Chapter 9

1.3K 45 0
                                    

Habol ang hininga ng makarating ako sa kwarto. Nakita kong nanginginig si Audrey na nasa sulok habang yakap nito ang kanyang sarili.

"Hey, what happen?"

"M-may t-tao" nangingig itong tinuro ang bulto ng isang tao na nasa terrace.

Hindi makita kong lalaki o babae ba ito dahil natatakpan ito ng kurtina.

Kaagad kong kinuha ang lampshade na nasa table malapit sa kama. Ito lang ang nakikita kong pweding panggamit laban sa taong ito. Hindi ko pweding ilabas ang baril ko dahil baka magtaka ang babaeng kasama ko.

Dahan-dahan kong hinawi ang kurtina at akmang ihahampas ko na sana ang lampshade sa ulo ng taong nasa terrace pero hindi ko ito natuloy.

"Leonard?"

"Ah hehe hi bestfriend" nakangiti ito habang tinatawag ako ng.. Fuck!

"I'm not your bestfriend! and what are you doing here you demented!?"

"Teka lang" hindi niya sinagot ang tanong ko. Tumalikod ito sa'kin na parang may tinulungang umakyat?

"You idiot! buti nalang hindi ako nahulog kanina ng binitawan mo ang kamay ko!" parang tinig ng isang babae. Dali-dali ko silang dinaluhan at hindi nga ako nagkamali, babae nga ang kasama ng lokong ito.

"And what do you think you're doing LEON!?" halos magtagis ang panga ko ng makita kong pati ang babaeng kasama nito ay dinamay pa sa kalokohan niya! paano nalang pag nahulog ito? paniguradong bali-bali ang buto nito dahil may kataasan ang terrace ng bahay na inupahan ko.

Nakita ko siyang napakamot.

"A-ano kasi.."

"Ano!?"

"Teka lang saglit! putek ang high blood mo talagang tanda ka!" hahampasin ko sana siya ng dala kong lampshade ng lumabas si Audrey papunta sa kinaruruonan namin.

"Yssesa?" napalingon ako sa kanya. Kilala niya ang babaeng kasama ni Leon?

"Kilala mo siya?" sabay turo ko sa babae.

"Oo naman, bestfriend ko iyan and what are you doing here Ysses?" naka kunot ang noo nito.

"Eh kasi itong kasama ko gustong pumunta rito dahil daw nababagot na siya sa bahay tapos.."

"Tapos kanina pa kami doorbell ng doorbell wala namang nagbubukas ng pinto kaya naisipan kong umakyat nalang kami rito" napahawak nalang ako sa sintido ko. Damn this man!, hindi talaga nag-iisip!

"Paano pag nahulog ang babaeng kasama mo!? nag-iisip ka ba Leon!?" singhal ko.

"Wala akong isip bestpar remember?" fuck! sasakit ata ang ulo ko dahil sa lalaking ito!

"MAG BESTFRIEND KAYO?" sabay ng tanong ng dalawang babae.

"OO!, HINDI!" sabay naming sagot ni Leon.

Inakbayan ako nito.

"Alam mo bestpar, tanggapin mo nalang kasi ang katotohanang mag bestfriend tayo" kindat-kindat nito. Kinuha ko ang pagkaka-akbay niya sa'kin. 

"I said.. DON'T CALL ME BESTPAR! your not my bestfriend you fucking MORON!" hinampas ko sa kanya ang dala kong lampshade na kaagad naman nitong nailagan.

"Enough!" tigil ni Audrey sa'min.

"Bakit kasi hindi mo sila pinagbuksan ng pinto Steve!?" singhal niya sa'kin. Aba't! kasalanan ko pa ngayon?

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon