Chapter 28

1K 41 0
                                    

AUDREY

"Laro tayo guys daliiiii" nakapalibot na kami ngayon sa bonfire habang naka indian sit.

"Ano namang laro 'yan Leizin?" tanong ni Rhom.

"Spin the bottle!" excited niyang inilabas ang bote nung ininom naming wine kanina.

"Ay bit ko 'yan!" sabay palakpak pang sambit ni Lynch.

"Sige! sige! count me in" rinig ko mula kay Rhom, may pagkachildish rin pala ang babaeng 'to.

"Ikaw Aud?" tanong ni Leizin sa'kin.

"I don't have a choice" kibit-balikat kong sagot.

"Nice! kayo boys?"  baling niya sa mga lalaki, nagsitanguan naman ang mga 'to. Nasa tapat nga pala namin nakaupo ang mga lalaki, kumbaga nasa kabilang side sila nung bonfire.

"Sige! alam niyo namang truth or dare to diba? pero mas maganda kung bigyan natin ng twist" napangising pahayag ni Leizin. Oh! oh! this is not good.

"Ano naman?" tanong ni Yssesa habang kumakain ng inihaw na hotdog.

"Kung dare ang pipiliin niyo, iinom kayo nito before niyo gagawin ang dare" sabay taas nung isang vodka. Lasengira talaga ang isang 'to.

"Pagtruth naman, pagkatapos niyang sagutin ang tanong kailangang pipili siya sa dalawa. Ang sasayaw siya ng sexy dance sa lalaking gusto niyang sayawan o halikan niya ito"

"WHAT!?" sabay naming reaksyon nina Lynch at Rhom, hindi kasali si Yssesa dahil busy ito kakakain ng hotdog.

"Para namang dare na lahat 'yan eh" reklamo ni Lynch.

"Wag kang KJ Lynch. Sisimulan ko na ha?" and then she spin the bottle, at tumapat ang butas niya sa'kin which means ako ang pipili kung truth or dare ba.

"Truth or dare?" tanong ni Leizin.

"Dare!" hindi pweding truth dahil alam ko na ang takbo ng utak ng babaeng 'to.

"Halikan mo si Steve" damn! sabi ko na nga ba eh.

Napatingin ako kay Steve, shit! parang nangangatung ang tuhod ko kahit na ilang beses ko na siyang nahalikan.

"Kiss! kiss! kiss! kiss!" cheer nila, tangina!

Bahala na nga!, ininum ko muna ang vodka saka nilapitan si Steve at.

*TSUP*

Damn! parang bumagal ang takbo ng oras dahil hindi lang simpleng halik ang ginawa ko, parang.. parang may sariling utak ang labi ko dahil sa pinaggagawa ko sa labi niya.

"WOAH!" rinig kong sigaw nilang lahat ng tinugon ni Steve ang halik ko.

Hindi pa sana kami titigil pero hinila na ako ni Leizin mula kay Steve. Shit! parang ang pula ng mukha ko ngayon dahil sa pinaggagawa ko.

"Mamaya niyo na ituloy ang paghahalikan niyo, baka dito pa kayo mag-aano nakooo masasapak talaga kitang bruha ka!" kinurot ko naman siya.

"Gaga! pakulo mo 'to kaya wag mo 'kong pagalitan!" tumawa lang siya. Napailing nalang akong bumalik sa inupuan ko kanina.

Hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Steve, parang nararamdaman ko parin ang labi niya sa labi ko. Nakatingin rin pala siya sa'kin, ngingiti na sana ako pero bigla nalang siyang tumayo. Teka, saan siya pupunta?

Narinig ko pang tinawag siya sa mga barkada niya pero walang sagot mula sa kanya ang narinig namin. Tatayo na sana ako para sundan siya pero pinigilan ako ni Rhom.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon