Napilitan akong pumasok uli sa bahay, grabe kasi siya kung makatingin mukhang kakain ng tao eh.
"Kanina habang tulog ka may tumawag sa cellphone mo, kanina pa'yon ring ng ring. Don't worry, hindi ko naman pinakialaman ang cellphone mo" pagkatapos kong marinig ito, tumakbo kaagad ako papunta sa kwarto, narinig ko pa nga siyang sumigaw mula sa sala eh.
"Magbihis ka! o gusto mong ako ang magbihis sayo!?" biglang nagtaasan ang balahibo ko, damn! baka kung ano na namang bagay ang ipasok niya sa puki ko.
"Oo na! magbibihis na!" sigaw kong pabalik sa kanya.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil parang kidlat ang bilis ko patakbo papasok sa kwarto. Habol ng hiningang makarating ako sa silid namin, kaagad ko namang hinanap ang phone ko.
"Asan ba kasi 'yon? saan niya nilagay?" pero bigla akong napatigil ng may narinig akong nagriring malapit sa bag ko na nasa ibabaw ng table!
"Si Leizin ang tumawag!" may 130 missed call from Leizin, 125 missed call from Lynch at 200 missed call from Rhom. Tangina! hindi naman halatang marami silang load diba?
"H-hello Zin" sabay lagay ng phone sa tainga ko.
"My Gad Audrey! bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!?" nilayo ko kaagad ang cellphone ko sa tainga, shit! ang sakit sa tainga ng boses nito!
"Sorry na! ngayon palang kasi ako nagigising, isang araw daw akong tulog sabi ni Steve"
"Seriously!?"
"Oo" pakamot ko sa ulo.
"Alam mo bang pinag-alala mo kaming tatlo sa'yo? hindi ka na nga bumalik sa table natin kagabi eh, sina Rhom at Lynch" napahilot ako sa sentido ko, ito na nga ba ang sinabi ko eh.
Teka diba naiwan naman ang bag ko sa table namin kagabi? paano ito napunta rito sa bahay?
"Zin, ano kasi.. diba kagabi hindi na ako nakabalik sa table natin?"
"Oo, at alam mo bang subrang nag-alala si Steve sayo? bruha ka! kung nakita mo lang ang mukha niya nung pinaalam namin na may gagawin ka pa kaya ka nagpaiwan, I'm sure kikiligin ka"
"Teka! mamaya kana magkwento kung anong reaksyon ni Steve, sagutin mo muna ang tanong ko"
"Sabi ko nga, ano ba kasing tanong mo?"
"Diba naiwan kagabi ang bag ko sa table natin? nagtaka lang ako kung bakit narito na ito sa kwarto ko esti namin pala, ikaw ba ang naghatid nito sa bahay Zin?"
"Nako! hindi ah, after 1 hour kasi nung hindi ka na bumalik sa hotel, bumalik si Steve para kunin ang bag mo" bigla nalang akong kinabahan.
"S-sa tingin mo Zin, pinakialaman kaya niya ang laman ng bag ko?"
"Iwan ko, hindi naman ako si Steve" lokong babaeng 'to, sarap sapakin.
"Magtino ka nga!" singhal ko sa phone.
"Oo na! ang init ng ulo eh hindi ba kayo nag-aano ni Steve kaya ganyan kainit ang ulo mo?" napairap ako sa kawalan.
"Zin ISA!"
"Dalawa"
"Magtino ka ba o susugurin kita dyan at kakalbohin kitang pilosopo ka!?" narinig kung tumawa siya sa kabilang linya.
"Ito naman hindi mabiro, but seriously Aud? ano bang importanteng gamit na nandyan sa bag mo? bakit balisang-balisa ka?"
"W-wala, nevermind nalang. Teka ano nga ulit 'yong sinabi mo kanina? 'yong reaksyon ni Steve nung pinaalam niyo sa kanyang may gagawin pa ako?"
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomansaNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...