Chapter 34

1K 35 1
                                    

"Is this for real Steve?" hindi makapaniwalang tanong ko, narinig ko ang AYEEEIH ng mga kaibigan ko.

"What's make you think that this is not real honey?"

"Because I heard you last night, you're calling that name again" nakita ko siyang napangiti.

"Because I want to know your reaction honey, and when I see you crying? I realized that Themoty is not lying" kaagad akong napatingin kay Themoty, at ang loko nag peace sign lang sa'kin.

"Pero bakit umakto ka nang parang wala kang pakialam kong tinutukso nila tayo?" I heard him sigh.

"Hindi ka ba naniniwala sa'kin Audrey? my feelings for you is real" p-parang ang hirap lang paniwalaan eh.

Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya dahil hindi pa lahat nag-sink in sa utak ko ang lahat ng nangyayari ngayon.

"Audrey?" napatulala na pala ako habang nakatitig sa hawak nina Lynch at Leizin, ang may nakasulat na CAN I COURT YOU AUDREY SANTIAGO?

Napalingon ako kay Steve na hanggang ngayon naghihintay sa sagot ko, pati narin ang mga tao'ng nandito sa silid namin. Should I give him a chance? 'yong utak at puso ko kasi nag-aaway kung anong dapat gawin eh.

"Aud?" shit! bahala na nga lang.

"Yes Steve, Yes! you can court me" pagkasabi ko nito, bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Napadaing ako dahil nasagi niya ang sugat ko sa tiyan.

"S-sorry, sorry" kaagad niyang hingi ng sorry nang mapadaing ako.

"Okay lang hehe"

"Ayeeeeeh, nako! bakit kailangan pang magligawan? eh pwedi namang jowa na kaagad?" komento ni Lynch.

"Asus, parang ikaw naman ata ang atat na atat magkajowa eh. Ligawan mo narin kaya 'tong si Lynch, Zandrix?" komento ni Leizin. Ngumiti lang si Zandrix sa kanila, asus if I know magkakatuluyan din ang mga 'to someday.

"Sagutin mo nalang kaya si Steve ngayon Aud? doon din naman kayo pupunta eh" komento ni Rhom, pero umiling ako.

"Hindi pa pwedi ngayon, may mahalagang bagay pa tayong tapusin. Kung matatapos at matagumpayan natin ang mga 'yon saka niyo na malalaman ang sagot ko kay Steve" sabay tingin ko kay Steve.

"I will wait Aud, I will patiently wait for your sweet YES" diniinan niya ang salitang Yes.

Kinikilig ako na iwan, pangarap ko lang 'to noon with him eh and now he finally confess his feelings for me. But I have this feelings na parang.. parang may mali? pero para sa'kin ngayon, tama naman ang lahat. Hayst! hindi ko nalang 'to papansinin.

"Oh boys! kayo na namang humawak nitong cake oh, ang bigat kaya nito tapos kami ang pinapadala niyo!" reklamo ni Leizin, panira ng moment talaga ang bruhang 'to.

"Sorry naman" sagot ni Iron.

Akmang ilalagay na sana ni Iron ang cake sa mesa kung saan nandoon din ang mga ice cream na dala nila, nang pigilan ko siya.

"Sa kusina mo nalang dalhin ang cake Iron, sa kusina tayo kakain" bumangon ako habang inalalayan naman ako ni Steve.

"Pakidala nalang din ng mga 'to sa kusina boys" sabay turo ko sa ice cream na dala nila.

Inalalayan ako ni Steve makababa ng hagdan, habang ang mga babae ay nauna na sa kusina. Ihahanda pa raw nila ang pagkaing inorder nila kanina. Kaya pala maaga silang umalis kasama si Steve, may pakulo pala ang mga bruha.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon