Chapter 4

1.6K 54 0
                                    

STEVEN

"Damn! what should I do?" natataranta na ako dahil hanggang ngayon hindi parin siya nagigising.

"Naks! boss, hindi namin alam na matinik ka pala hahaha" ani ni Zandrix.

Nakasuot ako ngayon ng earpiece pero hindi halata ito dahil para lang itong mole, subrang liit. Suot ko na ito kanina pa nung pagdating ko sa lugar na ito.

"Akalain mo Iron, may pa honey-honey pa siya" puna ni Themoty.

Mga walang hiya! ito pa talaga inuna ng mga ugok na 'to!?

"Shut your fuckin mouth asshole or else I will shot you one by one in your fuckin head!" dumagdag pa ang mga ito sa sakit ng ulo ko. Tangina!

"Sabi nga namin tatahimik na kami, ito kasing si Iron eh!" dinig kong sambit ni Themoty.

"Laah! bakit ako? itong si Zandrix oh"

"Fuck you! dinamay niyo pa ako!"

"Eh sino bang unang nag komento ha? diba ikaw?"

"Ako!? wala kaya akong sinabi ulol!"

"Fuck! pwedi ba! tumigil nga kayo kakabangayan dyan or else ipapadala ko si Hera dyan!" pananakot ko sa kanilang tatlo, teka! hindi ko narinig sa linya si Leonard.

"Asan si Leonard?" tanong ko sa kabilang linya.

Ang tatlong ugok na ito ay nasa headquarter pa namin, ayaw pa raw nilang lumabas dahil baka pagkakaguluhan sila ng mga babae, mga ulol talaga!

"Iwan mukhang sumunod na ata sa iyo dyan" sagot ni Iron.

"Fuck! sabi ko naman sa inyo na sa susunod na Linggo na siya papuntahin dito! shit! gusto niyo ba talagang papuntahin ko si Hera dyan mga ulol!?"

"Ah-eh ZANDRIX! TAWAGAN MO SI LEONARD DALIIII, AYAW KO PANG MAMATAY NG MAAGA. PAANO NALANG ANG MGA BEBE GIRLS KO HUHUHU" tili ni Themoty. Fuck! napahawak nalang ako sa sintido. Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga ugok na 'to!

"Shit! sabi ko naman sa inyong wag kasing istorbuhin si boss! fuck!" rinig kong sambit ni Iron.

Takot talaga ang mga ugok na ito kay Hera. Si Hera ay isang robot na babae, iniregalo ito ni mommy nung mag 15 ako. Ito narin ang nagsilbing bodyguard ko noon, at dahil halos lagpas na sa kalendaryo ang edad ko ngayon at kaya ko na naman ang sarili ko, ginawa ko nalang siya bilang bantay sa bahay ko at nag-aalaga sa anak ko. Siya ang taga-linis at taga-laba, nagsasalita rin naman ito na parang tao.

Kapag inactive ko ang enemy alert sa kanya at sinabi ang mga pangalan na gusto kong ipapatay, kaagad nitong susundin ang utos ko. Konektado ang sytem niya sa isang satelllite na pagmamay-ari ng SA Warriors o Secret Agent Warriors.

Ang Secret Agent Warriors ay Secret Agency kung saan kami ang sumusugpo sa mga salut sa lipunan. Hindi kami alagad ng batas pero isa kami sa tumutulong sa kanila kung may mga kaso na hindi nila kayang gawin. Tumatanggap kami ng mga misyon galing sa mga taong gustong bigyan ng hustisya ang nangyayari sa mga mahal nila o kung ano pa.

Binubuo ng tatlong grupo ang ang Secret Agent Warriors. Una ay Field Warriors kung saan dito kami nasali ng team ko. Mga lalaki lang ang pwedi sa Field Warriors dahil ang mga babae ay sa Computer Warriors ito nababase.

Pangalawa ay ang Computer Warriors, gaya ng sinabi ko kanina mga babae lang ang pwedi rito dahil mahigpit na pinagbabawal ng head namin na sumabak sa field ang mga babae. Sila ang taga-hack ng system na pinapasukan namin kung nasa isang misyon kami, sila rin ang taga-guide sa aming Field Warriors. Bawat miyembro ng Field Warrior may isa itong Computer Warrior. At si Athena ang computer warrior ko.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon