Chapter 8

1.3K 41 0
                                    

"Anak" tawag ng isang boses. Napalingon-lingon ako kung saan ito nanggaling.

"Anak-anak-anak-anak-anak" echo ng isang tinig lalaki.

Napatakbo ako habang sinusundan ang boses na patuloy akong tinatawag na anak. Patuloy akong tumatakbo sa madilim na lugar na aking kinaroroonan ngayon.

"Anak" muli nitong tawag sa'kin.

Huminto ako sa pagtakbo ng may naaninag akong liwanag sa malayo.

"Anak-anak-anak-anak" muling tawag nito sa'kin.

Muli akong tumakbo papunta sa liwanag. Pagdating ko doon bigla nalang akong napapikit muli dahil parang hindi kakayanin ng mata ko ang liwanag na nasa harapan ko ngayon.

Pero patuloy parin ang pagtawag ng isang boses na umi-eko sa madilim na lugar na ito.

"Anak" sa pagkakataong ito, parang nandito na sa tabi ko ang tumatawag sa'kin nang anak.

"Dad?" muli kong iminulat ang aking mga mata pero napakit akong muli dahil sa liwanag na nakakasilaw.

"Hanapin mo ang kapatid mo"

"Kapatid?"

"Hanapin mo ang kapatid mo, Hanapin mo ang kapatid mo,
Hanapin mo ang kapatid mo" paulit-ulit nitong sambit hanggang sa papalayo ng papalayo ang boses nito.

"Hanapin mo siya-siya-siya-siya" eko ng boses nito.

"Sinong kapatid ang hahanapin ko dad? may iba pa ba akong kapatid? daddy sumagot ka!" iminulat ko ang aking mata and this time wala na ang nakakasilaw na liwanag, madilim nalang ang nakikita ko.

Napalingon-lingon ako, nagbabakasakaling magsasalita siya ulit, pero wala na, wala na akong narinig pa mula sa kanya.

Pumatak ang luha ko mula sa aking mga mata, anong ibig niyang sabihin?

"DADDY SINONG KAPATID ANG HAHANAPIN KO? DAAAD!"

"AUDREY!" napabalikwas ako ng bangon.

"Binangungot ka, kanina pa kita ginigising. Alas kwatro na ng madaling araw" napatingin ako sa relo ko. Alas kwatro na nga, tiningnan ko ang kapatid ko na ngayo'y naka-yakap parin sa'kin.

"Namimiss ka talaga niyan" malumanay na sambit nito na ngayo'y nakatingin na kay Stela. Napangiti ako habang pinapanood siyang natutulog, hinalikan ko siya sa noo.

"Oo nga eh"

"Halata talagang mahal na mahal niyo ang isa't isa Aud bihira lang akong makakitang ganyan" halatang malungkot ito habang binibigkas ang huling salita.

"Magkikita rin kayo ng kapatid mo Dra." ngumiti ito ng pilit sa'kin.

"I hope so Aud. By the way naka sched. na ang chemotherapy ni Stela sa susunod na Linggo"

"Mabuti naman kung ganon, sana makayanan niya"

"Kaya niya 'yan, ano ka ba. Wag kang mawawalan ng pag-asa, gagaling din ang kapatid mo. Keep praying and have faith with God"

"Hindi iyan nawawala sa dasal ko Dra." ngumiti ito sa'kin.

"Good" sana nga makayanan ng katawan ni Stela ang chemo. ayaw kong mawalan na naman ako ng minamahal sa buhay, una sina mommy at daddy. Ayaw ko nang pati ang kaisa-isa kong kapatid ay iwanan din ako.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon