"Saan natin sila hahanapin kung hindi naman natin alam kong nasa'n talaga sila?" napatigil ako sa paglalakad.
"Nandito kami sa maraming buhangin, malamig at maraming-maraming maliliit at malalaking insekto"
"May binigay siyang clue sa'kin kanina Steve!" naglakad uli ako pababa ng hagdan, nakasuot narin si Steve gaya nung sinuot niya noong sumunod sila sa'kin papunta sa bahay ni Charles.
"Ready na ba ang lahat Themoty?" tanong ko kay Themoty, siya kasi ang nasa baba ng hagdan naghihintay sa'min.
Nandoon parin ang mga kaibigan ko sa secret room, pinagsabihan ko na sila na wag umalis ng bahay at kung pwedi sa secret room lang sila magstay. Mabuti ng nakasiguro kami dahil hindi namin alam baka salakayin nalang sila bigla at mapahamak pa silang apat.
"Ready na Miss Audrey, ikaw nalang ang hinintay namin" tumango ako sa kanya habang nakasunod parin sa'kin si Steve.
Pumasok ako sa secret room, tama nga si Themoty mukhang ako nalang ang hinihintay ng mga kasamahan ni Steve para makaalis.
"Do you have any idea kung saan natin sila matagpuan Audrey?" tanong ni Zandrix, nandito pala siya bigla kasi itong nawala kanina eh.
Pumasok kasi sa bahay ang mga kaibigan ni Steve except kay Zandrix after namin pag-usapan ni Steve ang sunog na nangyari sa bahay na iyon. Tinanong ko sina Themoty kung nasa'n si Zadrix, at ang sabi ni Themoty umuwi raw muna ito sa bahay na nirenta nito. Mas lalo tuloy ako'ng nanhinala kay Zandrix ngayon.
"May tumawag sa'kin kanina" sabay silang napatingin sa'kin pati na ang mga kaibigan ko pero tahimik lang ang mga ito.
Naglakad ako papunta sa harapan nila, sa harapan ko ay may mesa'ng nakalagay. Kompleto kasi ang gamit dito sa secret room, mula sa sofa, mesa, tv, laboratory at kama. Mukhang sina Steve na ang nagpadeliver nang mga 'to dahil wala pa ito nung pinag-aralan namin ni Zandrix at Leon ang nakuha naming gamot sa laboratoryo ni Charles.
"Tumawag na si Zien sa'yo?" tanong ni Zandrix sa'kin, paano niya nalamang si Zien ang tumawag sa'kin kanina?
"Exactly, paano mo nalaman Zandrix?" tinitigan ko ang mga mata niya. And I see upset in his eyes, bingo!
"W-wala, naisip ko lang kasi na posibleng tatawag si Zien sa'yo dahil mostly, ganyan naman ang ginagawa nung naging misyon namin noon" napatango-tango ako.
"Kailangan nating mahanap sila bago pa niya saktan ang kapatid ko, may sinabi siya sa'kin kanina bago niya pinatay ang tawag"
"Anong sabi?" rinig ko mula kay Lynch.
"Nandito kami sa maraming buhangin, malamig at maraming-maraming maliliit at malalaking insekto. Iyan ang sab niya, mukhang gusto talaga niyang pahirapan tayo'ng mahanap sila"
"Maraming buhangin, malamig at maraming-maraming maliliit at malalaking insekto, parang isa itong bugtong" rinig ko mula kay Lynch.
"Bugtong? wala pa akong narinig na ganyang bugtong" komento ni Rhom. I agree.
"Maraming buhangin ibig sabihin nasa isang baybayin sila" rinig ko mula kay Leizin.
"Posible, but knowing Zien, hindi niya dadalhin ang kapatid ko sa madali lang natin matagpuan" napatango-tango ang mga kaibigan ko, habang ang mga lalaki kasama na si Steve ay walang imik, mukhang iniisip din nito ang posibleng sagot sa binigay na clue ni Zien.
"Posibleng sa isang baybayin ang sagot sa una niyang salitang sinabi, pwedi ding nasa ilalim sila ng dagat o kaya ay nasa isang ilog sila based on the last word she says MARAMING-MARAMING MALILIIT AT MALALAKING INSEKTO" komento ni Yssesa.
BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...