Chapter 44

956 36 0
                                    

Isang buwan na mula nang mangyari iyon. Nandoon narin sa kulungan si Tito Tonino, hindi naman talaga siya napuruhan sa pagbaril ni Steve sa kanya dahil pantulog lang ang bala sa baril ni Steve noon. Naka-uwi narin sa kani-kanilang pamilya ang mga babaeng nailigtas namin.

It's been a month pero sa'kin parang kahapon lang nangyari ang lahat, nung napasok kami sa isla hanggang sa makalabas kami.

Nandito ako ngayon naglalakad sa baybaying dagat habang naghihintay sa papalubog na araw. Naramdaman ko na may sumusunod sa'kin pero hindi na ako nagatubili pang tingnan dahil alam ko na kong sino ang sumusunod sa'kin.

"Drey, can we talk?" hindi ko parin siya tiningnan, instead tumingin ako sa langit at nagbuntong-hininga.

"Ano pang pag-uusapan natin Blake?" yes, buhay siya. Lumaban siya gaya nung huli kong sinabi sa kanya bago kami pumunta sa bundok Alto.

"Marami tayong dapat pag-usapan Drey" this time lumingon na ako sa kanya, naka tayo na pala siya sa gilid ko.

"How are you Drey?" ibinalik ko ang tingin sa dagat saka siya sinagot.

"I'm fine Blake" pero alam ko na deep inside, I'm not okay.

"Are you sure?" hindi ko siya nilingon, instead I take a deep breath again.

"Y-Yeah" naramdaman kong hinawakan niya ang hibla ng buhok ko, hindi parin siya nagbago.

"You're not okay Drey, I can feel it" yumuko ako.

Hindi naman talaga ako okay, lalong-lalo na sa nalaman ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng dobleng sakit, sakit dahil sa katotohanang may kapatid talaga ako pero ninakaw niya ang pagkatao ko, para mapansin ng taong mahal ko noong bata palang ako, nung panahong hindi pa nangyari ang gulo, nung panahong hindi pa kami na aksidente.

"You know me that much huh?" bumuntong hininga siya.

"Very much Drey, mula noon hanggang ngayon, kilalang-kilala parin kita" gusto kong magalit sa kanya dahil sa mga kasalanan niyang nagawa sa'kin but I just can't, kahit papa'no ay naging parte parin siya ng buhay ko.

"Bakit ka nagsinungaling sa'kin Blake?" hindi ko parin siya nilingon.

"I'm sorry" palagi nalang ito ang naririnig ko sa lahat ng may kasalanan sa'kin! Tangina!

"Can you just explain me why? paano niyo 'yon nasikmura samantalang may nasasaktan na pala kayong iba?"

"D-dahil mahal kita" this time marahas akong tiningnan siya, napaatras pa nga siya ng kaunti.

"Lintik na pagmamahal 'yan! punyitang pagmamahal 'yan! subrang selfish niyo eh! kayong dalawa ng half sister ko!" gusto ko siyang pagsuntok-suntukin pero pinili ko nalang na ikalma ang sarili kahit alam kong nanginginig na ang kamay ko.

"Pinaniwala niyo ko na ikaw ang first love ko, na ikaw ang naging una kong nobyo pero hindi pala! ninakaw niyo ang kaligayahan ko Blake!" I hold my tears, hindi ko ugaling umiyak sa harapan ng ibang tao maliban nalang sa mga mahal ko.

"I'm s-so s-sorry D-Drey, i-it just t-that I'm badly in love with y-you kaya nagawa ko iyon, kaya mas pinili ko na paniwalaan mong ako ang mahal mo at hindi siya. Nagpadala ako sa mga sinabi ni Fiona noon, a-akala ko tuluyan k-ko nang naangkin ang puso mo p-pero mali pala ako, maling-mali" nagtagis ang panga ko. Bakit may mga tao pang ipinanganak ng ganito?

"Ang tagal na panahon na niloko niyo ako Blake, idagdag pa nung time na sinadya ng ama mo na maidala ako sa islang iyon kasama si Stela" hinding-hindi ko iyon makalimutan.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon