Chapter 6

1.4K 42 0
                                    

Sino si Fiona? hindi ko alam pero naka-ramdam ako ng sakit galing sa puso ko. Hindi ko dapat ito maramdaman dahil kanina ko palang siya nakilala.

Mayamaya pa, iminulat na nito ang kanyang mata, gising na siya. Pinahiran muna nito ang kanyang luha bago ito humarap sa'kin.

"Gising ka na, pumasok na tayo sa bahay" aya ko sa kanya.

"T-teka kanina pa ba ako tulog?" mapungay-pungay nitong tingin sa'kin.

"Oo"

"M-may sinabi ba ako habang tulog ako?"

"Wala. Mauna na akong lumabas sa'yo" paalam ko sa kanya, hindi ko na siya hinintay pang sumagot.

Sabi ni Rhom napadala na raw niya ang mga damit ko rito good for 1 month, dahil hindi ako pweding umuwi ng bahay ko. Hindi kasi namin pweding iwan ang rumenta sa'min maliban kung ito ang may gusto.

Nauna ako sa kanya na pumasok sa bahay. Ngayon lang ako nakapasok sa bahay na ito, subrang laki pala talaga. Muli akong lumingon sa pinto at nakita ko siyang bitbit ang maleta niya. Nilapitan ko siya para sana tulungan pero hindi siya pumayag kaya hindi na ako nagpumilit pa.

"Magluluto na muna ako ng pagkain natin" hapunan na kasi, alas siyete na ng gabii.

Akmang aalis na sana ako pero hinawakan nito ang pulsuhan ko kaya  nagtataka akong tiningnan siya. Bumuntong hininga muna ito bago magsalita.

"I'm sorry"

"Sorry for what?"

"Sorry kung may nasabi man akong mali sayo kanina"

"Na it's okay, tanggap ko na eh" pilit akong ngumiti sa kanya.

"Pero bago ka magsalita ng ganon dapat alam mo ang storya ng isang tao. Dahil hindi mo alam nakakasakit ka na pala ng damdamin ng isang tao. Hindi mo alam ang storya ko kaya watch your words sir. Sige maiwan na muna kita, magluluto na muna ako ng hapunan natin" mahinahon kong pahayag at iniwan siyang nakatayo sa sala.

Alam kong may maluluto kaming pagkain dito dahil kasali na ng binayarang upa sa bahay na ito ang pagkain. Wala rin naman akong problema kung kami lang ang magluluto ng pagkain namin dito dahil marunong naman akong magluto, iwan ko nalang kung magugustuhan ng kasama ko ang lulutuin ko.

STEVEN

Bigla kong naramdaman ang konsensya sa sinabi ko sa kanya kanina. Dahil alam kong wala akong karapatang sabihin iyon.

Bigla akong nakaramdam ng takot kanina ng makita ko itong hindi na niya ako inimikan. Hindi ko alam pero natatakot ako sa posible niyang gawin, na baka hindi na talaga ako nito papansinin. Hindi sa takot akong hindi na maka pagtalik sa kanya kundi takot akong.. takot akong mawala siya. Oo alam ko, alam kong hindi ko dapat ito maramdaman dahil isang araw ko palang siyang nakilala.

Siguro nararamdaman ko ito dahil kamukhang-kamukha niya ang namayapa kong asawa. Kamukhang-kamukha niya si Fiona. Kanina lang ay nananaginip ako sa kanya, umiiyak daw ako habang hawak ang kamay niyang malamig na.

Napabuntong hininga nalang ako, ng maalala ko na naman ang pangyayaring iyon. Nung binawian na siya ng buhay, bigla ko na namang naramdaman ang sakit.

"Steve" rinig kong tawag ni Athena, akala ko hindi na ito magsasalita pang muli.

"Yes?"

"Gusto ko lang sabihin na wag kang magpadala ng emosyon mo dahil kamukha lang niya ang asawa mo, hindi siya ang asawa mo Steve" napabuntong hininga ako.

Audrey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon