26

295 13 2
                                    

Amanda's POV



Hinintay namin ni Mommy na makaalis sila Gab ng tuluyan, naiilang ako kay Mommy dahil nakatingin lang sya sa akin, hinawi nya din ang buhok ko at inipit nya ito sa tenga ko.




"Mauna na po ako sa loob." Sabi ko.






"Sabay na tayo." Sabi nya at hinawakan nya ang kamay ko.





Sabay kaming pumasok ni Mommy pero instead na sa loob kami ng bahay dumiretso eh sa garden kami nagpunta.






"Anak, namiss kita." Sabi ni Mommy.






Binigyan ko lang si Mommy ng isang matamis na ngiti.






Hinawakan ulit ni Mommy ang kamay ko at inilagay nya iyon sa mukha na. Para bang sabik na sabik sa akin si Mommy. Sana totoo ito at hindi palabas lamang.





Hinayaan ko lang si Mommy sa ginagawa nya.







After 5 minutes unti unti ko ng kinuha ang kamay ko kaya nagulat si Mommy sa inasal ko.






"Sorry." Mahinang sabi ni Mommy.





Tinignan ko lang sya at bigla ko nalang syang niyakap.





"I miss you so much Mommy." Malambing na sabi ko.









Humigpit pa lalo ang yakap ko kay Mommy ng hagudin nya ang buhok ko. Parang nabutan ako ng tinik sa dibdib ko.





"I will never stop loving you Mommy, no matter how many times you push me away and tell hurtful words, I'll still choose to stay."








Naramdaman ko namang umiiyak na si Mommy, pero hindi pa din sya bumibitaw sa pagkakayakap ko.







"Mahal na mahal kita Amanda." Ayan lang ang tanging nasabi ni Mommy sa akin.






"Mahal na mahal din po kita Mommy at hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo kahit na anong mangyari."  Sabi ko.







"Sali naman ako jan." Sabi ni kuya at yumakap naman talaga sya sa amin ng mahigpit.








"Kuya di ako makahinga." Biro ko kaya naman tinanggal nya agad ang pagkakayakap nya sa amin.







"Namiss ko to grabe, sayang wala si Dad." 








"Ano palang gusto nyo for dinner ipagluluto ko kayo." Sabi ni Mommy.









"Kahit ano nalang po Mommy." Sabi ko.









"Anong kahit ano, walang ganon anak." Tumatawang sabi ni Mommy.







"Garlic Mushroom nalang po Mommy, matagal tagal na din po kasi akong hindi nakakakain ng Garlic Mushroom mo eh." Sabi ko






"Ok, ipagluluto kita. Ikaw Andrew anong gusto mo?" Tanong ni Mommy ay Kuya Andrew.








"I want Fried Chicken Mommy!" Masayang sabi ni Kuya.








"Parang bata." Mahinang sabi ko.







"Narinig ko yon Amanda Mari." Sabi ni Kuya kaya naman nag peace sign ako sa kanya.








Faded LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon