Mag-aalas Dose na ng hating gabii, at ang kasama kong lalaki ngayon ay tulog na. Subrang himbing ng tulog nito. Hindi na siguro ito magigising kung babangon ako. Ito ang magandang pagkakataon para puntahan ko ang kapatid ko, kaninang alas nwebe sana ako pupunta ng hospital pero gising pa ang lalaking kasama ko. Hindi ko gustong malaman nito na may kapatid akong may sakit, dahil ayaw kong kaawaan niya.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama. Napatigil ako ng bigla itong tumalikod sa'kin, naka-harap kasi ito sakin kanina habang naka-yakap sakin. Akala ko nagigising siya sa pagbangon ko pero bumalik ang paghihilik nito na tandang ang sarap ng tulog nito.
Nagsuot ako ng jacket na may hood tyaka pantalon. Matapos akong magbihis, dahan-dahan akong lumabas ng silid. Inactive ko ang sound proof system sa bahay para hindi nito marinig ang tunog ng aking sasakyan.
Nang makasakay na ako sa aking kotse pinaharurot ko kaagad ito dahil tatlong oras lang ang meron ako para makasama ko ang kapatid ko. Magpit kasi na pinagbabawal na dalawin ko ang kapatid ko, ganyan ka selfish ang amo namin. Hindi ko alam kong bakit hindi ko pweding dalawin ang kapatid ko pero ang sabi nito, papayag lang siyang dalhin ko ang kapatid ko sa lugar na ito pero ang kapalit ay hindi ko siya makakasama.
Kaya pamalihim akong dumadalaw sa kapatid ko, mahirap man ang set-up namin pero ito lang ang paraan para makita namin ang isa't isa.
STEVEN
Akala siguro nito na hindi ko namalayan na bumangon ito mula sa kama. Nagpanggap lang akong tulog kanina, mukha lang akong mahimbing na natutulog pero mula kanina hindi pa talaga ako inaantok. Sinanay kami sa ganito ng daddy ko. Minsan nga hindi kami nito pinatulog ng 4 na araw at bawal uminom ng kape. Nung una sobrang hirap pero kalaunan nasanay narin ang katawan namin. Kailangan daw ito pagnasa misyon kami na may babantayan kaming tao.
Nang makalabas siya ng kwarto tyaka lang ako bumangon. Hindi ko narinig na umandar ang kanyang sasakyan pero ramdam kong wala na siya sa bahay nato.
"Athena" tawag ko kay Athena habang hawak ang isang tainga.
"Yes Steve?"
"Can you figure out kung bakit hindi ko narinig ang umandar niyang sasakyan? alam kong sinanay tayo ni daddy na talasan ang ating pandinig lalo na't ganitong sitwasyon pero bakit hindi ko narinig ang sasakyan niya? na alam ko namang naka-alis na siya?"
"Kasi may sound proof system ang bahay na iyong kinaruruonan ngayon Steve, hindi ko pweding alisin ang sound proof system sa bahay na iyan dahil baka mabuking ka na, but pwedi kong maconnect ang earpiece mo sa system ng bahay na iyan para madinig mo kahit saan kaman magpunta ang nangyayari sa bahay na iyong inupahan" napatango-tango naman ako. Ganito pala ka upgraded and system nila sa Islang ito.
"Sige, gawin mo ang dapat gawin" narinig kong may tinitipa siya bago ko marinig ang connected.
Successful na na-connect nito ang system sa bahay na kinaruruonan ko ngayon.
"Pati ang CCTV sa bahay na ito ay na hack ko na pero kaya mo parin makita ang totoong nangyayari sa loob ng bahay na iyan gamit ang contact lens mo" napangiti ako, wala talagang lulusot sa babaeng ito.
"Nice" komento ko, narinig ko siyang napa *Tsk*. Kahit kailan talaga napakasuplada ng babaeng 'to, kaya siguro hanggang ngayon wala akong nabalitaan na may nobyo na ito.
Wala atang balak manligaw sa babaeng ito dahil una, napakasuplada nito sa ibang lalaki maliban sa aming lima. Suplada rin ito nina Thunder at Lightning kaya palagi ko nalang maabotan sa HQ ng SA warriors na nag-aaway ang tatlong ito.
Pangalawa ay mukhang hindi payag si Tito na magnonobyo ang nag-iisa niyang anak. Hindi ko rin masisisi si Tito dahil alam kong hindi gusto nitong masaktan ang princess niya dahil lang sa isang lalaki.
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...