Dinumbol nang kaba ang dibdib ko nang makita ko si Steve na naka tayo sa harapan ko ngayon. Paano niya nalamang nandito ako?
"Paanong.." hindi natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya akong dinala sa madilim na bahagi ng bahay.
"Shhh, I'll explain you later honey. Now what's your plan, may I know?" kahit nakasuot siya ng isang mask, nakikita ko parin ang gwapo niyang mukha. Pero paano niya nalamang ako 'to? I wear my blind suit.
"Paano mo nalamang ako ito?" nakita ko siyang napangisi, hindi literal na nakita kung napangisi siya dahil may suot siyang mask, at sa tantya ko ay hindi ito basta-bastang mask lang.
"Dahil sinundan na kita mula nung umalis ka ng bahay hanggang sa makarating ka rito, at may suot akong contact lens kaya nakikita kita kahit anyong pader ka ngayon" nanlaki ang mata ko.
"H-how? w-what? a-are you a… secret agent?" may background ako sa secret agent kung papano. When I was young my mother told me about the life of secret agent and I don't know why she did that pero ngayon mukhang naiintindihan ko na.
"Yes honey" kumunot ang noo ko.
"Yong mga barkada mo.. kagaya rin sila sa'yo?" nakita ko siyang tumango.
"P-pero papano?"
"Wag nang masyadong maraming tanong baby, baka magising na 'yong doctor at isa pa hindi ako nag-iisang pumunta rito, kasama ko ang mga kasamahan ko sa grupo. Kung may tanong ka, mamaya mo nalang itanong dahil baka hindi pa natin mapatay ang doctor" mas lalong kumunot ang noo ko, paano niya nalamang doctor ang punterya ko dito?
"H-how did you know?" narinig kong napabuntong hininga siya.
"Basta! mamaya ko nalang sasabihin, now may I know your plan? Alam kong pinag-aralan mo na ang bahay na ito, and I know that hindi madaling pasukin ito" hayst! bahala na nga lang, mamaya nalang ako magtanong sa kanya.
"May nakita akong secret passage sa may bandang likod nitong bahay, mukhang ginawa ito in case of emergency" nakita ko siyang napatayo habang seryosong nakatingin sa'kin.
"At sa may pintuan may nakalagay na isang bitag hanggang sa sala ng bahay, na kung saan kung maapakan mo ito paniguradong patay ka kaagad, pero may ibang paraan para hindi natin madaanan ang bitag na iyon"
"Ano?"
"Kailangan nating umakyat pagkadating natin sa labas ng pintuan patungo sa silid ng doctor" napatango siya sa sinabi ko.
"Pero.." huminga muna ako ng malalim bago magsalita muli.
"Kailangan kong pumunta sa laboratory niya para kumuha ng sample sa mga ibang gamot na gawa niya"
"Don't worry, si Leon na ang bahala sa lab., tayo na baka abutan pa tayo ng ibang tao rito" at hinila na niya ako papunta sa tinuro kong secret passage.
Pagdating namin sa labas ng pintuan, naunang umakyat si Steve. Dahil sa nakita kong kilos niya napagtanto kong isa nga siyang agent. May suot siyang isang sapatos na dumidikit sa wall ng bahay kaya ang dali lang niyang nakaakyat, buti nalang at may terrace ang silid ni Doc. Charles.
Pagdating niya sa ibabaw ng terrace kaagad naman niyang akong hinulugan ng lubid na kaagad ko ring ginamit para makaakyat. Malapit na akong makarating ng terrace ng bigla nalang nahulog ang lubid, buti nalang at nakahawak na ako sa edge ng terrace, hindi ako nasama sa lubid na nahulog sa baba.
"Sino ka?" bigla akong kinabahan dahil alam kong nagising namin si Charles! shit! dalidali akong pumanhik sa terrace at hindi nga ako nagkamali, tinutukan ng baril ni Charles si Steve.

BINABASA MO ANG
Audrey (Completed)
RomanceNa assign si Steven Smith Austin at nang team niya sa isang misyon. Ito ay ang alamin kung isa nga bang illegal recruitment ang AL Online Company. Ang AL Online Company ay isang kompanyang tumatanggap ng online na serbisyo kagaya nang pagpapalago n...