman ng juice si Gab.
Umupo na kaming lahat at nagdasal na si Gab.
"Bless us, oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty through Christ our Lord. Amen."
Pagkatapos ni Gab magdasal nagsimula na kaming kumain, si Amanda ay nakakatuwang pagmasdan habang kumakain dahil sarap na sarap sya sa niluto ko.
"Tita grabe the best ka talagang magluto." Sabi ni Amanda.
"Si mama lang?" Singit ni Gab.
"Syempre pati ikaw, kanino ka pa ba magmamana kundi kay Tita lang diba?" Masayang sabi ni Amanda.
"Nako kumain na kayo mamaya na tayo magkwentuhan, wala naman kayong pasok tomorrow diba?" Sabi ko.
"Yes Ma wala naman po kaming pasok bukas kaya pwede kaming magpuyat ni Amanda."
"Well may nakita akong bagong movie sa netflix baka gusto nyo akong samahan sa panonood ko." Sabi ko sa dalawang bata.
"Ok Tita! Sasamahan ka namin ni Gab na manood."
"After natin kumain sa movie room tayo." Sabi ko at nagpatuloy na kami sa pagkain namin.
After 20 minutes natapos na din kami sa pagkain namin, pinauna ko na sila Gab at Amanda sa movie room dahil liligpitin ko muna yung pinagkainan namin.
Habang naghuhugas ako ng mga plato biglang tumunog yung phone ko, si Leandro pala ay natawag kaya naman sinagot ko ito agad.
"Hi Hon!" Masayang bati ko.
"Hon pauwi na ako, nandito na ako sa may gate ng village. Gising pa ba sila Amanda at Gab?" Sabi nya.
"Yes gising pa sila, actually may movie date kaming tatlo dito lang sa bahay natin." Sabi ko.
"That's good, sakto may dala akong donut." Sabi ni Leandro.
"Thank you hon! Ingat ka hintayin nalang kita dito sa kitchen." Sabi ko at binabaan ko na sya ng telepono at pinagpatuloy ko na ang paghuhugas ko ng plato.
After 3 minutes narinig kong bumukas na yung gate sign na dumating ni si Leandro, tinanggal ko yung apron na suot ko at sinalubong ko sya.
Niyakap ko sya ng mahigpit at ganon din sya.
"I miss you!" Bulong nya sa akin habang nakayap pa ako.
"I miss you too." Sabi ko.
"Napaka ganda talaga ng asawa ko." Masayang sabi nya.
"Bolero! Tara na sa loob at naghihintay na yung dalawa." Sabi ko at humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
Pumasok kaming dalawa sa bahay na may ngiti sa aming mga labi.
BINABASA MO ANG
Faded Love
FanfictionMay mga tao talagang darating sa buhay mo at iiwan ka din pala. Siguro nga dumating lang sila para iwanan tayo. ------------------------ Lahat ng ito ay isang kathang isip lamang😉