Chapter 31

1K 36 0
                                    

"Baby? baby gising kana! LEON! LEON!" parang ang bigat parin ng pakiramdam ko at masakit din ang katawan ko.

Nakita kong pumasok si Leon sa silid na kinahihigaan ko, kasunod nito si Steve hanggang sa sunod-sunod nang pumasok ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Steve.

Naramdaman kong chineck ni Leon ang mga mata ko, papunta sa pintig ng puso ko.

"This is a miracle" rinig kong sambit niya.

Muli kong pinikit ang aking mga mata dahil subrang bigat parin ng talukap ng mga mata ko, gusto ko pang matulog.

"S-Steve" pautal-utal kong tawag sa kanya, mayamaya pa may humawak na sa kamay ko pero nakapikit parin ang aking mga mata.

"Yes baby?" subrang gandang pakinggan ang tawag niya sa'kin, na parang nakakawala ng sakit sa nararamdaman ko ngayon.

"G-gusto ko pang m-matulog" mahina kong pahayag.

Naramdaman ko na may nag-iiyakan sa bandang paanan ko, parang boses ito ng mga kaibigan ko pero wala akong lakas pa para tingnan sila at yakapin.

"Sige, matulog ka muna. Nandito lang ako, hindi kita iiwan" naramdaman kong may humalik sa noo ko pababa sa ilong ko at patungo sa pisngi ko.

Hindi na ako nakasagot pa dahil tuluyan nang nilamon ang sistema ko sa kadiliman.

STEVEN

Every now and then, chinecheck ko kung okay lang ba siya, kung humihinga pa ba siya dahil subrang kaba ko nung panahong nawala ang beat nang puso niya.

Nandito parin ako naka-upo sa gilid ng kama niya, hinihintay siyang magising ulit. Subrang saya ko nung nasilayan ko na naman ang magaganda niyang mga mata. Its been almost a month simula nung mangyari ang insidente.

Nung araw na 'yon, umislab nang apoy ang bahay matapos naming makaalis. Pinaiwan ko si Zandrix sa bahay na 'yon para linisin ang kalat pero ang sabi niya, bigla nalang daw nag-aapoy ang loob ng bahay at buti na nga lang daw nakalabas na siya sa panahong 'yon.

Ang pinagtataka namin dahil wala kaming nakitang sunog na katawan sa bahay na iyon dahil kinaumagahan muli naming binalikan ang lugar. At pinagtataka rin namin kung bakit hindi man lang natunugan ng mga tao sa islang ito ang nangyari sa bahay na 'yon. Mukhang planado ang lahat, mula sa pagdukot kina Audrey hanggang sa makalabas kami.

And now we only have one week bago kami mag-isang buwan dito. We only have one week to do our plans, hinintay lang talaga naming magising si Audrey para magawa na namin ang plano.

As of now, alam na ng mga kaibigan ni Audrey pati ang doctor na kasama ni Leon sa paggamot kina Audrey at Rhom. Nangako sila na hindi magsasalita tungkol sa nalalaman nila sa'min, nangako rin sila na tutulong lalong lalo na 'yong doctor. Pero ang hindi lang nila alam ay ang tungkol kay Yssesa maliban sa'ming mga babae at kay Kaizer, 'yong doctor na kasama ni Leon.

Tumulong narin si Doc Kaizer para gumawa nang mabisang gamot para kay Yssesa at ngayon ando'n sila sa secret room para ipagpatuloy ang paggawa. Ang alam lang ng mga kaibigan ni Audrey na nag-imbento lang sila ng gamot panlunas sa sakit ng kapatid ni Audrey.

Hanggang ngayon hindi ko parin nakuha ang kapatid ni Audrey sa hospital dahil kung kukunin namin ang bata, malalaman ng head sa islang ito ang pinaggagawa namin. Pero palagi namang binibisita ni Kaizer ang kapatid ni Audrey, at noong isang linggo lang sumabak na ito sa chemotherapy niya. Ang sabi ni Kaizer, unti-unting lumalakas ang kapatid ni Audrey which is good dahil maiibsan ang pag-alala ni Audrey para sa kapatid niya.

Nung akala namin na binawian na ng buhay si Audrey dahil tumigil ang pagpintig ng puso niya, parang tumigil din sa pagpintig ang puso ko sa mga oras na iyon. Pero dahil sa dasal naming lahat na ginawa sa loob ng silid kung saan nandoon ang dalawang babaeng nag-aagaw buhay, bigla nalang bumalik ang tibok ng puso ni Audrey though nag-aagaw buhay parin ito.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon